Chapter 9: SELOS('~')/KILIG(>o<) part2

84 2 0
                                    

Chapter 9: SELOS(‘~’)/KILIG(>o<) part2

After 1 year and a months.(dami na nangyari eh, basta yun na yun :P)

4th year na kame. Mmhh lapit na pala graduation. ilang months na lang ah.

Well fieldtrip muna. Dito kame ngayon sa Star City.

“Sakay tayo sa mga rides”- Rem

“Doon na lang tayo sa horror house. Haha”- Lorie

“Ayoko dun nakakatakot”- Mae.(classmate and friend ko na din)

“Oh LHENtog bakit nag e-emote ka?”- Rem. Kung maka Lhentog naman ito oh.

“Yun kase oh”- at inginuso ko ang ini-emote ko.

“Kaya naman pala.”-Rem

“Aray ba?”- Nina.

“Tse tigilan nyo na nga ako.”- Ughh.

Mmhh eh ikaw ba naman. Makita mu ang pangarap mo na nakikipag harutan sa classmate mu. Mmff. Kainis. At ang sweet pa nila ha? Sila ba? Ang alam ko hindi. Break na nga pala si Erwin at yung Gf nya. Ngayon si Sharmaine naman nilalapitan. Tskk.

Bakit parang sila? Ang sweet nila eh. Nagpi-picturan tapos kelangan laging magkayapos? Ano yun? mmhh =__= gusto ko ako din. Sana ako na lang si Sharmaine. Kaasar naman.

Grabe hindi na ata kaya ng mga mata ko ang nakikita ko. Maka paglibang na nga lang.

Lumipas na ang oras. Well enjoy din naman. Iwas na lang ako kina Erwin kase ayoko ng masaktan sa nakikita ko.

Tapos punta naman kame sa Sm para mamili kung ano gusto. At naka salubong ko sya.

“Hi!”- bati nya saken?

“He-hello”- gulat ako eh kaya na stutter lang ng konti.

Tapos nawala na naman sya sa paningin ko. Mmhh sana naman hindi na nya kasama si Sharmaine.

Pauwe na kame sasakay na kame sa bus. Tapos may nakita akong nagtitindang ng mangga.

“Kyahh. Gusto nun. Maka bili nga”- bababa na sana ako ng bus pero..

“Wag ka ng kumaen nyan baka taehin ka dyan.”- sabi ni pangarap Erwin.

Concern ba ito o nangaasar lang? Pero dun ako sa una. Chance ko na ito eh. Concern sya sa aken. Yiiii..

Mmhh uwian na. Dito na kame sa bus. At nakakakilig eh kase tumabi sya saken. Kyahhhh!!!! Hindi ko akalain na tatabihan nya ako. Oppss walang kokontra hindi dahil sa wala syang maupuan kundi dito nya talaga gustong umupo. Te-hehe

At eto na nga kase parang iba aura nya. Bakit ganun? sweet sya ngayon. Tapos baka mamaya lang awayin na naman ako. Magselos na naman ako sa mga dinidikitan nyang girls. Pero hindi eh. Pinakikilg nya ako. Hinawakan nya bigla ang kamay ko at ang mas ikinagugulat ko pa……..

“SIMULA NGAYON TAYO NA HA??”- sinabi nya yan saken.

O___________O Tulala. Speechless. Ganun lang ako. Hindi ako makapag salita. Eh kase bakit nya ako sinabihan nun? Mahal ba nya ako kaya nya sinabi yun? Hindi naman sya lasing para sabihin yun. Ang sweet nga nya saken eh. May time na aakbay sya, yung parang prinsesa ang trato saken. Parang kami talaga. Ang sarap at masaya sa pakiramdam na ganito ang taong mahal mo sayo. Ipinaramdam nya saken na mahalaga ako sa kanya kahit hindi nya ito sinasabi kase kita ko naman sa mga kilos nya eh.

Sana naman walang magbago, sana naman hindi na kame bumalik sa dati, sana naman hindi nya pinaglalaruan ang dadamin ko para sa kanya, sana naman totoo sya saken. Kase ayoko na ulit masaktan. Wag din sanang bawiin agad ang ganito kasaya kong feelings. Pero hanggang kelan ang SANA?

“Wuiii. Ano yan ha?”-

“Ang suweet naman”-

“Wiwittt”-

“Totoo na ba yan ha?”

“Oo nga baka mamaya para na ulit kayong aso at pusa”-

“Asus dun din naman pala ang tuloy lagi pang away ng away”-

“Sabi na nga ba eh dun din yun magsisimula”-

“Yeeeeeee”-

@_______@  niloloko na kame ng mga classmate namen pero parang ok lang sa kanya. Hindi naman sya nagrereklamo. Tawa pa nga sya.

Hindi ko alam kung hanggang kelan o oras na ganito kami. Gusto ko din na itinatak sa isip ko na once na bumaba kami sa bus baka matapos na ang palabas nya. Baka matapos na din ang ilusyon ko. Kanina oo masaya ako kase KAMI NA daw at ang sweet nya talaga pero bigla na lang parang ginising ang utak ko na hindi totoo ang lahat ng ito na matatapos din agad. Yung mga SANA ko kanina eh maglalaho. Kase bakit pa ako aasa eh hindi naman nya sinasabi na mahal nya ako. Hayyy. Ewan ang hirap magi sip. Pero siguro ang tangi ko lang magagwa sa ngayon eh ang makisakay na lang sa damdamin ko na masaya ako kasama sya. Siguro yun na nga lang muna.

At katulad ng inaasahan ko. Titigil na ang bus at bababa na kami. Titigil na din ang kalokohan nya. Titigil na din ang masaya kong feelings at mapapalitan na naman ng lungkot. (T----T) broken na naman si ako.

Tapos eto uwian na kame. Mmhh. Ano na ang mangyayari after this? Ah ewan. Bahala na.

At after nung nangyari dun sa bus, katulad ng inaasahan ko back to normal na naman. Hindi ko na sya tinanong pa about dun kase ayokong mapahiya na naman at ayoko din Makita nya na nasaktan ako.

“Oh kumusta naman ang puso ha?”- Rem

“Ahhm ganun pa din.”-

“Ano na ba talaga ang nangyari?”- Mae

“Kase bigla na lang nya akong tinabihan. Tapos sabi nya kami na daw”- wahh. Kahit medyo nasaktan ako nangibabaw pa din ang kilig mode ko pag naaalala ko yun. Mmhh hindi naman ako masokista. Eh sa iyon ang feelings ko eh.

“What the-----? Talaga?”- Rem. Shock lang sila

“Oo. At ang sweet pa nga nya. Hindi nyo na nakita kase mga tulog agad kayo eh”-

“Sayang. Pero teka eh ano na mangyayari ngayon. It means kayo na talaga?”

“ahmm. Ewan kase pagkatapos nung nangyari dun sa bus ganun na naman sya. back to normal ulit. Nang-aasar na naman sya.”-

“Eh hindi mo ba tinanong man lang?”- Mae

“Hindi na din. Kase alam ko na ang mangyayari pag tinanong ko yun.”-

“Pero kayo na daw? Ihhh.”-

“Hehe. Oo sabi nya. Haha. Pero siguro antok lang sya o pagod kaya nasabi nya yun.”-

“Nakakatawa pa talaga ang luka.”- Rem

“Ok lang yun. Kesa naman magmukmuk. Mag iipon na lang ako ng masasayang ala-ala namen. Nyahaha.”-

“Kahit kabaliwan?”- Mae

“Kahit ano pa yan.”-

“Ewan namen sayo”-

Smile na lang ako. Masayo na ako sa mga memories namen na maiipon ko.

At naalala ko pa muntik ko na syang maging first kiss. Kase nung time na yun eh niloloko kame ng mga barkada nya. Pag harap ko kase daplis yung lips nya. Sayang. Nyahaha. Matitikman ko din ang tamis ng unang halik ko sa kanya. At Malay nyo someday kami din pala ang magkatuluyan ng pangarap ko.

.

-----------------------------------------------------------------------------------------

Don't forget to VOTE and COMMENT >.<

PANGARAP KO (TRUE STORY)(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon