Days 32 & 33

64 0 0
                                    

Maaga akong gumising. Ayaw ko kasing makasabay na naman yung isang yun. Baka mabadtrip na naman ako. Inunahan ko siya, pumunta ako ng office mag-isa at hindi ko siya pinag-prepare ng lunch. Bahala na siya sa buhay niya.

(Office)

“Bakit mo naman ako inunahan na pumunta dito?” tanong niya sa akin na parang naa-asar.

“Pakialam mo? Kaya ko namang pumunta dito mag-isa.”

“Wow. Ano ba kasi problema mo? Eh ikaw naman, hinihintay kita para pumunta dito ah.”

“Sinabi ko bang hintayin mo ako? Wala naman akong sinabi ah.”

“Ewan ko nga sa’yo. Labo mo.”

“Ewan ko lalo sa’yo!” tapos pumasok na siya sa office niya at nagsara yung glass door na automatic. Papalagyan ko na yun ng curtain promise.

Instant namang dumating ang kontrabida simula kahapon. Sapakin ko siya eh.

Ito na naman, landian portion na naman. Sabi ng isip ko.

‘Tsk. Ayaw pa kasing aminin na may gusto na siya kay Ken. Sabi naman ng puso ko. Ayy, lecheflan, ano raw?

‘Ayaw nga kasing maniwala ng sarili ko eh.’ Sabi ng isip ko.

‘Tibok na nga ako ng tibok dito ng abnormal, hindi mo parin ma-gets France? Medyo slow ha?’ Sabi ng puso ko.

Napahilamos naman ako ng mukha, nababaliw na ata ako. Kinakausap na ko ng mga body parts ko. Urgh!

Magtatrabaho na ako. Baka hindi ako paswelduhin dito dahil wala akong ginagawa.

***

Lunch Break

Badtrip rin siya sa akin kaya malamang hindi yun sasabay ngayon. Kasama niya yung Aya niya.  Magsama sila.

Loner mode tuloy ako ngayon.

“Uh, hi Ms. France?” sabi ng isang lalaki.

“Hello?” Well, gwapo siya. Maputi, matangkad, makinis, maganda katawan.

“Pwede po bang maki-upo? Puno na po kasi yung iba eh.”

“Oh sure.” Tapos umupo na siya sa tabi ko.

Tumingin naman sa akin si Ken. At tiningnan ko rin siya at nginitian ng sobrang ngiti. Inexpress ko sa mga mata ko na “Kala mo ikaw lang marunong lumandi? Pwes, ako rin.”

*laughs* Umiwas na lang siya ng tingin. Kala niya ha!

Nag-usap kami ni Mark. Napag-alaman ko na may internship lang pala siya dito. At 18 pa lang siya. Kaya sabi ko Ate na lang itawag niya sa akin.

At kung hindi ako nagkakamali, papunta dito si Ken.

May dala siyang siomai.

“Masarap ‘to…” sabay bukas niya ng bibig ko at sinubo niya yung siomai. “Di’ba?”

Tapos umalis na siya. Okay, what was that?

“Naku Ms. France! Nagselos po ata yung boyfriend niyo.”

“Ha? Hindi ko yun boyfriend. Ano ka ba, wag mong pansinin yun. May topak yun ngayon eh.”

***

Pag-uwi namin sa bahay, kinausap ko siya.

“Bakit mo ba ko sinubuan ng siomai? Problema mo? Pa-extra ka ha.” Bungad ko sa kanya.

“Bakit? Pinapatikim lang naman kita ah. Ayaw mo? Eh di iluwa mo.”

100 Days with a MONSTER (Part 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon