"You set me on fire and I apologized for burning." –Ten Word Story
AIRA
"Aira, kailangan mo ba talagang itinda ang Parlor Shop mo?" bumuntong-hininga ako. Kahit labag talaga sa loob ko, kailangan ko yang itinda dahil wala na akong pantustos dito.
"Hayaan mo Jo, pag nakaipon ako babawiin ko rin agad yan." Sabi ko at tinapik siya sa balikat.
Umalis na si Jo at isinarado ko narin tong shop. This will be the last day na pupunta ako dito. Malaki rin ang naitulong nito sakin at kung pwede lang ay hindi ko hahayaang bilhin ng iba. Pinunasan ko ang mga luha sa mata ko. Hindi ito ang tamang panahon para magdrama Aira!
I guest this will be the sign to start my wicked mission.
~****~
"WHAT?!"
"You're insane bakla." iiling-iling na sabi ni Pikay.
"Bae, pwede mo namang sabihin na kapatid mo siya hindi ba?"
"No, pag nangyari yun ay mas ipagdadamot niya sakin ang mana ko. I know him! He's a ruthless devil billionaire!" Hindi talaga pwede.
Kung tutuusin ako dapat yung mas may karapatan sa kayamanan ni daddy pero hawak narin mismo ni Suho ang batas. Nababayaran nito lahat.
"Pero nagkita na kayo hindi ba? Are you sure na kapatid mo talaga siya?" taas-kilay na tanong ni Dine.
I just shrugged. Wala rin akong kasiguraduhan na kapatid ko siya. "Don't worry about me. I can handle that guy. Let me clear things out. Papasok ako bilang kasambahay ni Suho at babawiin ang dapat bawiin. Kukuha ako ng mga patunay na sa akin talaga lahat ng kayamanan na meron siya. Aalamin ko rin kung ano ang tunay na nangyari sa daddy ko, kung kapatid ko ba talaga siya at kung paano napunta sa kanya lahat ng kayamanan ng pamilya namin." Pagpapaliwanag ko with gesture pero tinaasan lang nila ako ng kilay.
Kakapit na ako sa patalim. Ilang beses ko na rin itong pinag-isipan at sa tingin ko, ngayon na ang tamang panahon.
"Sigurado kang hindi ka maghihiganti sa lagay na yan bae?" alalang tanong ni mami.
Revenge. Simula't sapul yan ang gusto kong gawin kay Suho.
"No mami, I'll just give him my sweetest revenge." Iisipin ko palang yun ay parang nagdidiwang na ako.
Nakita ko namang sabay-sabay silang napailing.
Basta ang alam ko lang, saka lang ako matatahimik at magiging Masaya pag nakita ko na si Suho na naghihirap.
~****~
Nandito ako ngayon sa harap ng mansion ni Suho. Kanina pa ako nalulula sa gate na nasa harap ko ngayon. Paano kasi antaas tapos may security pang nagbabantay. "Tsong, aaply sana akong katulong kay Mr. Kim." Sabi ko sa may guard at pinakita sakanya yung form ko.
Nakita ko namang may pinindot siya tapos bumukas na yung gate. Bah! Hi-tech!
Tinuro sakin ng guard yung direksyon papunta sa bahay ni Suho. Aba't leche naman oh! Walking distance pa ang nais!
Pagkarating ko sa harap ng bahay niya ay halos mapanganga ako sa dami ng nakapila. Ano 'to? may rasyon? Tumingin ako sa likod ko pero sa tingin ko ako na ata yung pinakahuli na mag-aapply. Kingina oh!
"Mag-aapply karin?" tanong sakin nung bakla.
"Makikipila lang." and I give him my most sarcastic tone.
She rolled her eyes and flipped her hair. Amoy usok! Pwe! Sa tambutso pa pumwesto tong si ateng?
"Hihi, sana makuha ako na yaya ni fafa Suho." napataas naman ako ng kilay. "Sana ako din. I'm so dying to saw his abs na!" mas lalo pang napataas ang kilay ko sa sinabi nung isa. Teh ayus-ayusin muna natin grammars ha?
Hindi ko alam na ganito pala karami ang mga nagkakandarapa kay Suho. Kasambahay palang yan ha, how much more kung girlfriend na. Ano naman kaya ang nagustuhan ng mga to sa lalaking mahangin na yun?
Bago ko pa masapak ang mga pagmumukha ng mga higad na'to ay umeksena na ako. "Mga ateng, wala ba kayong nararamdaman?" nagkatinginan naman sila at parang alam na nila agad yung ibig kong sabihin kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita. "Alam niyo ba yang Suho, may sumpa yan. Lahat ng mga nagiging kasambahay niyan ay namamatay at hindi na nakakalabas sa mansyong ito." yung iba nakikita kong natatakot na habang yung iba naman niyayakap yung sarili.
Mabuti nalang at lumakas yung hangin. Parang nakikiayon sa akin ang tadhana. "Sa totoo niyan, kapatid ko ang isa sa mga biktima." Gusto ko ng matawa sa mga reaksyon nila at pati yung nasa pinakaharap na pwesto ay nakiusyoso narin. Umacting naman akong umiiyak.
"I-ibig sabihin ateng, hi-hindi ka mag-aapply?" tumango naman ako at pinag-igihan pa yung pag-acting ko. "Nandito ako para kausapin si Suho at tanungin ang tungkol sa kapatid kong matagal ng nagpaparamdam sa akin." Napahugot naman ng hininga yung iba akala mo aatakihin sa puso.
Ang OA po.
"Hindi niyo ba siya nakikita? Nasa tabi ko siya ngayon at gusto niyang maghiganti sa lalaking kinababaliwan niyo." dahil sa sinabi kong yung ay nagkaroon ng run-a-thon palabas ng mansion ni Suho.
Sinigurado ko munang walang ibang naiwan at saka ako humagalpak sa tawa.
Sa buhay ngayon kung tatanga-tanga ka, talo ka.
"Aira?" nawala naman bigla yung good vibes ko dahil bumungad sa akin ang mukha ni Suho.
Halatang bagong ligo dahil basa pa ng konti yung buhok niya at naamoy ko rin yung pabango niya.
Mamahalin. Isa siyang porselanang naging tao. Ganito ba niya ginagasto ang pera ng aming pamilya?
Gusto ko siyang sungitan at pagsisipain pero hindi pala pwede yun kasi nga mag-aapply akong kasambahay niya. "Mag-aapply ako." diretsahan kong sabi.
Tumawa siya ng mahina at tinitigan ako na para bang may mali talaga sa akin. "Hindi naman ibig sabihin na kinukulit na kita nun sa Sitio Mystica ay susundan mo nalang ako dito." This time ay tumawa na siya.
Tinaasan ko lang siya ng kilay at pinanuod na mamatay sa katatawa. Anong akala niya sa akin? Magkakagusto sa kanya? Hindi niya lang alam na magkapatid kami. "Tapos ka na?"
"You're hired." Sabi nito at kinindatan pa ako.
Kingina! Gusto ko siyang bangasan! Napaka niya!
A/N:
AHAHAHA! Ay emegesh!
BINABASA MO ANG
That Billionaire is My Guardian
RomanceKwek-kwek Stories #2 Presents: That Billionaire is My Guardian