Eto nanaman ako hays, paulit ulit nalang. Gising. Ligo. Bihis. Kain. Pasok sa school, nakakatamad na. Paulit ulit nalang.
"Miss tahimik" Pag lingon natakbo si mark.
Paglapit niya saakin jusko naghihingalong aso e hahaha. Nginitian ko nalang siya, niyapos niya, niyapos ko din pabalik. Well, sana naman maging masaya 'tong araw kong 'to even though medyo pagod na pagod na ako at umaayaw na ako.
Pag pasok namin ng school. May mga taong nginitian ako :/ I dunno why. Bago akong pumasok ng room nag bye na ako kay mark.
*******
Lunch na.
Pag ka ring nung bell, inayos ko na yung mga gamit ko. Pag labas ko ng room nakita ni si mark nag aantay.
"Tara?" tanong ko.
"Yes naman" sabi niya then hinampas ko nalang siya.
Naglocker muna kaming dalawa. Pag tapos namin mag locker, pumunta na kaming canteen para kumain. Nag order na kami ng pagkain. Well, pizza ulit saakin, burger naman pinili ngayon ni mark.
"Miss tahimik, tara sa iba tayo kumain" sabi niya.
"Saan naman?" tanong ko.
"Dun tayo sa field" sabi niya.
Pumunta kaming field, woah! Ang sarap ng hangin dito. Umupo kami sa may puno kung saan wala masyadong tao, ayoko kase ng maraming tao e. Kumain na kaming dalawa ni mark. Pag tapos naming kumain nag kwentuhan nalang kamjng dalawa, tanungan kami, lalo naming kinikilala ang isa't isa.
"Well, ayun na nga. Divorce na parents ko" sabi ko.
"I'm so sorry" sabi ni mark.
"Ok lang naman sakin yon" sabi ko. Shet! Sana wag tumuloy yung luha ko!
Tumingin ako sa kaniya, napansin kong medyo malungkot siya.
"Ikaw mm? May mga kapatid kaba?" tanong ko.
"Oo, meron akong step sister" sabi niya.
"Step sister" tanong ko.
"Oo, step sister. Naghiwalay na rin parents ko, kay mama ako sumama tapos yun nag karoon ng bagong asawa si mama, namimiss ko nannga daddy ko e pero ayos na yon. Abuse kase daddy ko e. Mas ok na yung bagong asawa ni mama masaya nanaman si mama kaya masaya na rin ako" sabi niya then smile.
Nung pag kwento niya saakin nun medyo napaluha ako. Ang strong niya :( nakayanan niya yun hays.
Medyo natahimik kaming dalawa, then tinaas niya yung sleeves niya, init kase e. Napatingin ako sa wrist niya..
Hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Woah! Ang dami niyang scars. Sobrang dami! Shet! Kung malalim laslas ko.. Mas malalim sa kaniya.. Woah..
Shet, eto nanaman anxiety ko.. Hays, hindi nanaman ako mapakali, kinakabahan nanaman ako, nalulungkot, naiiyak, hindi makahinga.. Shet!
"Hays.. Anxiety?" Tanong ni mark.
Napatingin nalang ako sa kaniya.
"Oo, naglalaslas ako dati. Atsaka kaya ako maka sleeves lagi kase tinatago ko yung scars ko.. Pero hindi ko na ginagawa yun, ayoko na" sabi niya.
"Ahh" sabi ko.
"Miss tahimik ha, wag na wag kang mag lalaslas. Masama yon" sabi niya.
Hays.. Di niya pa pala alam yun..