Chapter 12

190 5 0
                                    

Naglalakad na kami ni mm ngayon pauwi.

Nung medyo malapit na kami sa bahay nakita ko si mama at daddy nag aaway.

Hinahagis ni mama mga gamit ni daddy.

"Daddy?! " sigaw ko habang natakbo pa palapit sa kaniya.

Pag lapit ko niyapos niya ako.

"Daddy, saan ka pupunta?" tanong ko habang naiyak.

"Kanila lola lang ako anak" sabi niya habang pinupunasan yung luha ko.

Then, bigla niyang hinawakan yung wrist ko. Napatingin nalang ako sa kaniya.

"Hoy!" sigaw ng mama ko.

Tapos biglang umalis na daddy ko, kinuha niya na mga gamit niya na hinagis ni mama. Tapos sumakay na siyang kotse niya.

"Ano bang problema mo?" sigaw ko kay mama.

"Aba! Sumasagot kana!?" Sigaw ni mama tapos lumapit siya saakin.

Sinabunutan niya ako tapos nung hihilahin niya na sana ako papasok ng bahay bigla kong inalis kamay niya sa pagkakasabunot sa buhok ko.

"Tama na ma! Pagod na ako!" Sigaw ko tapos tumingin lang siya saakin.

"Hindi na nakakatuwa! Nasasaktan na ako!" sigaw ko tapos tumakbo ako.

********

Umupo ako dun sa place na paborito kong pagtambayan. Nag laslas ako ng mga ewan ko na...

Ang lalim..

Nagulat ako, medyo naramdaman ko yung sakit.

Woah! Nakakaramdam pa pala ako :(

Umiyak na lang ako ng umiyak.

*********
Halos 1 hour na ata akong nakatambay dito.

Para ayoko ng bumalik sa bahay, kapagod na.

"Miss tahimik?" nagulat ako nung narinig ko boses ni mark.

Napalingon ako.

"Oh mark?" sabi ko. Tapos tumayo ako.

"Sorry" sabi niya. Tapos lumuha nalang ako bigla.

Nilapitan niya ako at niyapos niya ako ng mahigpit.

Niyapos ko nalang din siya pabalik. I feel so protected :(

"Mark, pagod na ako" sabi ko habang nakayapos parin sa kaniya.

"Alam kong pagod kana, pero please wag ka munang gumive up" sabi niya.

"Ayoko na.. " sabi ko, biglang humigpit yung pag yapos niya sakin.

"Wag na wag lang sumuko" sabi niya.

Her. Où les histoires vivent. Découvrez maintenant