Tinignan lang ako ni mark nung pag sigaw ko. Tapos nun umalis na siya, hays! Nag aalala lang naman ako! Masama ba? Umiyak nalang ako ng umiyak. Pag uwi ko ng bahay, nakita ko si mama may kasamang lalaki.
"Anak" sabi ni mama habang nakangiti, "Boyfriend ko nga pala nak"
Pagka sabi saakin nun ni mama medyo nagulat ako. Tumakbo paakyat sa kwarto ko sabay lock ng pinto. I gave life a second chance but bakit ganto? Palala ng palala? So? Yung mga magagandang nangyare hanggang ganon lang yun? Saglit na saya lang pala lahat yon. I'm so depressed wtf!? Ok ok, I need someone. Maybe, nikkie? Tumawag ako sa kaniya, I asked her kung ok lang na tumambay muna sa bahay nila, nag ok siya. Pag punta ko sa bahay nila niyapos ko siya then pumunta na kami sa kwarto niya. Pag akyat namin nag kwentuhan kaming dalawa, sinabi ko sa kaniya lahat lahat. Niyapos niya ako ng mahigpit. Thank God naging close kami ni nikkie, hindi naman pala siya masama.
Nung pauwi na ako, bigla akong pinigilan ni nikkie, hinawakan niya ako sa wrist ko. Nasaktan ako sa paghawak niya.
"Ouch" sabi ko.
"Sorry, teka may ibibigay ako say--" napatigil siya sa pag sasalita, nakita niya siguro yung itsura ko. Nasaktan kase ako sa hawak niya, may bago ulit kase akong laslas.
"Bakit parang nasaktan ka ng sobra sa hawak ko?" tanong niya.
"Hindi, wala lang" sabi ko.
Tapos bigla siyang lumapit saakin at tinaas niya yung sleeves ko.. Shit! Pag kita niya napatingin siya saakin. Tapos bigla siyang umatras kaya tumakbo ako bigla. Shit! Ano ng gagawin ko? Hays, pag uwi ko ng bahay nakita ko si mama atsaka yung boyfriend niya, nakain sila.
"Anak halika kain ka rin" sabi ni mama.
Lumapit ako at umupo sa tabi ni mama. Nginitian ako nung boyfriend niya at nag offer siya ng kamay para makilag shake hands saakin. Hindi ko nalang siya pinansin, kumain nalang ako. Pag tapos kong kumain umakyat ako papuntang kwarto ko.
Humiga ako sa kama ko at umiyak akong umiyak, hays, ano na bang nangyayare? Ayoko na :(