*door bell*
“Ken! Pakibuksan ng pinto, nag-aayos pa kasi ako eh.” Sigaw ko kay Ken kasi siya ang malapit sa pinto.
Sumunod naman siya at bigla niya akong kinulbit.
“Oh.” Iniabot niya sa akin yung flowers. Again, hiniling ko na sana sa kanya ‘yun nanggagaling kasi konting tulak na lang talaga, mahuhulog na ako sa kanya. Konti na lang, Ken.
“Salamat! Kanino kaya galing ‘to, sana magpakilala na siya para naman ma-meet ko na ang prince charming ko.” Nagparinig ako hoping na magpapakita siya na affected siya pero wala eh, patay malisya siya.
“Psh. Prince charming your face, ano ka prinsesa? Tsk. Bilisan mo na nga, male-late na tayo eh.”
“Ang sungit mo! Tatanda ka agad niyan eh!”
Kinuha ko ulit yung note.
Nagtataka ka na ba kung sino ako? Please wait, I’m on my way.
On the way? Traffic ba sa EDSA? Di bale, on the way na raw eh, edi iintayin na! Once in a lifetime chance lang ‘to eh.
***
Pagkarating namin sa office, may nakahandang gitara doon at mic, hala? Anong meron? Hindi naman ako nagpapadala ng ganito ah?
Pagkatalikod ko para magsimula ng trabaho, narinig ko agad yung strum ng gitara, familiar sa akin yung kanta eh, Harana by PNE.
Napaharap naman ako at nakita kong may taklob yung mukha nung lalaki. Sino ba ‘to? Hindi ko mamukhaan. At teka, asaan na ba si Ken? Bakit ba wala siya lagi sa action?
Nagsimula na siyang kumanta, hindi ko mabosesan! Bakit ganoon? Na-corrupt na ata ang utak ko eh, nagmalfunction na. Ikaw ba naman kasi ang haranahin ng ganitong oras, eh di ba usually tuwing gabi naman ‘yon? Ito na ba ang uso ngayon?
Uso pa ba, ang harana.
Marahil ikaw ay nagtataka.
Sino ba ‘tong mukhang gagong, nagkandarapa sa pagkanta
At nasisintunado sa kaba.
Meron pang dalang mga rosas
Suot nama’y maong na kupas.
At nariyan pa, ang barkada, nakaporma, nakabarong
Sa awiting daig pa ang minus-one at sing-along.
I tried my best para makita yung mukha niya pero nonsense, takip na takip talaga. Ano ba ‘yan, paano magiging level 100 ng tuluyan yung kilig ko kung hindi naman siya nagpapakilala?
Puno ang langit ng bituin,
At kay lamig pa ng hangin.
Sa ‘yong tingin, ako’y nababaliw, giliw.
At sa awitin kong ito, sana’y maibigan mo.
Ibubuhos ko ang buong puso ko.
He paused tapos lumapit siya sa akin, naramdaman ko naman na halos tumalon ‘yung puso ko. Oh damn, I think I know who is this guy.
“Sa isang munting harana, PARA SA’YO…”
I smiled unknowingly, hindi niya tinapos ‘yung kanta tapos tumakbo na siya pa-alis. Konti na lang Ken, konti na lang talaga.
After a couple of minutes, dumating na rin siya ULIT. Well, ewan ko kung naga-assume lang ulit ako.
“Oh, where have you been?” Tanong ko sa kanya habang busy ako sa pagaasikaso ng trabaho.
BINABASA MO ANG
100 Days with a MONSTER (Part 1)
HumorHe's such an annoying creature, and yet my heart fell for that one. - PART I only