Chapter 10: Ikaw pa din? >.<

93 2 0
                                    

Chapter 10: Ikaw pa din? >.<

Graduation day na. Nakakalungkot kase magkakahiwahiwalay na kame. Mga friends ko. Mga kulitan, tuksuhan, asaran at lalong lalo na sa crush ko na mahal ko na pala hanggang sa naging pangarap ko na.

“Congralulation sa ating lahat, yes graduate na din”-

“Yeheyyy”-

Kanya kanya ng beso, paalam, at batian. At ang idadag-dag ko sa memories namen ni Erwin eh yung niyapos nya ako. Tanda ng pamamaalam. Mmhh ayoko pang umuwe kase gusto ko pa syang Makita. Kung hindi kame para sa isa’t isa malay nyo naman sa another life namen kami din pala magkakatuluyan.

Nakaka lungkot lang din talaga kase magkakahiwalay kami na hindi ko naipagtatapat sa kanya mismo ng personal ang totoo kong feelings sa kanya. At hindi ko na din sya natanong kung may feelings ba sya saken o ano? Hayyy. Hanggang sa nag uwian na kami. Siguro tama na din na magkalayo kami para makalimutan ko na ang feelings ko para sa kanya.

Dumaan ang bawat araw naaalala ko pa din mga kalukahan ko sa kanya. At natatawa na lang ako. Hahaha. Ewan ba. Basta natatawa ako tuwing maaalala ko yun. Dami na din pala nangyari.

At ang pangyayari na nagpabalik sa feelings ko kay Erwin eh nung nagtagpo ang mga landas namen. Naglalakad kase kame ni Rem.

“Teka parang kilala ko yun.”- tapos tinuro ko yung nasa unahan namen.

“Sino?”-

“Yun oh. Parang si Erwin eh.”-

“At tanda mo pa?”-

“Ewan ko. Baka kilala ng puso at isip ko. hehe. Joke.”- siguro nga kilala ng puso at isip ko si Erwin.

At paglapit nga namen. Tama ako . si Erwi nga iyon.

“Oh kumusta na kayo? Longtime no see ah”- bati ni Erwin.

At ang puso ko nagrambulan na nga. Akala ko pa naman nawala na kahit papano feelings ko para sa kanya pero eto pa pala.

“Ok lang naman kame. Ikaw ba kumusta na din?”-  Rem

“Ok lang din saan punta nyo?”-

“Pauwi na kami. ^___^”- sabi ko.

“Ahh. Ihahatid ko na kayo.”- wow. Totoo na iyon? Bakit parang nag matured na ata sya.

“Naku wag na. Kaya na naman namen eh. Saka baka maabala ka pa namen.”- sabi ko na lang.

“Hindi dapat kayo naglalakad dito ng kayo lang. ihahatid ko na nga kayo.”- ang kulit pero sige na nga.

Inihatid na nya kame. At nagkwentuhan na lang ng kung ano ano. Wala pa pala syang gf. Happy na din ako ng malaman ko yun. Naku po. Eto naman yung feelings ko sa kanya.  Hindi ko na siguro ito mababago pa.

Grabe naman ang puso kong magmahal wagas ah. Stick to one lang talaga?

Nagpalitan kame ng number. Ayos to ah. Makaka text ko ang naging pangarap ko. Pero hanggang ngayon eh pangarap ko pa din pala.

Text dito text dun. Kahit sa text nag aasaran pa din kame. Tapos nag aaway. Nag babati. Ano bang relasyon meron kame? Eh di friends lang. Pero ok na din yun saken. Atleast malapit ako sa kanya. Hehe.

Fiesta na pala sa kanila. In-invite  nya kame ni Rem papunta sa kanila. Ang saya ko kase magkikita ulit kami. Pag dating namen dun ang daming bisita.

“Grabe naman insan ang daming tao dito kina Erwin.”- Rem

“Oo nga eh. Teka ite-text ko lang sya. Nakakahiya naman pumasok ng wala sya eh.

'

'

'

'

'

'

'

'

'After ilang minutes……

“Oh ano nang sabi?”- rem

“Hindi nagrereply eh.”- grabe inip na ako tapos gutom pa.

“Alam mo tara ng pumasok, dun lang tayo sa loob.”-

“Eh nakakahiya.”-

“Mas makikita nya tayo kung papasok tayo”-

“Sige na nga.”-

At pag pasok namen. Hindi din nya kame naasikaso. At ang masaklap pa nito nag mukha lang kaming tanga sa kanila.

“Umuwe na lang tayo.”- niyakag ko na si Rem.

“Mabuti pa nga.”-

“Tsk. Kainis nag aksaya lang tayo ng oras dito. Hindi na mauulitan.”- naiinis na talaga ako.

Tapos tinext ko sya. Inaway ko sya dahil dun sa nangyari tapos humingi sya ng sorry. Binura ko na lang number nya. Tapos ilang araw lang magkatext na ulit kami. Haisst. Ewan ang gulo noh. Hanggang sa matapos na nag isyu na yun.

And this time may reunion kami. Classmate ko nung elementary. Dito naging kaibigan ko sila. Sila na iyong kasama ko lagi. Hindi ko na nakakasama yung mga friends ko nung high school kase may kanya kanya na din silang ginagawa eh. Etong mga ka reunion ko eh naKakwentuhan ko din sila about dun sa mga kalukahan ko ka Erwin. Hangang sa yun na nga nabuo na ang new barkada ko nakakatambayan ko din sila. At minsan mag i-stroll kame papunta sa barangay nina Erwin. Wala lang sisilay ng isa. Haha. Lagi kaming ganun pag mga walang magawa.

At may pangyayari pa nag ka bf ako. Minahal ko din naman sila at nasaktan din ako pero hindi kame natagal. Hindi ko din alam kong bakit. May kulang ba? O Dahil si Erwin pa din ang tunay na tinitibok ng puso ko?

.

-----------------------------------------------------------------------------------------

Don't forget to VOTE and COMMENT >.<

PANGARAP KO (TRUE STORY)(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon