Chapter 2

537 8 3
                                    

Umaga nanaman, may pasok nanaman, medyo swerte ako kahapon kase hindi ako pinagtripan nila bitch.

Tulad ng kahapon ayun kilos nanaman ako, kumain, maligo, mag bihis.

Nung pag kuha ko ng bag ko nakita ko si papa natutulog sa kwarto nila, tapos nung pag baba ko naman nakita ko si mama.

"Ano? Papasok ka?" Tanong ni mama.

"Opo" sabi ko.

Tapos lumapit saakin si mama, tapos binigyan niya ako ng baon kaso.. Sinampal niya ako.. Napatingin ako kay mama

"Wag ka ng uuwi dito! Walang hiya ka! Isa kapang problema dito sa bahay na to! Nang dahil sayo! Nag kandaletche- letche ang buhay ko" sigaw saakin ni mama, tapos sinabunutan niya ako, sinakal sakal niya ako, sinuntok suntok niya ako. Nung nakita kong may kinuha si mama na bakal na gulat ako kaya napasigaw ako at medyo umilag ako. Natamaan ako sa may balikat

Tapos sa sobrang takot ko, tumakbo nalang ako... Habang papalakad ako sa school naiyak ako. Nag over think nanaman ako. Totoo ba yun? Ako ba may dahilan ng pag aaway nila? Problema ba talaga ako sa kanila? Grabe! Feeling ko sasabog na ako. Ang sakit ng katawan ko ng pisnge ko...

"Uy! Miss tahimik!" Napalingon ako tapos nagulat ako ng makita ko si mark papalapit saakin kaya pinunasan ko agad yung luha ko.

Nung nasatabi ko na siya, nakatungo nalang ako.. Grabe naman to si mark! Pwede siyang maging famous sa school pero bat ganon? Sa katulad ko pa siya lumalapit?

"Oh? Miss tahimik ka aga aga ganyan ka agad? Uy" sabi niya tapos nung medyo hinawakan niya pisnge ko napatingin ako sa kaniya. Napatigil kami sa pag lalakad at nagkatitigan kaming dalawa

"Miss tahimik? Bakit may pasa ka? At bakit ka umiiyak?" Tanong niya, halatang curious siya mukha niya palang e.

Hala anong gagawin ko? Inalis ko yung hawak niya sa pisnge ko tapos nag patuloy ako sa pag lalakad kase malapit nanaman kami sa school, binibilisan ko na ang paglalakaf ko..

Nung pag punta ko sa school nakita ko siya natakbo papasok ng school kaya tumakbo agad ako sa cr ng girls. Pag punta ko ng cr ng girls buti naman at walang tao, tinignan ko ang sarili ko meron nga akong pasa at namumula pa ang aking mga mata

Hindi ko alam kung paano at bakit ginawa yun ni mama.. Habang nakatingin ako sa salamin naalala ko yung kaibigan ko.. Kaya kinuha ko ang aking wallet at kinuha ko ang aking kaibigang blade. Nag laslas ako ng mga limang malalalim, tinitigan ko lang mag dugo... Tapos nun binalutan ko na ng maraming tissue at ibinaba ko na ang aking sleeves

Her. Where stories live. Discover now