CHAPTER 17

3.7K 146 3
                                    

Leah POV

Hinatid ako ni Maco sa bahay namin para dun narin maghapunan. Pagpasok namin nakita kong naghahain na sila mom.

"Baby andyan na pala kayo?"sabi ni mom.

"Kakarating lang po namin"sabi ko.

"Tara kumain na tayo"sabi ni mom.

Habang nakain kami ay nagkukwentuhan kami.

"Ano baby ok ka na ba?"sabi ni dad.

"Opo"sabi ko. Nakita ko namang tumingin sila kay Maco at nagngitan sila.

Pagkatapos kumain ay nagpaalam muna kami para umalis. Pumunta kami sa tropa at tumabay sa may court at nagkwentuhan.

"Guys ang sisweet nyo naman"sabi ni Badeth. Pagkasabi nyang yon ay tumayo si Allen at tumabi sa kanya. Naghiritan nama ang lahat lalo na nung hinawakan ni Allen ang kamay ni Badeth.

----------------------------

Maco POV

Tinext ko muna si Nini para isama at makausap.

Nini pwede ba tayong magusap? Wag mo nang sabihin kina Kiel at sa iba.

Kaagad naman syang nagreply.

Oo naman...Saan ba?

Sumama ka sa akin sa kotse...tapos bibili narin tayo.

Nasa kotse ako at nakita kong tumayo si Nini at sumakay sa kotse.

"Anong paguusapan natin?"sabi ni Nini.

"Alam mo na ba yung kay Leah?"sabi ko.

"Yung pag punta nya ba sa Canada"

"Oo, alam mo na pala"

"Di nya paba nasasabi sayo na kasama ako"

"Ha kasama ka?"

"Oo nga"

"Nasabi mo na ba kay Kiel?"

"Hindi pa nga eh baka pwedeng tulungan mo ako"

"Magusap kayong dalawa"

"Oo, mamaya na!"

"Masasaktan kami ni Kiel sa pag alis nyo"

"Wag ka nang malungkot,babalik rin naman kami ehhh"

"Ok"

Pag dating sa McDo umorder na kami. Umorder kami ng marami kasi nga ilang araw nalang aalis na si Leah.

Pagkaorder namin ay bumalik na kami sa tambayan. Habang nasa daan kami ay nagkukwentuhan kaming dalawa. Pagdating sa tambayan agad kaming kumain.

Pagkatapos kumain ay nagayos na kami dun kasi kami matutulog.

Habang nakahiga kami sa labas at nakaunan sya sa braso ko.

"Mami miss kita ng sobra" sabi ko.

"Ako ren mami miss kita ng sobra"sabi nya naman.

"Mga ilang taon ba kayo don?"tanong ko.

"Don na daw ako gagraduate"sagot nya.

"Di uuwe na rin kayo pagka graduate mo"sabi ko.

"Oo nmn"sagot nya.

"Tulog na tayo"sabi ko pero pagtingin ko sa kanya tulog na sya. Ang ganda nya talaga kahit tulog. Mga ilang minuto ko rin pinagmasdan ang mukha nya hindi talaga iyon nakakasawa. Napatingin ako sa labi nya at hindi ko napigilang halikan iyon. Pagkatanggal ko ng labi ko ay nakita kong ngumiti sya.

"Kala mo tulog na ako no?"nagulat ako sa sinabi nyang yon di papala sya tulog.

"Sorry ha"sabi ko naman.

"Wala yon"sabi nya tapos bumawe ng halik kaya napangiti ako at natulog na kami.

--------------------------

Eunice POV

Nasa ilalim kami ng puno sa madalas pinupuntahan nila Leah. Hindi ko alam kung pano sasabihin kay Kiel ang pag alis ko.

"Kiel may sasabihin ako sayo?"malungkot kong sabi at napatingin naman sya.

"Ano yon,may problema ba?"sabi nya.

"Kiel ka-kasi aalis ako pupunta akong Canada,sana maintindihan mo?"sabi ko habang nakatingin sa mga mata nya.

"Ok lang yon nasabi na ni Maco sakin kanina , nasabi nya na rin na babalik din kayo"sabi nyang nakangiti.

"Walang ya naman yun si Maco kabado pa naman ako tapos alam mo nanaman pala"sabi ko.

"Ok lang yon"sabi nya na nakangiti at hinawakan nya ang kamay ko tapos kiniss nya ako ng mabilis. Ngumiti naman ako sa kanya at ngumiti rin sya sa akin.

"Tara tulog na tayo intrams na natin bukas e"sabi ni Kiel tumango naman sya at nagtungo na kami sa tent at natulog. Nakaunan sya sa braso ko habang hawak ko ang kamay nya.

-------------------------

Maco POV

Maaga akong nagising dahil sa alarm ko magyetraining kasi kami. Pagkagising nilang lahat ay nagjog kami at nagstretch tas ay nagayos na para pumasok.

Pagdating sa school ay nakajersey na kaming lahat. Sabay sabay kaming pumasok sa school at pinagtitinginan kaming lahat.

Nagumpisa na ang game kami ang unang laban kaya nagusap na kami.

First Five
Maco
Kiel
Bibot
Niño
Renz

Nagumpisa na ang laban nagjumble na kami pagtapik ko ng bola ay pumunta kay Kiel at ni lay up na ito. Mula umpisa palang ay alam na naming panalo na kami at nanalo naman kami.

Pagkatapos non ay naglaro na ang ibang grade. Nang matapos na ang lahat ang makakalaban namin ay grade 12. Grade 10 lang kami kaya medyo malabo na magchampion kami. Bukas pa naman ang championship pero kaylangan naming galingan.

Pagkatapos ng basketball ay volleyball nanaman nanalo ang grade 7 sa grade 8.

-------------------------

Leah POV

Maguumpisa na ang game namin at kalaban namin ang grade 10. Alam namin na sure win kami kasi nakikita na namin sila maglaro. Habang tumatagal ay palaki ng palaki ang lamang namin. Nang matapos ang game ay nanalo kami kaya nag uwian na kami para kumain.

Dumeretso na nanaman kami sa tambayan namin para dun na magpahinga. Lahat kami nagkwentuhan tungkol sa laro habang nakaupo paikot.

Magkatabi nanaman kami natulog ni Maco sa labas ulit.

"Maco ang galing mo kanina ha"sabi ko.

"Ikaw den"sabi nya naman.

Habang nakatingala ako ay may nakita akong magkadikit na bitwin.

"Nakikita mo ba yung bitwin na yon, yung magkadikit"sabi nya.

"Oo,bakit"tanong ko.

"Habang nakikita mo yan, kahit gano pa tayo kalayo isipin mo lang na nasatabi mo ako palagi"sabi nya kinikilig na naman ako.

"Ang sweet mo naman"sabi ko at tumingin sa kanya tapos nginitian nya ako kaya ngumiti rin ako.

Di ko na namalayan na nakatulog ako katabi sya pero wala na yon.

___________________________________

Mr.Gangster meets Ms.Sungit 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon