CHAPTER 36

1.9K 94 7
                                    

Jen POV

Nasa tent ako iniisip parin yung mga nangyayare kanina ng biglang.

"Jen"sabi ni Jeck na papasok sa tent.

"Bakit?"masungit kong sabi.

"Ahhh, magsosorry lang sana ako kasi. Kasi kanina baka nainis ka" sabi nya.

"Ewan ko sayo"sabi ko.

"Pakipot ka pa eh! Sorry na oh"sabi nya.

"Burahin mo muna" sabi ko.

"Nabura ko na kanina pa!" sabi nya.

"Patingin nga"sabi ko.

--------------------------

Jeck POV

Lumapit ako kay Jen at umupo sa tabi nya. Tas pinakita ko sa kanya yung gallery ko. Habang naghahanap sya ng pic ay napahikab ako at nagbanat ng kamay. Tas deretso sa balikat ni Jen para makaakbay.

"Hokage ka ren eh no?!" sabi nya sabay tayo at tipong palabas. Pero bago pa man sya makalakad ay hinawakan ko na ang kanyang kamay.

"Usap tayo oh" sabi ko.

"Ano namang paguusapan natin?!" sabi nya.

"Basta! May sasabihin ako sayo" sabi ko kaya umupo nalang sya sa tabi ko.

"Jen, gusto kasi kita" sabi ko.

"Wag ka nga magpatawa"sabi nya.

"Hehehe!"tawa ko sabay labas nalang ng tent. Wala lang akong mapapala don masasayang lang oras ko. Ang dami pa namang babaeng naghahabol sa akin.

"Di ka kawalan"sigaw ko.

"Hoy"sigaw sakin ni Ken.

"Ano nanaman yan?" sigaw din sakin ni Bibot. Kaya napatigil ako at lumapit sa kanila.

"Anong problema?"tanong ni Monique.

"Wala"sagot ko.

"Inom tayo?!" pagyayaya ko sa kanila.

"Geh"sabi ni Kiel.

"Tara Jeck bili tayo"sabi ni Niño.

"Tara tara"sabi ko naman. Kaya nagmotor kami ni Niño angkas ko sya. Pumunta kami sa AlfaMart para makabili ng San Mig Light dalawang case. Yas bumalik na kami kela Maco ng makarating kami kaagad kaming naginom.

Halos magkasayahan kami at magkwentuhan kami habang nag iinuman.

Sa kalagitnaan ng pagsasaya namin ay biglang tumayo si Leah at pumunta sa malayo. Kaagad namang sumunod si Maco kay Leah.

---------------------------

Maco POV

Sinundan ko si Leah na pumunta sa malayo.

"Ok ka lang ba??" sabi ko kaya humarap sya sakin pero kaagad syang sumuka sa damit ko.

"Sorry ha" sabi nya tas tumalikod sakin habang sumusuka. Kaya hinaplos ko nalang yung likod nya.Hinubad ko nalang yung t-shirt ko.

"Ok ka na ba?"sabi ko.

"Oo ok na ako! Sorry nga pala ha" sabi nya.

"Wala to" sabi ko sabay punas ng damit ko sa gilid ng labi nya para tanggalin yung tira tirang suka.

"Tara tulog na tayo?"sabi ko sa kanya tas inalalayan ko sya pagpunta sa tent. Habang naglalakad kami napadaan kami kila Kiel.

"Mga tol tulog na kami ha" sabi ko.

"Geh"sabi ni Eggpie.

"Hoy kayo patulugin nyo na yang mga girls" sabi ni Leah.

Dumeretso kami sa tent ni Leah hiniga ko sya sa lapag at tinabihan ko na sya.

"First time mo ba?" sabi ko.

"Oo"sabi nya.

"Sorry ha, di ko alam eh" sabi ko.

"Ok lang yon" mahina nyang sabi.

"Geh tulog ka na. Love You!"sabi ko.

"Love You Too"sabi nya napatingin ako sa kanya tulog na pala sya. Ang ganda talaga nya kahit tilog sya napatingin ako sa labi nya.

Dahan dahan kong nilapit yung labi ko sa noo nya at kiniss ito. Ilang minuto ko rin pinagmasdan ang napakaganda nyang mukha at natulog narin ako.

-----------------------

Kiel POV

Napansin ko si Mei na tila tahimik na. Na kanina ay masigla pa sa zombie ng train to busan.

"Mei"sabi ko.

"Oh?"sabi nya.

"Ok ka pa ba?"sabi ko tas umiling sya kaya nilapitan ko sya at binuhat papuntang tent. Hiniga ko sya sa lapag at tinabihan ko naman sya.

"Mei ano na sabi ng mom mo?"sabi ko.

"Oo nga pala no,anong oras na nga pala?"parang nagising sya sa pagsambit nya ng mga katagang yon.

"Tawagan mo na, bilis!"sabi ko kaya kaagad nyang kinuha yung phone nya at tinawagan si tita.

(Hello! Mom?)sabi ni Mei. Kaya pinaloud speaker ko.

(Oh! Baby? Ayos na ba yung mga gamit mo?)sabi ni tita.

(Mom, pwede po bang di na ako tumuloy. Wala nanaman po si kuya at dad eh) sabi ni Mei.

(Baby di pwede alam mo namang naayos ko na lahat)sabi ni tita napatingin naman sakin si Mei.

(Ok po mom, bye po . Love you po)sabi ni Mei.

(Love you too baby)sabi ni tita. Tas inend call na ni Mei .

Kaagad akong niyakap ni Mei kaya niyakap ko rin sya.

"Ok lang yon Mei, magkikita pa naman tayo eh"sabi ko.

"Oo nmn"sabi nya tas nagakatinginan kami. Napatingin ako sa labi nya at napatingin din sya sa labi ko. At dahan dahan itong naglapit hanggang sa ito ay magdikit. Ang tagal namin na nakaganon. Pagkatapos non ay natulog kami habang magkatabi . Nag alarm nalang kami ng 6:00.

Nagsitulugan narin siguro sila Ken. Tumahimik kasi ang labas at wala na akong marinig na mga tinig kaya nakampante ako na matulog sa tabi ng mahal ko.

__________________________________

A/N: Pasensya na sa mga wrong typos. Salamat sa mga patuloy na bumabasa,nagvovote at comment. Sana ipagpatuloy nyo lang ang pagbasa nitong story.

Balak ko sanang gumawa na ng second story kaso di ko alam kung ano ang magandang category. Request kayo plss para maumpisahan ko na yung second story ko.

Thankz too all!




















Mr.Gangster meets Ms.Sungit 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon