CHAPTER 37

1.9K 81 7
                                    

Kiel POV

Nagising ako sa malakas na alarm ginising ko na kaagad si Mei. Lumabas kami at ginising na yung iba naming mga kasama.

Kaagad kaming nagsiayusan dumeretso naman kami kela Mei sa bahay nila. Kaagad naming kinuha yung mga gamit para sa pag alis nya.

Magkatabi kaming umupo sa dulo at tila sinusulit namin ang bawat segundo. Nang makarating na kami ay kaagad kong niyakap ng mahigpit si Mei.

"I love you! Mamimiss kita!"sabi ko.

"I love you too! Mamimiss rin kita! Tyaka wag kang mag alala magkikita pa naman tayo eh"sabi ni Mei.

"Group Hug!"sigaw ng mga kasama ko. Bumilog kaming lahat at nagyakapan. Halos napansin ko na pinagtitinginan na kami.

"Tama na guys! Baka maiwanan pa si Mei"sabi ko.

"Ayaw pa?!"sabi ni Jeck habang nakaakbay kay Jen. Di nga namin alam kung sila talaga eh.

"Jeck makaakbay ha"sabi ni Mei. Tas nagtawanan kami.

"Kami naman ah"sabi ni Jeck.

"Ang kapal mo talaga "sabi ni Jen habang nakatingin kay Jeck.

"Sabi mo tayo na?!"sabi ni Jeck na tumingin din kay Jen.

"Ni di ka pa nga nanliligaw eh"sabi ni Jen kaya nagtawanan nanaman kami habang si Jeck ay nakamot ng ulo.

Tapos yon sumakay na si Mei sa eroplano. Sana talaga magkita pa kami bala na si batman.

---------------------------

Maco POV

Heto kami ngayon masaya parin pero si Kiel mukang hindi. Pangalawa na kasi yon eh sana talaga mahanap na nya yung babaeng para sa kanya.

Naisipan nalang naming gumimik sinama namin si Kiel. Nagroadtrip kaming papunta kung saan saan dalawang van na kami gawa nila Rocky. Nang matapos ang magdamag na sayahan napatawa na rin namin si Kiel. Nang maggabi na nagpunta kami sa Tagaytay sa Peoples Park. Umakyat kami sa taas buti nalang may photographer na kasama si Rocky si Randy. Pagkatapos magpicturan naghiwahiwalay muna kami. Halos lahat may partner na si Rose Marie nalang ang wala.

-------------------------

Rose Marie POV

Lumapit sakin si Rocky at inabot ang kamay nya.

"Tara sama ka sakin"sabi ni Rocky, iaabot ko na yung kamay ko ng dumating si Bibot.

"Rose sakin ka na sumama"sabi ni Bibot sabay abot ng kamay nya pakiramdam ko tuloy ang haba ng hair ko. Kaya inabot ko yung kamay ni Bibot.

"Ano ka ba ako ang nauna ah"saad ni Rocky sabay tulak kay Bibot.

"Eh sakin sumama eh" sabi ni Bibot at tinulak din si Rocky. Magsusuntukan na sana sila ng dumating si Maco.

"Itigil nyo nga yan!"sabi ni Maco kaya tumigil naman sila. Di ko alam ang gagawin ko kaya kaagad akong tumakbo palayo.

"Rose!"sigaw ni Bibot at Rocky. Pero pinigilan na ata sila ni Maco kasi gusto ko mapagisa. Nang makalayo ako sa kanila may tatlong lalaking lumapit sakin pero isa lang yung nakipagusap sakin. Medyo kinabahan ako pero nginitian nya ako kaya nakampante ako.

"Hi! Ako nga pala si Romy" nakangiti nyang sabi sabay abot ng kamay.

"Ako naman si Rose Marie but you can call me Rose" sabi ko sabay aboydin ng kamay.

"Nakita ko yung nangyare kanina ahhh, gusto mo ba sumama sakin?"sabi ni Romy.

"Sure"sabi ko nalang para makalayo.Nang pababa na kami may naisip ako.

"San nga pala tayo pupunta?" tanong ko.

"Basta"sabi nya sabay hawak sa kamay ko. Yung dalawa naman ay nakasunod samin.

---------------------------

Bibot POV

Nakaupo ako sa isang upuan ng makita ko si Rose Marie na hawak ng isang lalaki. Pero di man lang sya nanlalaban . Bakit kaya??

Kaagad akong tumakbo palapit sa kanya pero ng makarating ako ay pasaky na sila.

"ROSE!"sigaw ko.

Napatingin naman sya pero kaagad syang ipinasok dun sa van. Kaya tumakbo ako palapit pero isang lalaki ang naglabas ng baril at binaril ako. Katapusan ko na siguro?? Sana mailigtas si Rose, pero sinong magliligtas.

__________________________________

A/N: Gagawa na ako ng second story ko abangan nyo ( FALL INLOVE WITH MY BESTFRIEND )
Salamat narin sa patuloy na bumabasa at nag vovote.













Mr.Gangster meets Ms.Sungit 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon