Chapter 18

160 4 0
                                    

Biglang nag ring phone ko. Shems! Anong oras na?! Late na akooooo! Nagmadali akong maligo at magbihis. Nung inayos ko na mga gamit ko biglang lumapit saakin daddy ko.

"May bisita ka" sabi no daddy.

Wait what? Bisita? Ang aga aga may bisita agad ako?

Pag tingin ko sa labas nakita ko si mama. Wtf?!

"Anong ginagawa mo dito ma?" tanong ko, legit! Wtf?!

"Magaabsent ka ngayon" sabi ni mama.

"Huh?! Hindi pwede!" sabi ko.

"Nasabi ko na sa principal mo" sabi niya.

"Bakit ba kase?" tanong ko, naiirita na ako.

Hindi na nagsalita si mama, nag signal na lang siya na sumakay na ako ng kotse. Hays! Ano ba naman yan! Nung paglabas ko ng bahay nakita ko si mark.

"Miss tahimik. Goodmorning" sabi niya habang nakangiti, grabe.. ang cute niya bat ganon?

"Hindi ako papasok ngayon" sabi ko, sabay hingang malalim.

"Bakit?" tanong niya, malungkot tone pa ng boses. Grabe naman! Waah! Gusto kong pumasok ngayon.. Gusto kong makasama si mark

"Hindi ko alam, bukas siguro papasok na ako, text nalang tayo" sabi ko.

Bago ako pumasok ng kotse niyakap ko siya. Nung pagpasok ko ng kotse nag drive na si mama.

Nagstop si mama sa favorite restaurant ko. Tumingin ako sa kaniya, ngumiti naman siya saakin. Hinawakan niya kamay ko at pumasok na kami dun sa restaurant. Pag order namin hinawakan niya nanaman kamay ko. Wtf?!

"Gusto ko lang makapag bonding tayong dalawa, gusto kong bumawi sayo" sabi niya.

"Cr lang ako ma" sabi ko.

Pag punta ko dun sa cr, medyo naguluhan ako. Napaiyak pa ako ng onti. Bakit ang dami ng nangyayareng maganda saakin ngayon? Simula dumating si mark sa buhay ko.. Gumanda buhay ko.. Tumingin ako sa salamin at ngumiti. Papatawarin ko na si mama.

Nung pag balik ko dun sa table namin, may mga pagkain na. Kumain na kming dalawa ni mama. Habang nakain kami nagkukwentuhan kami, nagtatawanan din kaming dalawa. Pag tapos naman naming kumain, nagyaya akong mag mall. Bumili kami ni mama ng mga pagkain. Nung pauwi na kami, tumigil kami sa grocery shop. Nag grocery kaming dalawa.

Her. Where stories live. Discover now