Day 39

42 1 0
                                    

I woke up and realized that we are in an awkward position. Magkayakap kaming dalawa! And ang worst part, it’s freaking nine in the morning! We’re dead late!

“Keeeen! Late na tayo! Keeeeeen! Bangon!!!” I freaked out.

“Hmm. Relax, may bagyo kaya, kaya wala tayong pasok. Tinext ako ng lolo mo. Malakas daw kasi yung ulan eh. Matulog ka na lang ulit.”

I felt relieved.

“Ayoko na matulog. At hoy, bakit ka nakayakap sa akin?”

“Ikaw rin naman ah? Quits lang tayo.”

“Tss—AH!!! May sinampay nga pala ako sa labas! Patay, kagabi pa ‘yon doon!”

Patay talaga. Favorite na damit ko pa naman ‘yon!

“Hoy France, umuulan ano ba—!”

Hindi ko siya pinansin at sumugod ako sa malakas na ulan, kinuha ko lahat ng damit na nakasampay. I didn’t bother to use an umbrella kasi makakasagabal lang ‘yun.

***

“Ang kulit mo kasi eh! Ayan, mukhang magkakasakit ka na. Hindi ka marunong makinig—“

“*sniff* Ano baaa, wag mo na akong *sniff* sermonan. Nataranta lang ako kanina. Tsaka mawawala rin ‘tong sipon ko.”

“Sipon? Pakiramdam ko mamaya lalagnatin ka na eh. Humiga ka na nga doon. Maghahanda lang ako ng lugaw.”

“Seryoso? Marunong kang magluto ng lugaw?” pang-aasar ko sa kanya.

“Actually, yun lang ang kaya kong iluto ng matino. Wait for me here. Don’t move.”

Don’t move? Tss. Over-protective. He’s really a boyfriend material. But whatever, I still think that he’s not gonna be mine.

***

Nagising ako ng bandang hapon, masakit yung ulo ko, ang bigat bigat ng pakiramdam ng mga mata ko, at pakiramdam ko I’m gonna throw up anytime.

“K-ken.” I called him.

“Hey, gising ka na pala.”

“Ang sakit ng ulo ko, nasusuka ako.”

“Tss. Oo, syempre. Nilalagnat ka eh. Ang kulit mo kasi. Pasalamat ka wala pa rin tayong trabaho bukas. Magpahinga ka na muna diyan ulit, bahala ka, ginusto mo ‘yan eh. Labas muna ako.”

“T-teka, wag mo ‘kong iwan.”

“Hahaha! Relax. May kukunin lang ako.”

I blushed. I know I blushed.

Argh. Ano ba ‘yan, may sakit na ako’t lahat kinikilig pa rin ako!

Masama  na ‘to.

Bumalik si Ken, kumuha lang pala ng pagkain niya at kinuha niya yung laptop niya dahil magmu-movie marathon daw siya.

“Anong papanoorin mo?”

“Bahala na, kung anong mapili ko.”

“O-kay. Pahingi akong juice.”

“Bawal sa’yo ang malamig. Inuubo ka.”

“Pahinging chips.”

“Bawal sa’yo ang chichirya, makakasama lalo sa’yo.”

“O siya ikaw na lang.”

Umiinom siya ng juice tapos muntik na niyang maibuga bigla, “H-ha? Anong sabi mo?”

KILL ME NOW. AS IN NOW. NASABI KO BA TALAGA ‘YON OUT LOUD? Nahihibang na ba ako?! Shit, nakakahiya lang. Nakakahiya ka France

“H-ha? Sabi ko o-o siya ikaw na lang ang umubos niyan.”

“Ah. Ganun ba? Ako lang naman talaga ang kakain nito kasi bawal ‘to sa’yo.”

Nakakahiya talaga. Nakakahiya. Nakakahiya. Napansin niya kaya? Nahalata niya? Wag naman sana.

Hay nako, Ken, have you ever thought just maybe, you belong with meeeeeeee? You belong with me.

Napapakanta ako kapag napapahiya. Tsk.

I woke up in the middle of the night. Nagugutom ako. Promise, nagugutom ako.

I tried to stand up and walk, pero after a few steps, napaupo ako sa sahig kaya nagising si Ken.

“Hey! Saan ka pupunta? Hindi mo pa kayang tumayo.” Ibinalik ako ni Ken sa kama ko.

“Sa kitchen. Nagugutom kasi ako.”

“Edi sana ginising mo na lang ako, gagawin ko naman lahat para sa’yo eh.

At biglang bumilis ng tibok yung puso ko.

“A-ano kasi, tulog na tulog ka, ayaw kitang abalahin.”

“Sus. O siya, dito ka lang. Ikukuha kita ng makakain.”

“Thank you.”

Pagkalabas niya ng pinto, automatic akong napasigaw sa kilig. Grabe na ‘to. Ilang minuto rin akong nagsisigaw doon. Tapos biglang pumasok si Ken.

“Oh? Bakit ka nagsisisigaw diyan?” Tanong niya sa akin.

“Huh? Wala lang. Masama?”

“Sus, kinikilig ka lang sa akin eh. Oh, here’s the airplane!” Tapos nilalaro laro niya yung kutsara.

“Anong tingin mo sa akin ha? Bata? Give that spoon to me, I can manage to eat on my own.”

“No, you can’t. Bilis na kasi, ang dami mong arte. Uubusin mo ‘to para makainom ka ng gamot. Para magaling ka na bukas dahil inaalila mo na ako.”

“So, nagrereklamo ka?”

“Hindi naman. Kainin mo na ‘to, lalamig na ‘tong noodles mo.”

Wala na akong nagawa. Para akong bata na sinusubuan pa ng noodles. Tsk.

Pasalamat talaga siya gusto ko siya dahil kung hindi eh sasapakin ko siya sa sobrang inis.

“Thank you Ken, for taking care of me.” Bigla ko nalang nasabi sa kanya.

“I’ve always taken care of you, and I would still care for you from this day forward.”

“I’ve always taken care of you, and I would still care for you from this day forward.”

“I’ve always taken care of you, and I would still care for you from this day forward.”

“I’ve always taken care of you, and I would still care for you from this day forward.”

“I’ve always taken care of you, and I would still care for you from this day forward.”

“I’ve always taken care of you, and I would still care for you from this day forward.”

“I’ve always taken care of you, and I would still care for you from this day forward.”

Teka, ano raw? Pinaulit-ulit ko ‘yung sinabi niya.

“Huh?”

“I’m gonna tell you something, but not tonight. Now go sleep and rest.”

What the perk is he gonna tell me?

A/N: Sabaw. Sabaw. Sabaw. Thanks for reading. :*

100 Days with a MONSTER (Part 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon