Chapter 12: Ikaw pa din! (sure na)(^_^)
Oo nga pala yung nangyari nung nagkahiwalay sina Mae at Erwin eh nagalit saken ang huli. Nagkatext kami tapos nagkaaway. At yun binura ko na number nya. Tapos later on eto na naman kami. Nagtext kase sya at okay na ulet kame. Parang ewan lang ulet.
2011: nag kareunion ang batch namen. Classmate ko nung highschool. Swimming namen. Yung iba nakasama yung iba naman hindi at si Erwin hindi kasama sayang talaga. Kami ang loveteam nung highschool eh. At alam nyo na kung bakit.
Nag enjoy na din ako kahit hindi sya kasama. Kase minsan lang naman itong pagkikita ng mga dati naming classmate. Pagkatapos ng reunion nakachat ko sya sa fb.
Ako: bakit hindi ka kasama nung nag reunion tayo?
Erwin: ha? Hindi ko alam yun.
Ako: ganun? nag swimming kame eh.
Erwin: ahh. Walang nagsabi saken eh.
Haistt. Sayang naman. Sino ba kase ang hindi nagsabi sasapakin ko. (joke lng)
Dumaan na naman ang taon. Nabalitaan ko na tutug-tog ang banda ng mga kapatid at pinsan ko, nasabi ko na nga pala na lahi kame ng mga banda. Nyaha . Dun sa lugar kung saan nakatira sina Erwin sila tutug-tog. Ayos din. Sasama ako. Gusto ko syang Makita eh.
Sumama na nga ako sa kanila. Andito na kami at nagpe-perform na sila. Tapos maya maya tumunog cellphone ko.
*Beep….. (may nagtext cp ko)
At huuuuuuuu. O_______O nagulat ako ahh. Si pangarap nagtext?
Erwin: puntahan mo ako? (What? Puntahan? It means nakita nya ako?)
Ako: huh? Baki? Nasan ka ba? (natanong ko na lang)
Erwin: andito lang ako sa likod mo.
Yun naman pala kaya pala alam nya na andito ako. Wow. Nakita nya agad ako ah. Grabe kinilig ako ahh.
Nagulat ako eh kaya hindi ko sya nilalapitan. Pinapanood ko lang muna magperform mga kamag anak ko sa stage tapos maya maya sya na yung lumapit saken. Hindi siguro nakatiis hihi. (assuming)Tse wag ka nga. Get lost another self. Moment ko to wahaha..
Nasatabi ko pa naman ang tatay ko. Pero wafakelz lang. Nag kwentuhan na din kame ni Erwin at take note hindi na namen pina usapan yung tungkol about dun kay Mae. Wow. Nakakapag usap kame ng matino ha. Yung walang away.
“kamusta na ang buhay-buhay? may girlfriend ka ba?”- natanong ko na lang.
“Ok lang naman ang buhay ko. Pero wala akong Gf. Madalas kase hindi nawowork eh.”-
Ganun. Kung ako na lang sana… Chossss.
At yun hanggang sa matapos na ang palabas. Ok na naman kame eh. Kaya lang hindi na din nawawala yung away. Bati. Parang normal na nga para samen yun. Wow ha. Kaya naman sa mga nangyayari na ito parang lalo ko pa syang minamahal eh.
Lumipas na naman ang taon.
2012 na ikakasal ang isa sa mga kabarkada ko. At yung lalake na pakakasalan nya eh classmate ko nung high school sakto ba? Hehe.
“Hoy Aila sino ang kapartner ko?”- tanong ko sa bride to be. Eh kase abay lang po naman nila ako.
“Si Erwin. Haha.”- si Alvin ang classmate ko dati. Pag kadinig ko nun. Nabuhay dugo ko?
“Anla naman yung tunay?”-
“Haha asa ka uyyy.”- Jill (hindi ko sya classmate hindi ko din sya ka batch kumbaga mga pamangkin ko na sila sa pinsan at mas bata siya samen ng ilang taon. At naging isa na sa mga kaibigan ko.)
“Hee. Tumigil ka wag kang epal baboy ka”- argh. Panira ng moment eh.
“Hahaha si tiya ang sama talaga eh.”- Jamaine ( katulad ni Jill ganun din si Jamaine)
(Takenote: kaya po tiya ang tawag nila saken eh dahil pamangking ko na sila sa mga pinsan ko pero hindi naman ako katandaan :P)
“Haha. Insan sino baga gusto mong kapartner?”=- ang bride to be na si Aila. Mag pinsan din kami sa pinsan. Ah basta madami kaming kamag-anak eh.
“Gusto ko si Erwin”- wahhhh. Gusto ko talaga eh. walang paki alamanan ng trip.
“Wag ka ng umasa pa”- Krii ahead lang kami sa kanya ng 2 years.
“Ay naku gawa na ang invitation ah. Sorry ka na lang.”- Erich
“ahaha. Bawi bawi na lang nexttyme.”- Mj
Mga walangya. Minsan na nga lang mangarap eh. Mmhh. Hayaan ko na nga lang. Pag minsan kase kung kani-kanino na nila ako inirereto. Ewan ba parang ma-uubusan naman ako ng lalake ng lagay na ito noh? Eh si Erwin lang ang gusto ko. Kyaha..
Dumating na ang time. Weding day na nina Aila and Alvin buti pa sila meant to be. Parehas na Letter A ang pangalan, Letter A ang apelyido. Kami din naman ni Erwin ah. Parehas na Letter A ang apelyido at magka-apelyido pa.
Kumpleto ang barkada. Maliban dun sa dalawang nasa ITALY. Yung isa nasa Milano Italy si Iya yun kapatid ni Erich. Yung isa naman nasa Padova Italy si Belle. Ahead sila samen ng ilang years. Sina Aila, Mj. Erich at ako ang mga magkaka batch. At yung 3 sina krii, Jil at Jamaine ahead kame. Na-explain ko na okay?
Ang abay ay ako (hindi si Erwin ang partner ko ang SAD naman), sina Krii at Jamaine. Yung iba. Asan na kaya mga yun walang mag pipicture samen eh.
(AUTHOR’s POV: yun po ang papel namen sa kasalan nina te Aila at Alvin ang maging photographer para sa mga luka luka. ^------^ pakisingit lang ng peg. Nyaha)
Tapos nung patapos na ang kasalan. Oh my gulay. May nahagip ang malikot kong mata. Eh kase si Erwin andito. Kyahhhh..
Sumaglit lang pala siya para silipin ang kasal. Mmhh sayang mukha syang busy ah. Eh kase ganun lang sya kabilis nag disappear.
Hayyy. Kahit anong mangyari sya talaga. Ang pangarap ko. Walang ng iba.
.
-----------------------------------------------------------------------------------------
Don't forget to VOTE and COMMENT >.<
BINABASA MO ANG
PANGARAP KO (TRUE STORY)(completed)
Teen FictionBase on a true story ng isa sa mga kaibigan ko. Hayaan nyong i-share ko ang simple at punong puno ng pag kahibang-este-pangarap ang storya ng pag-ibig nya..peace yoww..dedicate to mzlhen (^-^)