Pag gising ko pumunta agad ako sa banyo ko at naligo ako. Tapos kong magbihis bumaba na ako at kumain ng breakfast. Tahimik lang kaming dalawa ni mama habang nakain ng breakfast. Nung pagtapos kong kumain binigay na saakin ni mama yung baon ko at kinissan niya yung noo ko. Nginitian ko siya bago ako umalis ng bahay, habang naglalakad ako papuntang school nakita ko si mark, hindi niya ako nakita. Hays, gustong gusto siya lapitan at yapusin.. Kaso natatakot ako sa magiging reaction niya :(
Pag punta ko ng school pinagtitinginan ako ng mga tao, wtf? Nung nakita ko si nikkie nilapitan ko siya kaso hindi niya ako pinansin at tinarayan niya pa ako.. Hays. Naglocker nalang ako at pumunta sa room.
********
Nung lunch na pinag usapan ako ng lahat.
'siya yung naglalaslas'
'ang papasin naman'
'naawa ako sa kaniya, kailangan niya siguro ng psychiatrist'
'kaya naman pala naka long sleeves lagi e'
'attention seeker'
So, ayun naman pala e. Pinag kalat ni nikkie sa lahat yung nakita niya, hindi naman pala siya magpagkakatiwalaan! Ugh! Bakit ko pa ba pinag katiwalaan yan si nikkie?
'divorce na daw parents niyan e'
Nung narinig ko yun nainis ako, pati ba naman yun?! Letche nikkie!! Ayoko na!!! Tumakbo ako papunta sa cr ng girls, naglaslas ako ng mga lima, hinayaan kong magdugo, tinaas ko rin yung sleeves ko, wala nanamang point yung pag tatago ko ng laslas ko diba?! Alam nanaman kase nilang lahat diba? Pinunasan ko yung luha ko at lumabas na ako sa cr ng girls. Habang naglalakad ako, pinagtitinginan nila ako. Oo! Totoo yung nakikita niyo! Ano? Dali! Pagbulungan niyo pa ako! Naisipan kong mag cutting nalang, nung malapit na ako sa labas ng school.
"Miss tahimik!" sigaw ni mark, nung paglingon ko nakita ko siya palapit saakin.
Niyapos niya ako ng mahigpit kaya napaiyak ako, hindi ko siya niyapos pabalik.
"Anong problema?" tanong niya saakin pag tapos niyang bumitaw sa pagkayapos niya saakin.
"Bakit mo hindi tanungin kay nikkie?" sabi ko tapos tumakbo na ako, lumingon ako, nakita kong natayo lang dun si mark... Hindi man lang niya ako habulin :( mark! Pigilan mo ako please..