CHAPTER 7

7K 297 13
                                    

Daniel POV

Nang magising ako nakita ko si Leah na natutulog sa balikat ko kaya hinintay ko nalang syang magising. Maya maya pa nakita kong natulo yung laway nya tiniis ko nalang kasi mahal ko na ata sya.

"Wahhhhhhh"sabi nya at naginat pagkatapos.

"Gising ka na pala tara baba na tayo "sabi ni Monique habang ang ibang estudyante sa bus ay nakatingin sa amin.

"Ayyiiiieeeee"sigawan ng iba naming kaklase kaya tumayo na kami at pababa na ng biglang umandar ang bus kaya tumumba kaming pareho nakahiga sya sa akin.

"Ang sweeeet nila"sigaw nilang lahat. Kaya nagmadaling tumayo si Leah kaya tumayo narin ako.

"Sinong nagdadrive neto?"galit kong tanong. Nakita ko naman si Kiel na tumayo galing sa driver seat at nag peace sign sa akin kaya ngumiti nalang ako.

Pagdating sa hotel naubusan na kami ng room kaya naisipan namin nila Kiel na magtayo nalang ng tent sa labas kaming magtotropa at mga kaibigan ni Leah at iba pa naming kaklase.

Naggawa narin kami ng apoy at nagsiupuan sa palibot ng apoy at nagkwentuhan.

"Sinong gusto magkwento?" tanong ni Badeth.

Wala namang nagtaas ng kamay para magkwento kaya tahimik kaming lahat. Maya maya pa ay nagsalita ulit si Badeth.

"Ehhh kung mag spin the bottle nalang tayo?"nakangiti nyang sabi. Sumang ayon naman kami kaya kumuha kami ng isang bilog na table mula sa hotel at pumalibot kaming lahat dito. Pagkatapos kumuha naman si Jen ng bote at pinaikot naman ito ni Badeth. Pagkatapos umikot ng bote konting konti nalang at tatapat na to kay Leah pero sakin tumapat magkatabi kasi kami.

"Maco truth or dare?"tanong ni Badeth.

"Truth"sagot ko.

"Gusto mo ba si Leah?"tanong ni Badeth kaya napatingin ako kay Leah at tumingin din sya sa akin.

-------------------------

Leah POV

"Oo, gusto ko si Leah"sabi ni Maco kaya nagtilian na naman silang lahat habang kami ay nakatigin lang sa isa't isa.

"Ahhh forever na yan"sabi ni Jeck.

"Tanga, walang forever"sagot naman ni Jen.

"Bitter ka kasi"sabi naman ni Jeck.

"Oooh tigil na yan!"pananaway ni Monique. Kaya nagsitigil na kami maliban kay Eggpie.

"Nagpapansin kay Monique"sabi ni Ken matagal na kasing baliw na baliw si Eggpie kay Monique.

Pagakatapos ng gulo pinaikot na ni Maco ang bote dahil sa kanya tumapat kaya sya rin ang magpapaikot. Malapit na tumigil ang bote at .

"Yess buti di sakin tumapat"sabi ni Eunice pero tumapat ang bote sa katabi nyang si Monique.

"Truth or dare"tanong ni Maco kay Monique.

"Truth"may pangambang sabi ni Monique.

"Madali lang namam to ehhh!!! May pag asa ba sayo si Egg pie kahit konti?"tanong ni Maco.

-------------------------

Alfredo POV

"T*ngn*ng to si Maco" sabi ko na naiinis pero sa loob loob ko natutuwa ako sa tanong nya. Tumingin ako kay Monique para makita ang reaksyon nya pero nakayuko sya.

"Dapat totoo ha"sabi naman ni Bibot.

"Oo,may pag asa sya kaso pag di pa sya nagtino baka mawala narin"sagot ni Monique. Shit kinikilig ako kaylangan ko ng magpakatino.

"Ano Eggpie kinikilig?!" natatawang sabi ni Ken kaya nagsipagtawanan silang lahat eto ako nakayuko hiyang hiya.

-------------------------

Marcus POV

Matapos ang ilang ikot isa nalang ang di pa natatapatan at si Leah iyon. Ako na ulit ang magpapaikot ng bote sinasakto ko lang ang ikot para tumapat kay Leah. Pagkatapos ng ilang ikot boom sakto kay Leah.

"Leah truth or dare?"tanong ni Maco na nakatingin sa akin.

"Truth"sabi nya. Humarap ako sa kanya at humarap rin sya sa akin.

"Mahal kita ehh♥ Mahal mo rin ba ako?"tanong ko habang inaabot ang tatlong rose sa kanya. Habang ang iba naman ay nakatahimik hinihintay ang isasagot ni Leah.

"Oo ,mahal din kita"sabi ni Leah at kinuha ang 3 rose at niyakap ko sya. Ang lahat naman ay naghiritan ang iba ay sumisipol.

"Ang sweet"sabi ng iba. Maya maya pa ay dumating ang teacher namin at sinaway kami at pinapasok sa mga tent. Kaming dalawa ni Leah ang magkasama sa Kiel at Eunice ay nakita kong nasa labas pa. Si Leah ay nakaunan sa braso ko at hawak ang kamay ko. Pinapanood ko lang sya matulog hanggang sa nakatulog narin ako ng di ko namamalayan.

__________________





Mr.Gangster meets Ms.Sungit 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon