CHAPTER 21

3K 112 6
                                    

Kiel POV

Mga ilang araw lang kami dito lagi lang ako nasa bar. Habang yung iba ay nakikipagsaya kay Nini.

After three days ay umalis na kami habang nasa airport kami. Nakita ko si Nini alam ko sa sarili kong mahal ko parin sya.

Heto na siguro ang huling pagkikita namin. Paakayat na ako ng bigla akong hilain ng paa ko. Papalapit kay Nini at di ko napigilang yakapin sya.

"Nini mamimiss kita!"sabi ko sa kanya habang nakayakap.

"Mamimiss rin kita!"sagot nya naman.

"Kiel tara na!"sabi ni Maco.

Napatingin ako sa kanya at di ko nanaman napigilang halikan sya. Pagkatapos non ay tumakbo na ako pasakay ng eroplano.

Pagdating sa Pilipinas ay nagpahinga na kami kasi may pasok nanaman bukas.

Kinabukasan,ay nagising ako sa tunog ng alarm. Pagkagising ko akala ko katabi ko si Nini pero imahinasyon lang pala yon. Sobra ko na kasi syang namimiss magmula ng bumalik na kami sa Pilipinas.

Pag kaayos ko ay dumeretso kaagad ako sa room umupo sa isang tabi. Maya maya lang ay nagdatingan narin sila Maco.

Nagkukwentuhan lang sila habang ako nakaupo lang dito. Maya maya ulit ay dumating na ang aming guro at may kasamang babae na napakaganda. Ang pagkakakita ko sa kanya ay si Nini parang na love at first sight.

"Good morning class!! Sya ang new classmate nyo sya si Mei Soriano"sabi ni maam.

"Mula ngayon dun sya mauupo sa dating upuan ni Eunice" dagdag pa ni maam.

Pagupo nya don lagi kong nakikita sa kanya si Nini. Iniisip ko kung bakit? Baka kasi magkaugali sila tyaka pareho naman silang cute ehh.

"Kiel!!"panggugulat sakin ni Maco.

"Bakit?" tanong ko.

"Tulala ka na kay Mei."sabi nya.

"Hindi kaya" sagot ko.

"Kaya pala halos matunaw na sya sa mga titig mo."sabi ni Maco.

"Nako, nain love at first sight yan kaya ganyan"sabi ni Ken.

"Oo nga"pagsang ayon ni Niño.

"Mga ulol!"sabi ko. Napatingin naman sakin si Nini , ahhh este mei at inirapan ako.

"Owwwwwww!!!!!!"sabi nilang lahat.

"Kiel,inirapan ka"sabi ni Jen. Tumingin din sya kay Jen at inirapan si Jen. Susugurin sana sya ni Jen pero pinigilan na sya ni Jeck. Nagtawanan kaming lahat dahil don tapos hinawakan ko sya sa balikat sabay sabi ng pangalan nya.

"Awwwwww!!!"napasigaw nalang ako sa sakit dahil binali nya yung kamay ko marunong sya ng self defense.

"Wag mo nga akong hawakan"sabi ni Mei medyo tomboy yung pananalita nya.

"Hahahaha!!!"nagtawanan nanaman sila.

"Ano Kiel masakit hahaha!!!"sabi ni Allen.

Napangiti nalang ako dahil may kapalit na si Eunice sa puso ko. Sa isip ko pano ko makakadiskarte sa masungit pero cute na Mei na yon.

"Ano tol namomroblema kana?"sabi ni Maco. Napangiti ako dahil nakita ko si Maco na nagdaan din dati sa masungit na babae.

"Kayo sa likod nakikinig ba kayo?!?" galit na sabi ni maam.

"Ikaw Kiel sagutan mo tong nasa board!"sabi ni maam habang nakaturo sa blackboard. Kinakabahan ako dahil hindi ako nakapakinig kanina pa.

"Kiel!!"malakas na sigaw ni maam kaya napatayo ako at pumunta sa board. Nagtawan lang sila Maco sa likod kaya malakas na hinampas ni maam ang table sa harap kaya nagtigilan sila Maco. 

Nakaharap ako sa board ngayon at nag iisip ng wala. Ang tagal kong nakatayo don pakamot kamot lang ako don sa harapan.

"Ano Kiel walang masagot?" sigaw ni Eggpie.

"Eggpie warning kana!"galit na sabi ni maam napatahimik naman sya. Nakita ko na napapatawa si Mei,kasalanan nya to ehh.

"Mei bat ka natawa?!"sabi ni maam peri natawa parin si Mei.

"Mei tulungan mo si Kiel !"utos ni maam.

Wala rin syang nagawa kung hindi tumayo alam kong di sya nakikinig. Kaya hindi rin sya makakasgot kaya magagalit si maam. Pagdating nya sa pisara ay kumuha sya ng chalk at nagsolve. Napawow ako kasi kahit dinadaldal ko sya ay nakapagsagot parin sya.

"Maam tama po ba?"sabi ni Mei.

"Very good Mei"sabi ni maam na napangiti.

"Kaya ikaw Kiel tularan mi yang si Mei"sabi ni maam.

"Opo"sabi ko habang nagkakamot pagkaupo ko ay napatingin ako sa kanya. Napatingin din naman sya pero inirapan nya lang ako.

Gusto ko na talaga sya kaya pag napasakin sya di ko na papakawalan.

____________________________________















Mr.Gangster meets Ms.Sungit 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon