Habang nag lalakad kami ni mark pauwi, natanong niya ako.
"Gusto mo tambay tayo dun sa tinatambayan mo lagi?" tanong niya.
"Sure" sabi ko.
Nung andun na kami, umupo kami sa tabi ng puno tapos nag kwento siya ng kwento. Hays, sana dito nalang kami habang buhay. Isinandal ko yung ulo ko sa balikat niya habang nag kukwento siya. Pag lapag ko ng ulo ko sa balikat niya hinalikan nia yung ulo ko. Ngumiti nalang ako :)
I'm happy kase nakilala ko siya, siya rin kauna unahang taong nag paramdam saakin na mahalaga ako at worth it.. Hays, I love you mark.
**********
Nung naglalakad na kami pauwi. May tinanong nanaman si mark."Bakit ba lagi kang naka long sleeves?" tanong niya saakin.
Tumingin ako sa kaniya at ngumiti.
"Mahilig kase ako mag drawing e" sabi ko.. Hayst, mahilig magdrawing ng mga linya saaking balat gamit ang blade..
Hindi ko muna aaminin sa kaniya. Baka kase magalit siya. Nung pag uwi ko, wala si mama. Hays! Salamat sa dyos mag isa lang ako sa bahay.
Umakyat na ako sa kwarto ko at ginawa ko nalang yung nga assignments ko.
Pag tapos kong gumawa ng assignment, nagtext ako kay mark. Nakipagdaldalan nalang ako :/ wala naman kase akong pwedeng gawin dito sa bahay e.
Ok shit! I'm bored asf! Namimiss ko na si daddy..
AYUN! Bibisitahin ko nalang siya. Kumuha ako ng bag at nilagyan ko ng mga damit at mga journals ko, nilagay ko na rin yung charger ko.
Malapit lang naman sila daddy dito e. Mag babike nalang ako para mapabilis. Eto kaseng village namin madaming phase. Mga 30 ata? Grabe no? Ang daming bahay. Kamusta na kaya si daddy?
******
After 1 hour? Or malapit ng mag one hour naka punta na rin ako sa wakas.Grabe napagod ako. Kumatok na ako dun sa pinto, pag bukas nung pinto nagulat yung daddy ko. Ngumiti ako at niyapos ko nalang siya.
"I miss you dy" sabi ko.
"Oh? Bat andito ka? Ikaw lang mag isa? Pinayagan kaba ng mama mo?" grabe ang daming tanong ni daddy.
"Nag text na ako kay mama na bibisita ako dito, nag ok naman siya e. Atsaka opo ako lang mag isa, nag bike ako" sabi ko.
"Jusko, nakabike ka lang? Tapos uuwi ka ng gabi? Hindi pupwede, dito kana mag stay, ako na maghahatid sayo sa school niyo" sabi ni daddy.
Ngumiti nalang ako sa kaniya. Finally! Magkasama na ulit kami ni daddy, ang saya saya ko grabe. Nag bonding kaming dalawa ni daddy, nag luto kami then nag movie marathon kami
"Nak, may emergency sa opisina, sorry nak" sabi ni daddy
"Ok lang dy" sabi ko
"Wag ka mag alala, babalik ka agad ako" sabi ni daddy
"Sige po, aalagaan ko din si lola" sabi ko
Umalis na si daddy. Tapos umakyat ako sa kwarto, nakita ko si lola na tutulog kaya bumaba ako kumuha ako ng tubig atsaka mga biscuit para kung magutom man si lola
******
Medyo gabi na, wala parin si daddy, naiintindihan ko naman, baka kailangan talaga siya dun sa opisina nila.Biglang nag ring phone ko, speakin of.
*Convo*
Me: bakit po?
Daddy: Pauwi na ako, sorry medyo ang tagal ko
Me: Ok lang yun
Daddy: Wag na kayong mag luto ni lola, mag uuwi ako ng mga noodles, chicken, rice, mga gulay at paborito mo pizza
Me: Weh di nga?
Daddy: Oo, walang halong biro
Me: Thank you, thank you, thank you!
Daddy: Welcome. O sige na, mag dadrive na ako. Bye na
Me: Sige po
**********
Nakauwi na si daddy, kumain na rin kami at nag bonding na rin kami nila lola at daddy. Gabi na rin kaya natulog na si daddy at lola. Ako naman pumunta akong backyard at tumingin ako sa stars..Woah! Ang ganda ng stars.
Habang nakatitig ako sa stars may narinig ako sa kapitbahay, ang ingay sa kanila. I know weird 'to pero tinry kong sumilip sa backyard nila kung saan nang gagaling yung ingay. Sumilip ako over the bakod at di ako makapaniwala sa nakita ko.
Mark? Si mark yun diba? Atsaka hmm..? Di ko kilala yung isang lalake na kasama niya. Siguro tropa niya? Baka naman kuya niya. Wait, wala naman siyang nabanggit saakin na may kuya siya kaya baka tropa niya lang yun.
Shit! Nakita ako nung lalaki! Owemji! Anong gagawin ko?! Aish! Jusko! Paktay! Asdfghjkl?! Shet! Papasok na nga ako
"Miss tahimik?" narinig kong sabi ni mark nung papasok palang ako. Shet! Anong gagawin ko? Woooh! I don't know what to do.
"Miss tahimik" sabi pa ulit ni mark, lumingon na ako.
"Lumipat kayo?" tanong niya, tapos sumampa siya dun sa bakod at lumapit saakin
"Bahay ng lola ko" sabi ko
"Ahh" sabi niya
"Teka? Dito ka nakatira? E diba nag lalakad ka lang papuntang school?" tanong ko
"Hinahatid ako ng ate ko, naka kotse kami. Binababa niya ako dun sa bahay niyo kase nasanay na akong kasabay kang pumasok ng school, tapos pag pauwi naman nag tetext ako sa ate ko nasunduin niya na ako" sabi niya
Aw.. Grabe, imbis na daredaretsong school na siya mas pinili niya pang sabayan ako grabe