Chapter 24

191 5 0
                                    

Author's POV

8:30pm

Pagtapos ng dinner nung family ni mark umuwi na sila sa bahay nila, pag uwi niya umakyat siya ng kwarto niya at nakita niya yung cellphone niya sa kama niya, naalala niya nakalimutan niya nga pala ang cellphone niya. Nung pagbukas niya ng cellphone niya nakita niyang merong message.. Pinakinggan niya yung voice record.

Pagtapos niyang narinig yun tumakbo agad siya, pinag madali niya yung ate niya na magdrive. Nang makarating na siya dun sa bahay ni miss tahimik, nakita niya yung mama ni miss tahimik, tumakbo agad siya dun sa mama ni miss tahimik.

"Miss everett good evening po, ako po si mark" sabi ni mark.

"Ahh, kaibigan ng anak ko?" tanong ni miss everett.

"Opo, umm.. Anjan po ba siya sa bahay niyo?" tanong ni mark.

"Hindi ko alam e, kakauwi ko lang, pero eto susi ng bahay, bubuhatin ko lang 'tong mga pinamili ko" nung pag bigay ni miss everett kay mark nung susi tumakbo agad siya at binuksan yung pinto.

Tumakbo siya paakyat sa kwarto ni miss tahimik. Pag bukas niya ng pinto nakita niya si miss tahimik na duguan sa kama nito. Lumapit si mark kay miss tahimik, umiiyak si mark.

"Andrea! Gumising ka naman uy! Biro lang 'to diba?" sabi ni mark habang naiyak.

"Andrea! Tama na pagbibiro, naloko mo na ako, dumilat kana" sabi ni mark habang naiyak.

"Andrea!!!" sigaw ni mark ng sobrang lakas.

Nung narinig ni mjss everett yung pagsigaw ni mark, umakyat agad siya papunta sa kwarto ni andrea. Pagkakita niya kay mark na yapos yapos ni mark habang naiyak si mark tumawag agad ng ambulance si miss everett. Lumapit siya kanila mark habang napapaluha. Niyapos ni miss everett si mark habang si mark naman sabi ng sabi na gigising pa si andrea, na nag bibiro lang si andrea, pilit na ginigising ni mark si andrea.

"Mark.. Wala na siya" sabi ni miss everett habang niyapos ng mahigpit si mark. Duguan na rin si mark kase kanina niya pa niyayapos si andrea.

"I love you andrea" sabi ni mark.

Nung narinig ni miss everett yung sinabi ni mark lalo pa siyang napaiyak at niyapos niya ng mahigpit si mark.

Her. Where stories live. Discover now