Chapter 2: My Crush
11 years later…….
Pasokan na at 1st year high school na ako. Dito ako ngayon sa school sa room ko. Syempre new school, new classmate, new teacher, new room din basta lahat new. Sana madame akong maging ka-close ^__^
Ahmm, Oo nga pala at dahil first day of school wala pa masyadong ginagawa. Nag attendace lang. May kakilala din naman ako dito sa mga classmate ko kase yung iba eh classmate ko nung elementary kame kaya pamilyar na yung iba. At yung iba mga bagong makikilala ko pa.
Tapos may nahagip akong boy classmate ko. Ahm maputi naman sya. Ewan ko basta napansin ko na lang sya. Medyo maingay kase, makulet din sya.
2nd day of school na. May klase na kame. Sayang kase sarap pa naman maglibot dito sa school kahit paikot-ikot lang hehe.
Breaktime na. Habang naglalakad ako. Parang may sumusunod saken. Tapos pag lingon ko sa likod ko yung classmate ko pala na lalake, yung una kong napansin kahapon. Ano kayang pakay nito. Tapos nag-lakad na lang ulet ako. Pumunta ako sa canteen andun din sya. Sa library andun din sya. Sa may bench sa labas ng room andun din sya. Ugghhh.. Din na ko naka tiis. Kaya tinanong ko na sya.
=___________________=
“Hoy bakit mu ba ako sinusundan ha? Kahit san ako mag punta lagi kang nakasunod? Bakit ba?”- =__= mmhhh
“Wala lang. Hehe.. Gusto ko eh.”-sabi nya na may pag ngiti pa ha. Ughhh ano kaya yun. Sapakin ko kaya ito. Kahit cute sya. Mmff
Andito na ko sa room kase tapos na breaktime eh. Grabe ang gulo na pala ng buhok ko. Since wala pa naman iyung teacher ayusin ko muna buhok ko.
Nung tinanggal ko yung puyod ko sa buhok biglang may kumuha ng pamuyod ko.
“AHhh..!!”- sigaw ko kase nabigla ako eh. Tapos lumingon ako sa likod ko at tskk..
“Ikaw na naman. Hoy ibalik mo yung pamuyod ko.”- grabe naman ito lakas mang asar eh.
Ayaw nya pa din ibigay. Itinago nya sa bulsa nya. Kaya sinamaan ko sya ng tingin kunwari galit ako. Tapos nun ngumiti na naman sya. Ayan na naman ang ngiti nya. Bakit ganito naging abnormal ata tibok ng puso ko. Anu ba yun. Parang ang sikip na kinikiliti. Ahh ewan. Kelangan ko pang mabawi pamuyod ko.
“Oh eto na yung pamuyod mo. Wag na magalit ^___^ binibro lang naman eh.”- binigay na nya pamuyod ko. Cute nya ha. Mmff bakit ko ba yun sinabi..
BINABASA MO ANG
PANGARAP KO (TRUE STORY)(completed)
Teen FictionBase on a true story ng isa sa mga kaibigan ko. Hayaan nyong i-share ko ang simple at punong puno ng pag kahibang-este-pangarap ang storya ng pag-ibig nya..peace yoww..dedicate to mzlhen (^-^)