AIRA"Dito madalas kumain si Suho. Gusto niya kapag pumunta na siyang kusina ay may nakahain nang pagkain sa lamesa. Gustong-gusto niya sa mga lutong-ulam. Saka lang yan kakain sa labas kapag may importanteng okasyon. Paborito niya ang adobo, kare-kare, chicken curry at mangga." Sabi ni Lola Lory habang binibigyan ako ng instructions.
Sinabi niya ring nanay ang itawag ko sakanya dahil mas gusto niya ito at ito narin ang tawag sakanya ng lahat. Nalaman ko na siya na ang tumayong ina ni Suho at siya narin ang nag-aalaga sakanya. Bukod sa tatlo lang ang katulong dito ay sa tingin ko alam lahat ni nanay Lory ang pagkatao ng lalaking pinagsisilbihan niya. Sabi pa nito na fifty-five years old na pero parang hindi halata dahil malakas pa ito gumawa ng gawaing-bahay.
"Dito naman sa sala, dahan-dahan lang sa mga gamit dahil sigurado akong mapapagalitan ka kay Suho kapag nakabasag ka ng isa man dito." Tiningnan ko naman yung loob ng sala. Andaming babasaging gamit. Mabuti nalang at hindi ako clumsy. "Yung mga katulong kasi dati, sinisisanti agad niya kapag nakakabasag ang mga ito ng mga gamit niya."
"Kapag nanunuod siya ng TV, huwag mo siyang kakausapin. Masyadong focus ang batang yan sa lahat ng ginagawa niya. Ayaw na ayaw niya ring maistorbo sa tulog, pag kumakain at pag nagbabasa." Nagbabasa si Suho? Unbelievable!
Umakyat kami sa hagdan na parang akala mo gawa sa ginto. "Dito naman ang kwarto ng magiging amo mo."
"Ha? Ano nay? Akala ko amo nating lahat si Suho? Bakit may iba ba kayong amo maliban sa kanya." Napatawa naman si nanay Lory. "Ibig sabihin nun kaming tatlo na ang bahala sa paglilinis ng mansion at ikaw naman ang bahala sa lahat ng kailangan ni Suho." napasapo ako sa noo ko.
Kahit kailan talaga! Parang hindi ko ata 'to kakayanin! Nakita ko na ang gulo ng kwarto niya. Yung mga damit niya nasa gilid tapos yung mga libro niya nasa mesa lang na akala mo sinabog sa pagrereview. Yung mga sapatos naman niya nasa baba lang ng kama which is hindi naman dun ang lagayan nito. Nakita kong inayos ni nanay Lory yung mga gamit niya habang ako ay nakatayo lang dito.
Who would've thought na ganito kagulo ang lalaking 'to?
"Ang gulo talaga ng batang ito. Kaya ako tumatanda dahil halos araw-araw na ganito e!" natatawang sabi ni nanay Lory.
Parang may kailangan akong turuan ng leksyon! "Nay ako na po bahala dito."
"Sige Aira maiwan muna kita diyan at magluluto pa ako ng panghapunan natin." Hindi naman umuuwi si Suho dito ng hapon kaya may oras pa akong ayusin yung binagyo niyang kwarto.
Ayoko pa namang makita yung pagmumukha niyang yun!
~****~
"Alam mo ba yang si Suho, napakabait niyan!" sabi ni nanay Lory habang nagbuburda.
Mabait? Tsk! "Burara naman nay." Sabi ko at napatawa siya.
"Mukhang ayaw mo sa amo mo ah."
"No choice naman po ako."
"Bata pa lang si Suho ay natuto na itong mag-isa." Biglang nalungkot yung mukha ni nanay Lory. "Nasaan po ang mga magulang niya?" isang araw palang ako dito sa bahay niya pero parang makakakuha na ako ng katanungan sa mga tanong ko.
"Ang nanay niya, namatay pagkapanganak sa kanya. Ang tatay naman niya ay namatay dahil binaril ng mga sindikato kasama ang kaibigan nito. " That must be dad! Matagal ko ng alam na patay na si daddy pero hindi ko man lang nalaman ang pagkamatay nito.
"Ma-may kapatid po ba si Suho?" maang ko namang tanong.
"Sa pagkakaalam ko----" hindi na naituloy ni nanay Lory dahil bigla nalang may sumulpot na lalaki at niyakap siya.
"Nandito nako nay! Kamusta ang araw?" ngiting-ngiti na sabi ni Suho at tiningnan ako. inirapan ko lang siya.
Iniwan ko nalang muna sila sa sala at nagtimpla ng kape ni Suho. Leche! I should've doing this! Nakakainis dahil kailangan ko pang pagsilbihan ang taong nagnakaw sa mana ko!
"Oh kape mo." Inoffer ko sakanya yung kape na tinimpla ko at naupo na siya.
"Wala itong gayuma ha?" nang-aasar na sabi nito.
Kalma Aira. KALMA.
"Ba't ko naman lalagyan ng gayuma yan? Sino ka ba para kabaliwan ko?"
"All girls are drooling over me, Aira." At matamang tiningnan ako sa mata.
"Except me, Mr. Kim." At tiningnan ko rin siya sa mata.
Akala niya siguro papalag ako sa kanya! Ha! Mukha niya!
SUHO
"Suho! Umalis kana dito! Magtago ka!" umiiyak akong naguguluhan dahil sa sinabi ni tatay.
"Tatay hindi kita pwedeng iwanan."
"Basta umalis kana dito!"
Hindi ko man naiintindihan ang mga nangyayari pero tumakbo ako palayo sakanya. May mga humahabol sa kanyang armadong lalaki at hawak-hawak ang kanilang mga baril.
Nagtago ako sa likod ng puno at dun ko mismo nasaksihan ang pagpatay sa aking ama. Binaril siya ng limang beses hanggang sa mawalan na siya ng hininga. Nakita ko kung paano umagos ang kanyang mga luha at tumingin sa aking pwesto.
Iniiwasan kong mapalakas ang aking hikbi dahil baka matunton ako ng mga sindikato.
Galit. Yan ang meron ako at pagkatapos nun ay tumakbo ako palayo sa bahay namin. Tanging isang pirasong papel na binigay sa akin ni tatay at tsinelas lang ang dala ko.
Nawala na ang lahat sa akin. Namuhay akong simple kasama ang tatay ko pero anong kasalanan namin para guluhin ang tahimik naming pamumuhay? Siya na lang ang meron ako pero bakit tila ba'y binabawi na agad siya sa akin.
Bata pa ako nun pero alam ko kung saan ako pupunta. Magsusumbong ako sa pulis. Hahanapin ang abogado na kilala ng aking tatay at ibigay ang kapirasong papel na ito sa kanya. Kailangan ko ng hustisya para sa pagkamatay ng aking kinalakhang tatay.
Pagkatapos kong ibigay ang isang papel sa abogado ni tatay ay nagulat nalang ako isang araw dahil binihisan ako ng magagarbong damit. Sa pagkakaalam ko ay lumaki akong mahirap pero bakit ganito? Hindi ko ginustong yumaman, ang gusto ko lang sa buhay ay kasama ang aking ama.
Naisip kong siguro ito ang paraan para mabigyan siya ng hustisya. Mayaman pala ang aking ama, yun ang nalaman ko. Pero aanhin ko ang yaman na ito kung mag-isa na lang ako?
"Bantayan mo lahat ng kayamanan ko Suho at kapag dumating ang aking prinsesa ay mahalin mo siya gaya ng pagmamahal ko sa iyo."
Sinong prinsesa ang tinutukoy ni tatay?
A/N:
Sino kaya? Hahaha shet baka ako! Char!

BINABASA MO ANG
That Billionaire is My Guardian
RomanceKwek-kwek Stories #2 Presents: That Billionaire is My Guardian