AIRA
Nagkaroon ng kainan sa orphanage. Sa yaman ba naman ni Suho ay nagpa-cater pa dahil gusto daw niya na na makabawi sa mga bata. I can see that he really loves them. Napakamaasikaso nito sa mga bata at pinapatawa pa ang mga ito habang ako naman ay nandito lang sa gilid at pinapanood sila. Suho waved at me saying to come and sit at his side.
Napanguso naman ako at sinunod nalang siya. I hated children. They are too loud and messy pero sa nakikita ko ay parang mali ako. Mababait sila at napakamasayahin. Maingay in a way na napapasaya ka at maayos sila sa lahat ng bagay dahil tinetrain silang lahat dito."Kuya Suho, girlfriend mo po si Ate Aira?"halos maibuga naman ni Suho yung iniinom niyang juice sa tanong nung batang lalaki nachubby.
"No Buknoy, she's just my friend."Sabi naman nito. Pwede naman niyang sabihin na PA niya ako. Friends? Nah, we're enemies.
"Eh bakit magkahawak kayo kanina ng kamay? Hindi ba't gawain lang yun ng magkasintahan?" sabat naman ni Leah.
"Ikaw bata ka, saan mo natutunan yan?"sabi ni Suho at sinubuan ito ng cake.
"Sa school po." Inosente nitong sagot.
Napatawa nalang ako. "Mga bata, magkaibigan lang kami ng kuya Suho niyo okay? Para ko narin siyang kapatid kaya ganun na talaga kami."
Kapatid ko talaga siya.
Nakita ko naman na nagulat si Suho sa sinabi ko."Si Leah kasi kung anu-anong pinagsasabi." Sabi naman nung batang katabi nito.
"Sorry po." Sabi niya sabay peace sign.
~****~
After we ate, Suho decided to take Aya a walk and he chose nearby the shore. May malapit kasing ilog dito sa orphanage, mga isang barangay lang ang layo. Sabi kasi nila maganda daw na ipasyal sa pampang ang mga may sakit na gaya ni Aya.
Naglakad-lakad kami. Kinarga ni Suho si Aya sa may leeg nito at masayang tinataas yung kamay na akala mo'y superhero at nakakalipad daw.
"Daddy, pwede po bang si Ate Aira nalang maging mommy ko?"bigla nitong sabi at nagkatinginan kami ni Suho.I want to insist but there's something in me na nagsasabing pagbigyan ko na ang bata.

BINABASA MO ANG
That Billionaire is My Guardian
RomanceKwek-kwek Stories #2 Presents: That Billionaire is My Guardian