Ken’s POV
“Asan na ba yung pocket book ko? Psh.” Badtrip. Nawawala yung bagong bili kong pocketbook. Grrr.
“Fraaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaannnccccccccccccceeeeeeeeeeeeee!”
“Oh? GOOD MORNING din naman ano. Ang ganda ng bati mo sa akin! Ano ba problema mo??” Andami dami sinasabi ng babaeng toh. Ipakain ko siya sa buwaya eh. Tsss.
“Dami dami mo sinasabi dyan! Nakita mo pocketbook ko?”
“Hindi.”
“Psh. Hanapin mo nga!”
“Aba? Ano ko katulong? Kala mo kung sino ka! Psh. Bahala ka maghanap diyan! May date pa ko. Babayooooo!” Date daw? HAHAHAHAHAHAHAHA!
“Date? Hahahaha! Sa’yo may makikipagdate? Hahahaha. Ang galing mo magjoke! Hahaha”
“Ang kapal mo din naman! Kala mo kung sino kang gwapo! Eh inagawan mo nga best… ex-bestfriend ko kay Trixie eh!!!!” “Oh no….” Huh? How did she know? And that stupid guy is her bestfriend????!
“Bestfriend mo yun?”
“Tanga? Ex-best friend! Kailangan paulit-ulit??!” Tsss. Baka siya!
“Ikaw ang t*ng*!!! may pa ex ex ka pang nalalaman dyan. Parehas din naman yun, bestfriend pa rin. Psh!”
“Wala kang alam sa nangyari! Huhuhu!” AI. Nagwalk-out?? Umiyak pa? Anong ginawa ko?? Parang bata lang. Tsss. Hahaha. Pero sabagay may DATE daw siya. Sus. Baka isinama lang sina ate. May makikipagdate ba dun sa pangit na yun?? Yuck!
Pero, paano kapag isumbong ako nun kina daddy. Tiyak, patay na naman ako, baka dagdagan pa yung 100 days. Tss. Magsorry kaya ako? Eh eh, ano ba ginawa ko para mag-sorry? Fft.
EVIL ME:
Wala kang ginawa sa kaniya, wala ka naming masamang sinabi kaya hindi mo kailangan mag-sorry at tandaan, lalaki ka, hindi magandang tingnan na nagsosorry ang isang lalaki, magmumukha ka lang bakla. Saka, siya naman ang umiyak, hindi mo naman siya tinorture o kung ano man, hindi mo naman siya tinutukan ng baril. Kaya walang dahilan para magsorry. Tsaka, kung magsumbong man siya sa daddy mo, ikaw parin ang kakampihan kasi ikaw ang anak.
Hmmm. Oo nga naman!
ANGEL ME:
Magsorry ka! Hindi magandang manakit ng babae, labag yun sa utos. Tsaka hindi makakabawas sa pagkalalaki mo ang pagsosorry, normal lang yun sa tao. Malay mo, maging friends pa kayo nun. Tsaka baka nasaktan mo siya kaya siya umiyak, kaya dapat magsorry ka sa kanya.
Sabagay, baka lalong hindi magkasundo kami sa bahay na toh at araw araw may WORLD WAR. Baka hindi pa ko patulugin ng konsensya ko. Hmmm. Sige, magsosorry na ako, baka masira pa ang Planet Earth kapag nagwala yung babaeng yun pero isang beses lang ako magsosorry at kapag hindi niya tinanggap, bahala siya sa buhay niya, kaartehan na niya yun. Fft.
Sana naman makayanan ko magsorry sa babaeng ito at hindi ako tamarin. XD
Pero, oo nga pala, asan na yung pocketbook ko? Page 2 palang ako dun ai. Tss. Bakit ba? Lalaki ako, at wala akong gana magbasa. Napulot ko lang naman yun sa may café kanina eh. :D
Haaay. Ano kaya gagawin ko dito? Ayokong lumabas, ang init, hindi ako marunong magluto, taos na ko maligo, walang magandang palabas sa tv, malinis pa ang bahay, katamad magswimming, katamad magbasa, walang makatext, sawa na ko sa internet. Haaaay! Makatulog na lang. Zzzzz
France’s POV
Nakakabadtrip yung Ken na yun!!!! Sana po lamunin na siya ng lupa at pagdating ko ssa bahay eh wala na siya dun pati ang mga gamit niya para wala nang kalat sa bahay na yun at makauwi na ko sa bahay namin!!!!!!!!! Grrr. Pinaiyak ba naman ako. Psh. Malaki kaya ang pagkakaiba ng EX sa HINDI EX. Duh???????????? Ang bobo niya!
BINABASA MO ANG
100 Days with a MONSTER (Part 1)
HumorHe's such an annoying creature, and yet my heart fell for that one. - PART I only