CHAPTER 45

1.7K 67 11
                                    

Leah POV

Lumapit na sakin ang doktor kaya kinabahan na ako.

"Leah meron kang sakit sa puso" mahinahon na sabi ni Doc. Akin yong ikinagulat kaya na speechless ako.

"Pero Leah wag ka mag alala maari mong matanggal ang sakit mo sa puso" sabi ni Doc na nagpagaan ng loob ko.

"Pano po?" tanong ko.

"Madali lang lagi kang magpatingin sa Doktor at iwasan mo ang pagkaing matataas sa cholesterol, magkaroon ka ren ng regular na ehersisyo at wag ka magpapa stress" sabi ni Doc.

"Ok po salamat!" sabi ko. Napagpasyahan ko na wala muna akong pagsasabihan tungkol sa sakit ko kahit pa kay Maco kasi ayoko na mag alala pa sya.

Umuwi na ako at humiga sa kama hangganong yon nakatulog na nga ako. Pero di ko alam na nakatulog na ako stalker ko kasi si Author eh kaya alam nya na nakatulog ako.

---------------------------

Maco POV

Nasa bahay na ako kakauwi ko lang kaagad akong umakyat sa taas at naligo para fresh. Nang makahiga ako sa kama iniisip ko si Leah yung mga alaala naming dalawa. Hanggang sa nakatulog ako ng di ko namamalayan kasi sa sobrang antok na rin eh.

Kinabukasan, nagising ako sa sunod sunod na ring ng phone ko kaya tinignan ko yung message ko. Si Leah pala nagtext sa akin.

[ Maco samahan mo ako magjogging pupuntahan kita sa inyo] 1st text.

[Plssss!!! OTW na ako] 2nd text nya.

[Napansin ko kasi na nananaba na ako eh kaya samahan mo na ako. Dito na ako sa may kanto] 3rd text ni Leah. Kaya kaagad na akong bumangon at nag ayos. Paglabas ko nakita ko na si Leah na nag aabang sa labas.

"Kanina ka pa ba dyan?" sabi ko

"Ahhh hindi kakarating rating ko lang" sabi ni Leah.

"Tara na"sabi ko. Kaya sinabayan na nya ako mag jogging.

"Kamusta ang tulog mo kagabi?" tanong ko.

"Ayos naman ikaw nga yung kasama ko sa panaginip ko" sabi nya.

"Hahaha!!! napadalaw lang naman ako sa panaginip mo lagi ka kasing nasa panaginip ko eh" sabi ko.

"Kikiligin na ba ako?" tanong nya.

"Kahit wag mo na itanong, nagbablush kana kaya!" sabi ko sabay tawa napangiti naman sya.

---------------------------

Leah POV

Nagjojogging parin kami ng makaramdam ako ng pagod siguro ok na yung jog na yon.

"Maco tara na uwi na tayo" sabi ko.

"Geh, dun nalang tayo sa bahay" sagot ni Maco. Kaya naglakad nalang kami pauwi.

Nang makarating kami don ay nakita ko na sila tita at tito.

"Good morning tita at tito!" sabi ko.

"Good morning Leah! Leah Mom nalang itawag mo sakin at Dad nalang sa kanya" sabi ni Tita at tumuro kay Tito.

"San kayo galing?" sabi ni Dad.

"Nagjogging po kami nagyaya kasi to si Leah eh" sabi ni Maco.

"Sakto ang uwi nyo tara nat kumain" sabi ni Mom. Kaya nagkainan na kami ang sarap ng ulam kaso bawal sakin kaya kokonti nalang kinain ko pero nang tapos na ako biglang nagsalita si Mom.

"Leah kain ka pa oh, alam ko namang paborito mo to eh" sabi ni Mom. Di ko naman masabi yung tungkol sa sakit ko. Kaya napakain nanaman ako kasi wala na akong no choice eh. Nang matapos na akong kumain nag paalam na ako na uuwi na.

Hinatid naman ako ni Maco sa may labas nila at kiniss ako sa noo at niyakap ako kaya yumakap nalang din ako tapos yon umuwi na nga ako. Tas nakareceive ako ng message kaya kaagad kong binasa kala ko si Maco si Raymond pala. Nagtext sabi nya uuwi na daw sya sa Pilipinas galing kasi syang America. Kaya sa isip isip ko nako manonosebleed ako dito.

____________________________________

A/N: Salamat sa mga patuloy na bumabasa kahit na nagbago yung tema ng storya ko. SALAMAT SA INYONG LAHAT.












Mr.Gangster meets Ms.Sungit 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon