Chapter 13: Revelations

1.3K 17 2
                                    

AIRA


Napasandal ako sa labas ng kwarto ni Suho at unti-unti na naman akong kinakain ng sarili kong konsyensya. Nung isang linggo lang naisipan kong layuan na siya pero sa nakikita ko ngayon ay parang mas hinihila pa niya ako palapit at wala na akong ibang magawa kundi makiayon nalang sa tadhana. I tried to contact Key but he isn't responding to my calls. I will do everything para mailayo si Suho kay Key. Sa galit ko nagsimula lahat at handa akong putulin lahat ng galit para lang iligtas siya.



Hahakbang nako palayo sa kwarto niya nang may narinig akong kumalabog sa loob. I hurriedly run and there, I saw Suho sleeping on the floor while hugging his pillow. Literal akong napafacepalm dahil sa nangyari sakanya. Ganito ba ito kapag nalalasing? Padabog akong pumunta sa tabi niya at ihiga ulit siya sa kama. Mabuti sana kung magaan tong mokong na'to! Para tuloy akong nagbuhat ng isa---sampung sakong bigas.

"Aira..." he smells like whiskey but at the same time, his manly voice soothes my inner goddess.




"Aira..."



Saglit akong napatigil nang banggitin niya ulit ang pangalan ko. There is a full sadness in his voice.




"Ssshhh. I'm here." Sabi ko naman at tuluyan ko na siyang naihiga sa kama.





Tumayo na ako at hahakbang na sana palayo pero hinawakan niya ang aking mga kamay. Akala ko hahawakan niya lang pero nagulat ako ng hilain niya ang mga kamay ko kasabay ng aking bewang at nang idilat ko na ang mga mata ko ay nakahiga na ako sa kanyang kama. Halos magkalapit na yung mukha namin habang yakap-yakap niya ako.




Argh! What on earth are you here for Kim Junmyeon?!




Ang hirap palang pigilan. Sobrang hirap pigilan ng pusong nagkakarerang tumibok lalo na kapag sobrang lapit ko sa kanya. Naduduwag siya sa akin habang ako naman ay nahuhulog na.





He's sleeping like an angel. Tinititigan ko palang ang kanyang napakaamo at napakagwapong mukha ay naiiyak na ako sa sorang tuwa. Oo, maganda ako pero sapat na ba ang kagandahan ko sa kagwapuhan at pagmamahal ng nilalang na nasa harapan ko ngayon? I erased that thought. Kelan pa ako nainsecure sa ibang babae? I mean, si Cess. Bakit kay Cess pa na kaibigan ko? Wala naman akong dapat ipag-alala hindi ba? Nasa akin ang puso ni Junmyeon pero ang tanong...nasa kanya ba ang puso ko?





I am willing to give him a chance but I'm afraid that as I was getting closer to him, the more I'm afraid to live without him.





Andaming gumugulo sa utak ko at hindi ko alam ang uunahin- ang makisimpatya ba kay Key o ang pagbigyan si Suho.





Hinawi ko ang napakalambot niyang buhok para masilayan ng mabuti ang mukha niya. A beautiful creation...that's him. I started seeing him like nothing and now, I can see that he's my everything. An imperfect person whom I see as a perfect creation.






I held his cheeks, his jawline, his hair. All of him was perfect. Gusto kong ipagsigawan sa mundo na mahal ko na siya pero pinapangunahan ako ng takot. Alam kong sa araw na malalaman ni Key ang tungkol sa nararamdaman ko sa kanya ay hindi siya magdadalawang-isip na ibunyag ang lahat ng plano namin at tuluyan na itong patayin.






Nagulat nalang ako nang yakapin ako ni Suho at pinaglapit ang ilong namin. Jusko! Bata pa po ako! Alam ko na'to e! Dito nauuwi lahat ng gabing maiinit, mapupusok---- aish! Ano ba tong iniisip ko?!





I sighed. Maybe this is my destiny....to be in his arms. Pero kailan kaya mauulit ito?







Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa tabi ni Suho. Masarap pala matulog sa isang malamig na gabi ngunit napakatamis na yakap ng taong mahal mo.













~*****~

"Key! Lumabas ka! Kailangan kitang makausap!" Garalgal kong  pakiusap sakanya. Maswerte na akong natungtong ko ang hideout ng kagaya niyang Mafia Reaper.






Oo, si Key ay isang napakamasamang tao. Pumapatay sila ng sinumang kumokontra at may atraso sa kanila.






Mula sa isang madilim na pasilyo ay lumabas siya. Isang napakatapang at mabangis na mga mata ang bumungad sakin. Hindi ko alam kung matatakot ako o magtatapang-tapangan.






Day-off ko ngayon sa trabaho kaya hindi ako mahihirapang magpaalam kay Suho.






"Princess! Napadalaw ka?" Taas-kilay nitong tanong at para bang namamangha talaga na makita ako.







Akmang yayakapin na sana ako pero timabig ko ang kanyang mga kamay. "Itigil mo na ito."







Nagulat siya sa inasta ko at tumawa ng nakakaloko. "Tell me, have you really fallen for that bastard? Hindi ba't ikaw ang lumapit sakin at nagsabing gusto mong ipaghiganti ang ama mo? Hindi ba't ikaw mismo Aira ang may pakana ng lahat?! Huh?!" He cornered me. Pinanggigilan niya ako sa kanyang galit at sinasakal na niya ako. Hindi ako makapagsalita, mawawalan na ako ng hininga.







"Magsalita ka!" Leche, hindi nga ako makapagsalita diba?! Bobo lang netong Key na'to.






Naiiyak na ako. Ngayon, sobrang narealize ko na napakatanga ko para humingi ng tulong sa kagaya niya. "I'll never keep Suho on my blacklist, mamatay siya sa ayaw at sa gusto mo!" Sabi nito at pinakawalan na ako. Napasubsob akNapasubsob ako sa sahig at may dugo na tumutulo sa labi ko.








"What do you want me to do? Bakit ganyan nalang ang galit mo kay Suho? Diba siya ang may atraso sa pamilya ko?"







"Pamilya. Natin." Huh?







Tiningnan ako nito sa mata na puno ng pagmamakaawa. "I protected you ever since, Aira. Inilayo kita sa lahat ng masasamang tao. You are my sister!"







"Paanong----"








"Lahat ng meron ka ay dahil sa akin. Lahat ng kung ano ka ngayon ay dahil din sa akin. We once lost a father, we need to kill that person! Do you understand me?!" Sinisigawan na niya ako ngayon at hindi ko alam pero nasasaktan ako. How could this person be my brother? Nagawa niya akong saktan pero wala lang sakanya.







"No! You aren't my blood. Ako lang ang anak ni dad at wala ng iba!" Sigaw ko sakanya. This can't be.









"Oh come on! We were once a perfect family not until your mother came. She ruined everything! Kami ang unang pamilya Aira kaya huwag kang umasta na tinatakwil mo ako.....Unless, gusto nang isunod kita sa mommy mo." Napasinghap ako sa sinabi niya.








Tears were falling involuntarily on my cheeks. Pinikit ko ang aking mga mata at nakita ko ang imahe ng aming pamilyang nakangiti. Si dad na karga-karga ako at si mom na nakahawak sa kamay ni dad. Those wee the perfect moments I really cherished. It never faded, never...







"Napakasama mo!"







"Mas masama si Suho, siya pumatay sa dad natin." He grinned.







Lumapit siya sa akin at tinutok ang kanyang baril. "Suho will be safe. Just come with me, Aira." He said and smiled creepily at me.






"Ca---can you give me time? Hindi pa naman ito ang usapan natin para maghiganti." Nginig kong tanong. I was relieved when he told me that Suho will be safe if I'll come with him. Wala namang masama kapag sumama ako sa mismong taong pumatay sa mommy ko hindi ba? As if I have a choice.






"I'll give you two days. Kapag hindi ka tumupad sa usapan natin...." nagulat ako nang nagpaputok siya ng baril sa ibang direksyon. "Death will be yours." Humalakhak ito at tuluyan nang umalis.






That Billionaire is My GuardianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon