Alice's POV
"Hi Alice!"
"Ganda mo talaga"
"Musta Alice?"
Sabi ng mga kaklase ko, pagpasok ko sa classroom. Hindi ko alam kung compliment ba yun o hindi but I will take it as a compliment.
"Hi din, okay lang ako" sagot ko sa kanila bago umupo sa tabi ng dalawa kong best friends.
"Hi Girls" bati ko
"Hi Alice" sila dalawa
"Gumana na ba ulit yung sakit mo?"- Sofia. Siya si Sofia Santiago. Siya ang positive thinker sa amin tatlo at supportive friend.
"Hindi pa" sagot ko
"Mabuti naman, ayoko makita yung Maxine na yun" naiinis na sabi ni Lyn. Siya si Lyn Armina. Masungit, mataray, nambabara pero a true friend. Naiinis lang siya kay Maxine.
"Hehe" yun nalang nasabi ko.
---
"Alice, ano oorder mo?" -Sofia
"Eh di pagkain, Tss" -Lyn
"Hindi ikaw kausap ko" -Sofia.
"Eh di shing" sagot ni Lyn at nag walk-out.
"Hays! Kayo talaga dalawa walang araw na hindi kayo mag-aaway" naiinis na sabi ko.
"Hep...Hep...Don't talk, naiinis ka na baka lumabas siya ng di oras" awat ni Sofia at iniwan ako sa counter.
Oo nga pala, Bawal ako mainis.
*Breath in* *Breath out*
"Relax Alice" sabi ko sa sarili bago pumunta sa table.
"Tagal mo naman" naiinis na bungad sa akin ni Kaylene.
"Sorry na" sabi ko. Inirapan niya lang ako at kumain.
Nangangalahati palang ako sa pagkain ko ng may nagbuhos ng juice sa pagkain ko.
"What the F!" Naiinis na sabi ko. Hinanap ko agad kung sinong walang hiya ang nagtapon ng juice sa pagkain ko.
Lumingon ako. Nakita ko si Jill at ang kanyang alipores. Naka smirk pa.
"Why did you do that?" Kalmadong tanong ko. I need to keep myself calm as much as I can.
"Ikaw pa ang may ganang magtanong kung bakit ko ginawa iyon, eh di syempre ginawa ko ito para layuan mo na si Lewis" sabi ni Jill.
Tinaasan ko lang siya ng kilay. Tanga ba siya? O Tanga talaga? Commonsense! Pinsan ko yun! Bakit ko naman siya lalayuan?
Baliw ka rin Alice, eh hindi naman nila alam iyon eh, pati din na anak ako ng may-ari ng school. Ayoko kasi ng fame, only my sister does. Ang nakakaalam lang ay si Sofia, Lyn at ang teachers.
"At mga type lang nyon ay mga BAD GIRLS" sabi ng isa niyang alipores. Talagang ni-emphasize pa ang Bad Girls ah.
-Flashback
"Hoy Insan!" Tawag ko kay Lewis
Lumingon siya at nginitian ako.
"Hi din Insan" bati niya
"Saan punta mo?" Tanong ko ng makahabol na ako sa kanya
"Ahm, maghahanap ng chiks" sabay kindat sa akin. Hays basta chiks laging maganda mood eh. Landi! Hindi naman gwapo. Siya lang ang nasa angkan ng Castillo na panget haha! Joke! Syempre gwapo yan.
---
Naglalakad na kami ngayon sa hallway ng school, Kanina kasi nasa entrance palang kami nyon.
BINABASA MO ANG
All Of Me
Teen FictionAko si Alice Castillo. Aakalain niyo ba na may sakit akong multi personality disorder. 4 ang ibang personality, ako naman ang original. Nakakainis nga eh! I don't know how or when I got this f*cking disorder of mine but I want to get rid of it. Ang...