Chapter 4: 1st LOVE-1st HEARTACHE (T-T)
Monday na. Eto na ulit ang araw ng paghaharap kaya mu iyan. Fight fight.. Ang dami ko din namang ibinuhos na luha. Sorry mababaw lang talaga luha ko. (T-T)
Pag pasok ko pa lang sa room andun din sya kasama mga kaibigan nya. Napatingin sya saken tapos biglang nag iwas ng tingin samantalang dati kadadating ko pa lang bigla na niya akong sasalubungin at aasarin ng walang katapusan pero ngayon iba na. Alin sa mga sinabi ko about sa magiging reaksyon nya nung nakita nya ang notebook ko? Yung last pala > BAKA MAILANG SYA. At nangyari na nga.
Kahit saan ako mag punta hindi na sya nakasunod. Kahit sa likod ko sya naka upo hindi na sya nangungulbit o kinukuha ang puyod ko gaya ng madalas nyang gawin. Iniiwasan na din nya ako.
Lumipas siguro mga 1 week nagbago na naman sya. Hindi sya bumalik sa dati nyang ginagawa saken bagkos malma pa sa ginagawa nya dahil lagi nya akong inaasar, hindi na pala pang aasar ang tawag dun kundi pag aaway.
“Hoy Lhen, hindi ka nagsuklay no,?”- si Erwin. Kinuha nya yung pamuyod ko at hindi gaya dati na itatago lang, ngayon ang gagawin nya eh tinatapon na sa labas.
Lagi syang ganun. At ako naman wala ng magawa kundi umiyak. Napaka iyakin ko din naman. At hindi pa sya nakuntento. Pati yung mga kaibigan nya ganun na din ginagawa saken. Pinagtu-tulungan nila ako. Lagi nila akong inaaway, inaasar at ina-api. At nasasaktan ako sa mga nangyayari.
Siguro kung hindi nya nalaman yung tungkol dun sa nakasulat hindi ganito ang mangyayari. Hindi ko na mababago pa ang mga pangyayari. Pero isa lang ang natuklasan ko. Na habang tumatagal pala minamahal ko na sya. Yung pag bilis ng tibok ng puso ko pag nakikita ko sya, yung saya ng feelings ko pag kasama ko sya, yung pagkakilig ko pag inaasar nya ako. Minahal ko na pala sya. At yung pang aaway nya saken at pagbabago nya ng pakikitungo saken, nasaktan ako nun. Oo nasaktan ako. Ang akala ko pag hanga pa ang nararamdaman ko sa kanya. Ano nga ba ang hinangaan ko sa kanya? Yung palagi syang nakasunod saken? Eh ano naman ang minahal ko sa kanya. Yung sya mismo. Pero ngayon ano yung nakasakit sa bata kong puso sya din mismo. Eh di sana crush ko na lang sya. At sana hanggang dun na lang yun pero hindi eh.
At aaminin ko. Sya ang una kong pag ibig at una ko ding kabiguan. Dahil hindi pa man ako nakaka pag tapat sa kanya binigo na nya ako. Sabi ko na nga ba eh. Ganito talaga ang mga nangyayari sa mga na iinlove. Kaya ayokong mainlove. Pero tama din pala na hindi mapipigilan ang ma in love, hindi mo din alam kung kelan ka masasaktan.
Hindi ko alam kung may natutunan ako sa nangyaring ito saken. Hindi ko din alam kung kaya ko pang ma in love sa susunod. Ayoko ding sabihin itong nararamdaman ko sa mga kaibigan ko. Ewan pero parang gusto ko muna ang ma pag isa. Itutuloy ko pa kaya ang mahalin sya kahit na nasaktak na ako dahil ipinamukha na nya saken na wala syang gusto saken kahit hindi nya ito sinabi at ipinakita na lang nya ito.
Sana sa susunod na araw hindi ko na sya mahal. Sana kung gaano ko sya madaling minahal ganun din kabilis mawala pag mamahal ko sa kanya. (T__T)
“Oist insan, ano? ok ka lang ba?”-Rem, nasa labas kami ng room tambay muna.
“Ok lang ako. Lilipas din naman ito.”- nasabi ko na lang. Wala na akong idahilan eh.
“Wag kang mag-alala madame pa naman dyan na pwede mung maging crush.”- pampa gaan loob saken nina Lorie.
“Thanks girls. Ok lang talaga ako. At saka ano ba naman yun. Haha. Para yun lang. Sanay na ako na lage nilang inaasar. Kaya ok lang hayaan ko na lang sila.”- syempre hindi ako ok. Nasabi ko na lang iyon sa kanila para hindi na sila mag alala pa saken. Hanggang ngayon hindi ko pa din sinasabi sa kanila itong true feelings ko para kay Erwin.
“Basta hanap na lang tayo ng mga pugeeee.. hahaha”- Nina na may pag sayaw pa sa gitna. Kaya naman tawanan na lang kami. Grabe galing ko ah. Napigilan ko na naman umiyak.
Nag daan ang mga araw ganun pa din trato nya saken. Palagi pa din nya akong inaasar. Ay mali pala. Inaaway. Katulong nya mga friends nya. At nasasaktan na talaga ako sa mga nangyayari. Sa tingin ko tama na siguro na masaktan ako kaya naman lalayuan ko na sya. Didistansya na talaga ako.
“Ohh. Insan bakit ka umiiyak? Sino na naman ba ang nang-away sayo ha? Sabihin mo?”- namumula na sa galit si Rem.
Hindi ko na talaga kinaya. Hindi ko na napigilan umiyak eh. “ Kase inaaway na naman ako nina Erwin. Hindi ko naman sila inaano. Hindi ko na nga sila pinapansin eh. Ako na lang lagi ang nakikita nila.”- (T______T)
“Dito ka lang ha? Puntahan ko lang sila. Grabe sumosobra na talaga sila. Akala nila nakakatuwa pa sila.”- sinasabi nya yun habang naglalakad palayo at nawala na sa paningin ko si Rem. Sya ang taga pagtanggol ko eh.
Isang araw sa tambayan, si Erwin ang naging topic namen.
“May crush ka pa ba sa Erwin na iyon ha?” Nina
“Alam mo Lhen, sa nakikita kong ugali nya isip bata yun. Eh kase tingnan mu naman. Akala mu may natutuwa pa sa pag bibiro nyang yun. tsk tsk.”- iiling iling si Nica.
“Sang-ayon ako sa inyo kaya kung ako sayo iti-tigil ko na katangahan ko sa Erwin na iyan”- Lorie.
“Oo nga insan. Tama na. Basta sabihin mu lang saken pag na bully ka nya at ako ang bahala sayo.”- Rem.
“Wag kayong mag-alala. Hindi ko na sya crush. (mahal ko na) kaya nga hindi ko na pinapansin diba.”- sana nga talaga mawala na ito. Ang hirap palang umibig. Ang sakit eh. Di ka pa nagiging masayang masaya masakit na agad.
“Yan tama yan. Kaya naman move on move on.^____^”- Nina.
At yun na nga ginawa ko. Hindi ko na sya pinansin pa. Kahit mahal ko pa sya. Mahal sya ng bata kong puso. Pero habang tumatagal eh hindi ko din mapigilan. Kapag nagtatanong sya kahit tangahin pag minsan tanong nya. Sinasagot ko pa din. Kinakausap ko pa din sya. Kahit lage nila akong inaasar at inaaway. Iiyak lang ako. Haistt.. Ganun lang ng ganun. Alam ko na wala ng pag asa na magka gusto din sya saken. Kaya naman kakalimutan ko na lang ng paunti-unti ang feelings ko sa kanya.
Bakasyon na. kahit papano nakatulong ang bakasyon na ito ^____^ sana back to normal na ulet ang pamumuhay ko. Iyung hindi ko na sya crush. At lalong hindi ko na din sya mahal.
.
-----------------------------------------------------------------------------------------
Don't forget to VOTE and COMMENT >.<
BINABASA MO ANG
PANGARAP KO (TRUE STORY)(completed)
Ficção AdolescenteBase on a true story ng isa sa mga kaibigan ko. Hayaan nyong i-share ko ang simple at punong puno ng pag kahibang-este-pangarap ang storya ng pag-ibig nya..peace yoww..dedicate to mzlhen (^-^)