Chapter 3: He is Numb (‘~’)
Mabuti na na lang at kahit laging papansin si Erwin eh hindi ako niloloko ng mga friends ko. Kase naman halos araw araw nya akong ina-asar.
“Hoy Lhen alam siguro may crush sayo si Erwin,”—sabi ni Nina na ikinagulat ko.
“Ha? Imiposible naman yun.”- hindi ako na niniwala. Kahit feeling kong maniwala.
“Anong imposible? Possible. Eh bakit ka nya lagi inaasar? Ganun yung mga papansin.”- Nina
“Hindi nga sabi totoo yun ok?”-Ako
“Ok sabi mu eh”-Nina
Totoo kaya yung sinabi ni Nina? Napa-isip ako dun ah. Tapos tiningnan ko bawat galaw ni Erwin para namang walang sign na may crush din sya saken. Kase normal lang sa kanya mga ginagawa at pina pakita nya saken.
Ang nakikita ko lang lagi syang natabi saken. Andun pa din yung pang-aasar nya. Ginugulo ako lagi. At ako naman kilig lang sa mga gina gawa nya. Ang sarap pala ng feeling ng may crush. Iyong wala akong palalampasing araw sa pag pasok kase gusto ko syang masilayan lagi. Inaabangan ko mga pang aasar nya . Iyong mga ganun. Pag wala naman pasok sobrang na mi-miss ko sya. Gusto ko na ulit pumasok para Makita lang sya. Ibang pakiramdam. Masarap, masaya, insfired. Ganito pala ang feelings ng isang teen ager na may crush ^______^
Kaya naman pag kinikilig ako isinusulat ko yung mga feelings ko sa isang papel. Parang Diary kuno. Mga ganun. Ang sarap kasing basahin ulit yung mga nararamdaman ko. Kase wala lang, basta gusto kong isulat.
Hanggang sa isang araw. Bigla na lang akong ibinuking ng isa sa mga kaibgan at pinag sabihan ko ng tungkol sa crush ko.
“Hoy Erwin. May sasabihin ako.”- sabi ni Nina kay Erwin. At ako naman napatingin lang kase nasa unahan ko lang sila. Nasa loob kami ng classroom eh.
“Alam mu bang may crush sayo si Lhen?”- at ngiting aso pa ang babaitang ito.
Grabe yung pakiramdam ko. Parang natakasan ako ng kulay dahil ibinuking ako nung isa sa mga pinagkakatiwalaan ko. Akala ko pa naman hindi nya sasabihin.
Napatayo ako para sana tumakbo na sa labas dahil sa kahihiyan na natamo ko pero..
“Ahahaha.. Hoy Nina nagpapatawa ka ba. At bakit naman mag kakagusto saken ang babae na iyan. Ahaha.. Joker ka pala. ^___________^ “ sabi ni Erwin na tawa pa ng tawa. (manhid) mabuti nalang hindi sya naninawala. Naku Nina lagot ka saken. Hinigit ko si Nina palabas ng Room.
“Hoy Nina bakit mu naman sinabi yun ha?”- papaiyak na ako. Muntik na eh.
“Eh kase akala ko may gusto din sya sayo. Anu ba naman iyan. Ang hina naman ng utak ng napili mung magustuhan,”- Nina.. Aba’t--- nilait ang crush ko?
“Ah basta wag mu na lang ulit sabihin nag promise ka na eh.”-
“Ok Ok”-
End of conversation. Ngayon balik na ulit sa pagpapantasya-este-sa dati pala ^___^
Tapos ang akala ko ok na ang lahat. Nagyari na naman yung pag bubuking saken. Pero hindi katulad nung una. Hindi ko kaibigan ang nag sabi at hindi lang din kay Erwin ibinuking. Dahil classmate ko at Kaibigan pa ni Erwin ang nag buking sa buong classmate pa namen…..
Nagsusulat ako ng mga kilig moments namen ni Erwin. Feel na feel ko kase eh, at kilig na kilig din ako ^___^nyahaha
What the----?? Bigla kaseng nawala yung notebook na sinusulatan ko.
“Aha.. ano ito ha?- pagtingala ko nakita ko na kung sino kumuha ng notebook na pinagsulatan ko. si Bryan pala yung classmate ko at friend pa ni Erwin.
“Hoy akin na iyan ibalik mu saken.”- grabe paiyak na talaga ako.
“Ayoko nga. Basahin ko nga kung ano nakasulat..”- at binasa nga nya. Shit hindi ko maagaw sa kanya. At ipinakita pa nya sa buong klase namen yung notebook. Iyak na talaga ako kase private yun eh.
At hindi pa sya nakuntento. Kakadating lang ni Erwin at pagka-upo nya ipinabasa nya dito yung mga nakasulat.
Ang pakiramdam ko tuloy ngayon, gusto ko ng lumubog sa kinakatayuan ko. Gusto ko ng bumuka ang lupa at lamunin na ako. Sobrang pagkapahiya ako ngayon napatulala na lang ako habang tumutulo ang luha ko. Ayoko na din atang Makita ang itsura ni Erwin habang binabasa ang nakasulat sa note book ko. Dahil blanko lang ang mukha nya. Hindi ko alam ang nasa isip nya. Masaya ba sya? Parehas ba kami ng feelings sa isa’t isa, o baka kinamumuhian na nya ako, galit, o baka mailang na sya. (T____T) Ang magagawa ko na lang sa ngayon ay ang tumakbo, tumakas sa pag kapahiya ko. Ok lang na malaman nya feelings ko pero sa mas maganda kung sa ibang paraan eh. Hindi dapat ganun. Ayoko na ata. Ano nalang ang ihaharap kong mukha sa lahat ng classmate ko, lalo na sa kanya.
Hindi ko alam ang gagawin ko. Pahiyang pahiya na ako. Tumakbo na lang ako. Dito pala ako sa may Canteen dinala ng mga paa ko. Umupo nalang ako sa sulok at umiyak ng tahimik. Maya maya may tumapik sa balikat ko. Pag tingala ko. Andito yung mga kaibigan ko. At iniabot nila saken yung notebook at bag ko. Tapos wala ng nagsalita. Gusto ko din kase munang matahimik eh. Hindi ko alam kung pabor ba ang araw saken o hindi kase tamang tama na awasan na at Byernes din ngayon. May Dalawang araw pa para maayos ko ang sarili ko sa pagka-pahiya.
-----------------------------------------------------------------------------------------
Don't forget to VOTE and COMMENT >.<
BINABASA MO ANG
PANGARAP KO (TRUE STORY)(completed)
Teen FictionBase on a true story ng isa sa mga kaibigan ko. Hayaan nyong i-share ko ang simple at punong puno ng pag kahibang-este-pangarap ang storya ng pag-ibig nya..peace yoww..dedicate to mzlhen (^-^)