Friday na naman. Pakiramdam ko ang bilis bilis ng araw ngayon. May problem ata sa kalendaryo ko.
As usual, pumasok na naman kami. Ano pa nga ba ang ineexpect niyong mangyari? Tsk.
Busy-busyhan na naman ang mode ko ngayon, kailangan na namin ‘tong matapos para at least may isang project na kaming tapos at may experience na rin kami.
“Oh.” Iniabot niya sa akin yung box na may matching red ribbon pa. Ano ‘to cake?
“Oh? Anong meron? Bakit may cake? Hindi ko pa naman birthday ah?”
“Argh! Hindi naman kasi yan cake eh, try mong buksan minsan ha?” Tiningnan ko lang siya ng masama.
“Oh? Bakit may chocolates? Anong meron? Teka baka may lason ‘to Ken ha! Ayoko pa mamatay—“
“Tss. Kailangan pa bang may okasyon para lang bigyan ka ng chocolates? Tsaka anong tingin mo sa akin? Mamamatay tao? Kung ayaw mo, akin na lang!” Tapos hinila niya yung box mula sa kamay ko.
“Oy oy! Wala naman akong sinabi ah. Naninigurado lang. Salamat ha?”
Okay, kinikilig ako palihim. Mamaya na lang pag-uwi sa bahay tsaka ako magdidiwang!
“Tsk. Dami dami pang sinabi, tatanggapin rin naman!”
“Pasalamat ka nga tinanggap ko eh!”
“Ah so, sinisigawan mo na ako ngayon?”
“Eh ikaw naman ang nanguna ah!”
“Kahit na? Kapag ba ako nanguna kailangan bumawi ka rin?”
Ito na naman kami, bangayan portion. Tokwa, hindi pa ba matatapos ‘tong gantong scenario?
“Heh! Away na naman. Magtrabaho na nga lang tayo.” Pagsuko ko. Aba, kahit ano naman gawin ko hinding hindi ako mananalo dito eh.
“Grr. Pasalamat ka…”
“Pasalamat akong?” Tinaasan ko lang siya ng kilay.
“Pasalamat ka takot ako sa lolo mo!”
“Tss. Talaga.”
Then I started working. Walang pumapasok sa utak ko. Natatakam ako sa chocolates.
***
Nung hapon, may nagpadeliver sa akin ng flowers. Teka, Valentine’s Day ba ngayon at may paganto ganto pa?
“Kanino po galing?” Tanong ko doon sa nagdeliver.
“Hindi ko po alam Ma’am eh.”
“Ah sige po, salamat.” Tapos umalis na rin si kuya.
Tss. Kanino naman kaya ‘to manggagaling?
Hinanap ko yung note doon sa flowers and voila:
Ang pangit mo talaga. Hindi ko alam kung anong naisipan ko kung bakit kita binigyan ng bulaklak.
Grabe, patawarin ako kung maga-assume ako pero I think I know who gave me these flowers.
***
“Hi Ken! Nagpunta ka ba sa flower shop kahapon o kaya kanina?” Tanong ko sa kanya nung uwian namin.
“H-ha? A-ano namang gagawin ko sa flower shop? Ano ko bakla?” I frowned. Grabe, ang sungit sungit talaga nito.
“Kapag ba pumuntang flower shop bakla na agad?”
“Bakit ka ba nagtatanong pa diyan? May nagbigay ba sa’yo ha?”
“Well, oo, ito oh.” Pinakita ko sa kanya yung bulaklak.
“Sino naman kayang magbibigay sa’yo ng bulaklak?” Tiningnan niya ako from head to toe.
“Ang sama mo talaga kahit kailan!”
“Bakit? May sinabi na ba ako at nagrereact ka diyan agad?”
“Aba, eh alam ko namang yun din ang ibig mong sabihin ah!”
“Weh? Paano ka nakakasiguro? Nababasa mo ba isip ko ha? Nababasa mo?”
“Oo!”
“Sus! Eh bakit di mo nababasang gusto kita?!”
Natigilan kami parehas sa sinabi niya.
“HA?!” Pagtatanong ko na gulat na gulat.
“Ha? Ang sabi ko… Ano, GUSTO KITA… Gusto kitang sapakin!” Well okaypaynwateber.
“Ah, the feeling is mutual! Tsk. Diyan ka na, magpapahinga na ako.”
“Hindi ka kakain?”
“Busog pa ko!”
Grabe, ito na naman po, sabi na nga ba bawal maging assuming these days, masyadong brutal sa puso.
BINABASA MO ANG
100 Days with a MONSTER (Part 1)
HumorHe's such an annoying creature, and yet my heart fell for that one. - PART I only