CHAPTER 9

6.2K 251 6
                                    

Wilbert POV

Heto kami ngayon hinahanap yung sumaksak kay Maco nasa kalagitnaan kami ng gubat. Malayo sa mga pulis ng makarinig kami ng mga naggagalawang halaman. Agad kaming lumapit para makita bigla nalang sumulpot ang isang kutsilyo na hawak ng lalaki. Maya maya pa ay lumabas pa ang dalawa na may hawak din na patalim. Syempre lima kami kaya luge sila pagsinasaksak ang isa susuntok naman ang isa galing sa likod. Si Kiel ang nakipaglaban sa sumaksak kay Maco. Nakatumba na ang tatlo at nakita kong lumapit si Kiel sa sumaksak kay Maco hawak ang isang pocket knife nakita kong pipigilan sana ito ni Ken pero pinigilan ko na si Ken.

"Alam nya ang ginagawa nya!"sabi ko kay Ken habang nakahawak sa balikat nito.

---------------------

Kiel POV

Galit na galit ako sa lalaking gumawa non kay Maco. Lumapit ako sa kanya hawak ang patalim itinayo ko sya at isinandal sa puno. Sasaksakin ko na sana sya pero naalala ko ang sinabi ni Maco.

Lumalaban tayo hindi para pumatay,lumalaban tayo para magtagumpay.

Pinatamaan ko sya sa tenga para makabawi man lang kahit paano. Maya maya lang ay nagsidatingan nadin ang mga pulis. Kinuha nila ang pocket knife na hawak ko at kinuha ang mga lalaki.

Pagkatapos ng lahat ay sumakay kami sa kotse namin at sumunod sa hospital.

Pagdating namin sa hospital nakita ko ang mommy ni Maco. Lumapit ako dito at umupo sa tabi nito.

"Kamusta na po si Maco?"tanong ko.

"Ok na sya , nakauwe narin si Leah at Eunice maigi pang puntahan mo sila Leah"

Pagdating ko sa condo dumiretso ako sa condo namin at nag ayos. Pagkatapos ko lumabas ako at pumunta kina Leah pagkatok ko nagbukas naman ito. Nakita ko si Leah na nakaupo sa upuan habang bakas parin sa mukha nya ang pagaalala.

"Leah ok ka na ba?"tanong ko.

"Di pa masyado"sagot nya ng biglang bumuhos ang luha nya. Kaagad akong lumapit sa kanya.

"Ohhh anong nangyare bat ka umiiyak?"sabi ko.

"Iniisip nya kasi na sya ang may kasalanan kung bat nangyare yon kay Maco"sagot naman ni Eunice.

"Ok nanaman sya eh, tyaka nahuli na ang mga gumawa non sa kanya"sabi ko.

"Yun naman pala eh"sabi ni Eunice. Tumahan naman sya at nagbukas ng tv. Pagbukas nakita na agad namin ang trahedyang nangyare kanina. Ang bilis kumalat ng lahat.

Habang nanonood kami ay may biglang kumatok.

"Ako na magbubukas" pagpipresenta ni Leah.

-----------------------

Leah POV

Pagbukas ko ng pinto nakita ko si mom at dad ko. Pinatuloy ko sila at pinakilala ko naman si Kiel.

"Mom dad si Kiel nga po pala bestfriend po ng boyfriend ko"sabi ko legal na kasi kami ni Maco.

"Magandang umaga po!"sabi ni Kiel.

"May gusto po ba kayo bibili po kasi ako ng makakain?"dagdag pa ni Kiel at sinabi naman namin ang gusto namin.

"Leah nabalitaan namin ng Dad mo nangyare sa bf mo,kamusta na ba sya?"tanong ni Mom.

"Di pa po alam ang kalagayan nya" sagot ko.

"Dalawin nalang natin sya mamaya"sabi ni Dad.

Maya maya pa ay dumating na si Kiel kumain kami at natulog muna dito sa condo namin. Paggising namin ay nagayos kami at pumunta sa hospital. Pagdating namin ay nakita namin ang mommy ni Maco. Nagkamustahan sila Mom at tita nagkwentuhan. Maya maya lang ay narinig kong nagtanong si Mom.

"Anong lagay ni Maco? Hanggang kaylan kayo dito?"magkasunod na tanong ni Mom.

"Di pa alam kung anong mangyayare pero gagawin daw nila ang lahat makakalabas kami dito pag ayos na si Maco"sagot ni Tita.

Yun ang naging daily routine ko at magpababalik sa hospital para alamin ang lagay nya. Kasama ko lagi ang barkada hanggang sa nalaman namin na ok na sya at kaylangan nya nalang magpahinga dahil sa nalaman kong iyon ay nagalak ako. Hinihintay nalang namin ngayon ang paglabas nya sa hospital.

Mr.Gangster meets Ms.Sungit 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon