Chapter 5

318 9 1
                                    

"Miss tahimik.." Sabi niya sabay hingang malalim. Napatingin ako sa kanya.

"Miss tahimik sorry..." Hindi ko alam gagawin ko or sasabihin ko. Nakatingin lang ako sa kaniya

"Hindi ko naman alam na ganun sila sayo miss tahimik.. Sorry kase kanina nakisali ako sakanila.." Sabi niya, ano ba yan gusto ko ng umiyak

"Magsalita ka naman miss tahimik" Sabi niya sabay tingin saakin

Nakatingin lang ako sa kaniya, hindi ko na alam gagawin ko, pinipigilan ko umiyak. Anong gagawin ko?

"Ok lang yun.." Sabi ko sa kaniya ng pabulong, tapos napatingin siya saakin

"Wag ka mag alala sanay nanaman ako" Sabi ko sakaniya. Tapos kinuha ko na mga gamit ko at iniwan ko na siya dun

Sorry? Alam ko na yan mag sosorry ka tapos uulitin mo ulit :) sa totoo lang wala akong pake. Ayokong mag tiwala baka masayang lang at baka masaktan lang rin naman ako

*~*~*~*

Pag uwi ko ng bahay nakita ko sila mama at daddy naka upo sa sofa.

"Anak?" Sabi ni daddy, tumingin lang ako sakaniya

"Anak may aasikasuhin kami ng mama mo tungkol sa trabaho namin mawawala kami ng 5 weeks" Sabi ni daddy.

"Nasabi ko na sa tita mo, kaya mag stay ka muna daw sa kanila ng 5 weeks" Sabi ni mama

"Ok lang po ako dito, pupunta nalang po ako dun pag may kailangan po ako kaya ko naman po sarili ko" Sabi ko sa kaniya tapos ngumiti ako

"Ok sige, anak mahal na mahal ka namin mag iingat ka ha. Aalis na kami" Sabi ni mama, tapos niyapos nila ako ni daddy

Nung palabas na sila sa pinto nag goodbye na ako..

Ang daming pumapasok sa utak ko..

Wow! Iiwan nalang nila ako ng basta basta ganun lang? Atsaka wow! Parang walang nangyare kaninang umaga ah, ang galing mang bugbog tapos nagawa mo pang sabihin na mahal mo ako?! Anong klase kang ina! Basta basta mo nalang kakalimutan lahat ng ginawa mo? Hindi mo ba inisip na nasaktan ako sa ginawa mo?! Grabe...

Her. Where stories live. Discover now