"Don't get too close, it's dark inside. It's where my demons hide, it's where my demons hide." Demons by Imagine Dragons
AIRA
"Aira! Aira! Buksan mo itong pintuan mo!" ayan na naman si Aling Simang. Kung halos araw-araw ba namang katukin ako at singilin sa bayad ng upa ko dito sa apartment niya ay masasapak ko talaga ito!
"Wala siya! Nasa trabaho!" bulyaw ko naman at nakapikit pa yung matang bumangon sa kama.
"Aba't lokong bata! Buksan mo ito pintuan kundi paaalisin kita mismo ngayon din!" yan naman palagi yung panakot niya sa akin kada maniningil ng bayad.
Hayuff ka talaga Aling Thimang!
Binuksan ko ng konti yung pintuan at iniabot sa kanya yung bayad para sa dalawang buwan. Nakita ko kung paano nagtransform yung mukha ni Timang sa pagiging bulldog ay nag-anyong bagong silang na tuta. "Ahihi! Magbabayad naman pala e. Oh siya matulog kana ulit Aira." Bwisit!
Mabuti nalang at may kaunting kita yung business kong Parlor Shop. Ganito palagi ang buhay ko. Trabaho, apartment, trabaho, apartment. Nakakasawa pero wala naman akong magagawa. Buhay prinsesa pa sana ako ngayon kung hindi lang sa lecheng lalaki na nagnakaw sa kayamanan ng aming pamilya.
Inopen ko ang maliit kong TV at nasakto ito sa news.
"Our youngest billionaire, Kim Junmyeon, decided to build a relationship between South Korea and Philippines. All shipping companies and other communication agencies are obliged to this kind of action for an international arrangement. It is stated that---" hindi ko na tinapos yung news dahil masama lang na pambungad sa umaga. Kotang-kota na nga ako kay Aling Timang tapos ngayon nambibwisit na naman yang mukha ng lecheng lalaking nagpapakasaya sa yaman ng aming pamilya!
"Argh! Hayop ka Suho! Magbabayad ka sa lahat ng ginawa mo!" gigil na sabi ko at pinagkakagat yung unan ko.
Sa pagkakaalam ko ay kapatid ko siya at anak siya ni Daddy sa ibang babae. Dati, napakaperpekto ng mundong ginagalawan ko pero nagbago ang lahat ng yun simula nung pinatay si Mommy at sa biglang paglaho ni Daddy. Masaya kami nun pero nabago lang ang lahat dahil sa mga sindikatong walang ibang ginawa kundi ubusin ang angkan naming mayayaman. Bata palang ako nun. I was completely clueless and completely innocent. Basta nagising nalang ako isang araw na mag-isa na pala ako.
I was alone and completely living my life in a nightmare.
Suho and I met once in Sitio Mystica. Pagkakita ko palang sa mukha niya ay gusto ko siyang sigawan at pagsasampalin sabay sabing, "Hoy! Kingina ka! Ano mayaman kana ha? Sige magpakasaya ka at balang araw mababawi ko lahat ng meron ka! Inagaw mo na nga daddy ko pati pa naman mana ko!" Napangiwi ako sa nasa isip ko. I wished I just did that but I need to wait for the right time.
He was completely clueless sa pagkatao ko. Ni hindi niya nga alam na anak ako ng kinagisnan niyang daddy. He was handsome pero wala akong ibang makita na features ni daddy sa kanya. Baka kamukha siya ng kabit ng daddy ko. Ni ugali niya nga ni daddy ay hindi man lang niya namana! He was a boastful freak! Harsh na kung harsh pero malaki talaga ang galit ko sa lalaking yun!
Magbabayad siya sa lahat ng mga ginawa niya. Sisiguraduhin kong pagkatapos kong mabawi ang lahat ng sa akin ay magdidildil siya ng asin!
SUHO
"Man! You're the best!" bati sa akin ni Timothy dahil sa isa ko na namang achievements. Well, nagawa ko lang naman na paglapitin ang SoKor at Pinas. Matagal ko ng pangarap yan at ngayon ay taas-noo ko itong ipinagmamalaki.
"It's in our genes." I said while grinning.
We were at the conference right now to celebrate. Kasama din namin yung mga Korean Ambassadors.
Hindi lang nila alam kung anong hirap ang dinanas ko bago ko narating ang ganitong buhay.
"Hyung! Congrats!" lumapit sa akin ang mga tinuring kong pamilya, ang aking mga kaibigan.
"Akala ko hindi na kayo makakarating." Nagyakapan kami at bingyan ko sila ng drinks.
"Pwede ba namang hindi kami makakarating?" Kyungsoo said.
"Oo nga, andami kayang pagkain dito. Walang lampasan 'to hyung!" sabat naman ni Chen at nagsimula nang lamutakin ang mga pagkain na nasa mesa.
Mukhang pagkain talaga.
"Teka, nasaan si Xiumin hyung?"
"May duty pa sa asawa. Hahaha!" loko talaga 'tong si Baek.
Napailing nalang ako. Xiumin hyung was known to be the toughest man sa grupo namin dahil narin sa pagkacold nito pero kinasal lang tapos ayun lumambot bigla yung puso.
"Nga pala Suho, may balita ka na ba sa pumatay sa daddy mo?" naging interesado naman sila sa tanong ni Luhan hyung at lahat kami ay nagseryoso.
"Wala pa pero may lead na ako. I did some research at hindi biro yung mga pumatay sakanya." I clenched my jaw.
Binabalot na naman ako ng galit. Ang pinakamalaking accomplishment ko siguro sa tanang buhay ko ay ang mapatay ang mga taong may salarin sa pagpatay ng daddy ko. That's my mission and I'll make sure they'll suffer before facing death and hell.
"Hyung mabathag yang batho mo."
"Mafia Group. They're the one who will pay for this."
All of them gasped. "Hyung, diba mabigat na kalaban yung mga yun?" nanlalaking mata na sabi ni Tao.
"Exactly. They are high skilled sharp shooters and hard killers." What was I planning is to built a team na kayang tapatan ang Mafia Group. I know this will take time but I will make sure they'll pay for losing someone's life.
"Kung ano man ang balak mo Suho, andito lang kami sa tabi mo." Lay said and gave an assuring smile.
"I know guys. I can take care of this."
It's time to show my monster side to those killers. Hinding-hindi ko palalampasin ang ginawa nilang karumal-dumal na pagpatay sa aking ama.
A/N:
Aira baklaaaa! How was it? XD
BINABASA MO ANG
That Billionaire is My Guardian
RomanceKwek-kwek Stories #2 Presents: That Billionaire is My Guardian