Chapter 8: First Dance @__<

98 5 3
                                    

Chapter 8: First Dance @__<

Akala ko tapos na ang selosa mode ko hindi pa pala. Eh kase nalaman ko na may Gf na pala sya. T—T

Kaya naman ilang days din akong nagluksa. Nagluksa ng puso. Haisstt. Eh bakit pa nga ba kase ako aasa. Anu ba naman ito ohh. Magbe-break din sila (joke lang). Hindi naman ako ganun kasama. Pero wala akong magagawa. Kelangan ko din yung tanggapin.

After ilang days………

Yikess. Acquaintance party na pala next day. Kaya pala medyo busy busy-han ang mga tao dito sa school.

“Uyy Lhen chance mu na ito para isayaw yung crush mo haha”- Nina

“Tse tumahik ka nga dyan. Baki ko naman yun aayain eh may Gf na yun noh.”- =__= asar ahh.

“Sus. Pakunwari pa eh. Gusto din naman. Saka kahit na may Gf sayaw lang naman eh.”-

“Eh kung gusto ko eh di sana nung first year pa lang tayo eh ako na mismo yung nagyaya sa kanya. Kahit kalad-kadin ko pa sya gagawin ko maisayaw lang sya. Saka iba na ngayon.”

“Wow insan parang “hahamakin ang lahat masungkit ka lamang” . Mag katono noh?”- Rem

“Oo nga. Ahaha alam mo Rem makata ka din pala ha. Haha”- Lorie

Sh*t eto na naman po sila.. mmhh. =____________= Minsan nagtatanong din ako kung saang kayang planeta galing ang mga ito. Mmhh.

Teka si Erwin ba iyon. Saan kaya ang punta nya. Ahh. Sa Library pala. Mmh baka tatagpuin si Gf nya. Masundan nga. Sisilay lang ng isa kahit kasama pa yung Gf nya. Kaya lang paano ako makaka-alis dito sa mga luka lukang ito. Mmhh. Tingggg talino mo talaga Lhen. Bwahaha.

“Teka lang ha kase tawag ako ni Mj.”- palusot ko sa mga ito. Naka alis din.

“Uy saan mu yan dadalhin?”- tanong ko kay Mj. Kase may dala syang mga books. Sana diretso ito sa library.

“Sa H.E”- sabi ni Mj.

Bagsak ang balikat. Bagsak energy din. Naman oh. Pag-kakataon ko na sana para sundan ang pangarap ko.

“Bakit tutulungan mo ba ako. Ikaw na nga magdala nitong iba. Tatambay pa kase kami sa labas eh inutusan lang ako. Gusto ko na ngang lumabas eh.”- aba’t inutusan pa ako.

“Ha? Eh may gagawen din kase ako eh.”- palusot ko ulet.

“Ano? Shocks naman. Dyan ka na nga hinarangan mo pa ako eh di sana tapos na ito mmff.”- Mj. Napag sungitan pa ako.

“Kainis tapos itong ibang books sa library pa dadalasddffggvjhghgbdjhjwgehwfjkdfn.-Pwe,  Ano ba iyon ha? Bakit mu tinakpan bibig ko?”- sigaw nya saken.

“Ta-tama ba ako ng nadinig? Sa library mo dadalhin yung iba ha?”- wahhh. Palakpak tenga. Bangon balikat at buhay ang energy.

“Oo kaya kung hi-----“

“Tulungan na kita ako na ang mag dadala sa library nung iba.”-

Tapos kinuha ko na sa kanya ang ibang books at eto na. Punta na ako sa library. Oh-yeahh. Gusto ko lang naman syang Makita yun lang yun.

Pag pasok ko lingap ko agad ang pangarap ko.

“Nasaan kaya yun. mmhh”-

“Sinong hinahanap mo”-

“AY KABAYO------“- (takip bibig)

“Ssshhh ang ingay mu. Sino ba ang hinahanap mo ha kambing ka?”- =___= eto na naman sya.

“Wala ka na dun ASO ka. Mmff. Maka alis na nga.”- ok na ako. Naka silay na eh. Nyahaha.

“Ang sungit naman”-

Yan Acquaintance na namen. Over night ang party namen.

Woops. Tapos na ang mga program. Kaya naman eto na ang pinaka hihintay ng lahat ang sumayaw sa dance floor. Wow. Ang ganda naman ng song kase Love moves in mysterious way ang kanta.

Tapos natanaw ko si Erwin papalapit sya dito. Mukhang alam ko na kung bakit. Kase katabi ko yung classmate namen na Transfer student. Si Sharmaine. Maganda sya kaya naman alam ko na crush sya ng mga boys. Siguro crush din sya ni Erwin. Siguro aayain nya itong mag-sayaw. Mmhh. Ouch ha. Pero tanggap ko na.

“hoy”- si Erwin yun siguro aayain na nya si Sharmaine. Syempre hindi ako naka tingin. Ayoko ngang masaksihan.

Tapos maya mya may kumulbit saken. Hindi ko pinapansin kase siguradong pinagti-tripan na naman ako ng mga classmate kong walang magawa. Nakaka ilang kulbit na saken hindi na ako naka tiis kaya hinarap ko na at-----

“Tsk ano b----“O_______________O

“Hoy sabi ko tarang magsayaw.”-si-si Erwin niyaya akong magsayaw. Totoo ba ito. Wahhhh. Niyaya nya ako.

“Ahm ano, baka magalit ang Gf mu. “- hindi ko alam ang sasabihin ko. medyo nasa state of shock pa din ako.

“Halika ka na sabi. Hindi yun magagalit.”- tapos hinigit nya ako sa gitna ng dancefloor. Ayun nag sayaw kami. Ihhhh. Kilig naman ako. Sya ang First dance ko. Ang swerte ko na naman. ^___^

Wala pa kse akong nakakasyaw na lalake. Sya pa lang. At ang maganda nito hindi ako yung unang nagyayang makipag sayaw sa kanya. Hindi na kelangan ng pwersahan. Sya na mismo lumapit. Kyahhhh.

Habang nag sasayaw kame medyo naiilang ako. Syempre firsttime namen na maglapit ng katawan. At hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala na nagsasayaw kami. Na kasayaw ko sya.

Sana kahit papaano tumigil kahit sandali ang ikot ng mundo, ang oras. Para kahit sa ganitong paraan eh makasama ko sya kahit saglit lang. Isa ito sa memories na babaunin ko mula sa kanya kase hindi ko alam kung kami nga ang magkakatuluyan (sana kami nga) o hindi. Kaya naman tatandaan ko at itatanim sa isip ang eksenang ito.

Sayang kase sa isip ko lang ma ca-capture ang scene na ito. Wala kaseng camera eh. Pero ok na din kase pag sa camera pwedeng mabura ang picture o mapunit at mawala pero pag sa memories hinding hindi mabubura, mapupunit at mawawala. Kaya ayos din ^_____________^

.

-----------------------------------------------------------------------------------------

Don't forget to VOTE and COMMENT >.<

PANGARAP KO (TRUE STORY)(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon