Alice's POV
"Ahhh" napahawak ako sa ulo ko sa sakit.
"May gamot ba para mawala ang sakit nito?" Tanong ko sa aking sarili
*tok* *tok*
Huh? Sino naman yun? Anong oras palang ba? Sinulyapan ko yung wall clock ko, 7:30 palang, ah? Sino naman ito? Baka si Ate lang, eh hindi naman uso pinto dun eh, baka katulong namin, baka nga.
Tumayo ako,sinulyapan ko pa ang sarili ko sa salamin, mukhang tao pa naman ako.
Binuksan ko na ang pinto ko...
"Ate Alice!"
Sa sobrang pagkagulat ko, hindi ko siya nasalo ng siya ay tumalon sa akin. Kainis din itong si Dexter, bigla nalang tatalon sa akin.
"Miss na miss kita ate!" Sabi ni Dexter
"Ako din, miss din kita" sabi ko
Tumayo na kami dalawa at pinaupo ko siya sa kama ko.
Si Dexter Tsang, pinsan ko, half Filipino half japanese, si Tita kasi nag-asawa ng Japanese. 5 years old, at nag-iisa kong pinsan na lalaki, yap, only boy. Babae na kami mag pipinsan eh.
"Hi Ali" bati sa akin ng matandang kapatid ni Dexter si Dulina. Dulina Tsang, magkasing edad lang kami, pinsan ko din, half Japanese at Filipino. Maganda siya, matangkad, at mabait.
"Hi Dulina, kailan pa kayo dumating?" Tanong ko
Hindi niya muna ako sinagot, lumapit siya sa amin at kinandong si Dexter.
"Kagabi lang Ali, sa wakas nakabisita rin kami dito, miss na miss ko na ang pinas" sabi niya
"Weh? Wala bang makakamiss sayo sa Japan?" Tanong ko. Impossible that she didn't even have a boyfriend, she's pretty, talented and kind.
Biglang nagbago ang mukha ni Dulina, kanina nakangiti pa siya ngayon lumungkot na.
"Wala na yun Ate, nag break na kami eh kasi may ginawang masama yung ex ko kaya naisipan ko umuwi dito sa pinas kasama sila mama tutal sem break naman doon sa Japan, parang pag momove-on ko na din ito" sabi ni Dulina
Hindi pa ako nainlove kaya hindi ko pa alam ang nararamdaman, pero ang kaya ko lang gawin ngayon, damayan siya sa sakit na nararamdaman niya ngayon.
"Alam ko naman na kaya mo yan Lina, iwan mo na ang gagong iyon, Oh! Baka nangyari yun kasi nandito pala sa pinas ang forever mo, nasatabi-tabi lang" sabi ko
Nag pout naman siya sa akin, haha ang cute talaga ni Lina.
"Ewan ko sayo Ali, baba na tayo gagala daw tayo eh" sabi ni Lina
"Sige mauna na kayo bumaba, maliligo lang ako" sabi ko
"Oo nga Ali, mahihimatay na ako sa bad breath mo eh haha" nag acting diring-diri pa siya at inipit pa ang ilong niya.
Abah! Anong mabaho?! Excuse me! FYI! Mabango toh, kahit hindi ako mag toothbrush.
"Hoy, hiyang-hiya naman ako sayo, na buki-buki ang ngipin" asar ko din. Buki-buki kasi ngipin niyan dati
"Ali, thanks to Japan's technology, maganda na ang ngipin ko, see?" Sabay pakita pa ng ngipin niya
"Eh di wow!" Sabay irap sa kanya
~~~
Lyn's POV
Wow! For the first time author, akala ko hindi na ako magkakaroon ng POV, tignan mo 11 chapter na ang nakakalipas walang pa akong POV, extra lang.
BINABASA MO ANG
All Of Me
Teen FictionAko si Alice Castillo. Aakalain niyo ba na may sakit akong multi personality disorder. 4 ang ibang personality, ako naman ang original. Nakakainis nga eh! I don't know how or when I got this f*cking disorder of mine but I want to get rid of it. Ang...