"A..a..anong ginagawa mo dito?" tanong ko kay mark
"Nag cr ako saglit, tapos nung palabas na ako narinig kitang sumigaw" Sabi niya saakin na halatang nag papanic
"A..a..ano ka..se.. Uh..mm.. Wala ok lang ako, nagulat lang ako kase may nakita akong gagamba" sabi ko sa kaniya
"Ok..? Gagamba ba talaga yan?" Tanong niya sakin tapos tumabi siya sakin
"Oo naman" sabi ko sabay tingin tingin kung saan saan
"Miss tahimik humarap ka sakin.. Kahit anong pag sisinungaling mo saakin di gagana yan, kase halatang umiyak ka" Sabi niya.
"Ano.?! A..ako?! Um..iiyak? Hindi oy!" Sabi ko sabay fake tawa
"Bakit?" Tanong niya sakin
"Huh?" Tanong ko
"Bakit ka umiyak?" Tanong niya. Tapos hinawakan niya pisnge ko at hinarap niya yung mukha ko sa kaniya
"Ok lang ako" sagot ko sa kaniya
"Hindi ka ok" sabi niya
"Ok lang ako" sabat ko sa kaniya
"Ok lang naman kung di mo sasabihin sakin e, pero andito lang ako a kung may kailangan ka" sabi niya saakin habang nakangiti siya
Di ko napigilang umiyak. Bigla nalang bumuhos yung luha ko.
Niyapos niya ako ng mahigpit. Wow! Na miss ko 'to.. Na miss ko yung gantong yapos.. Yung yapos na mafefeel mong safe na safe ka talaga
"Shhh.. Shhh, tahan na andito lang ako" sabi ni mark. Tapos pinunsan niya yung luha ko
Nginitian ko nalang siya