CHAPTER 8

6.6K 278 10
                                    

Kiel POV

Heto kami ni Eunice nasa labas pa naguusap. Nakaupo kami sa labas nakahiga sya sa balikat ko.

"Eunice ang sweet nila Maco at Leah kanina no?"sabi ko.

"Bakit naiingit ka ba?"tanong nya.

"Oo,ano tayo na ba?"tanong ko na nakatingin kay Eunice.

"Lol,di ka pa nga nanliligaw eh"natatawa nyang sabi sakin.

"Di mo namang sinabing pwede na akong manligaw eh"sabi ko.

"Tinanong mo ba?"tanong nya nanaman sakin habang natawa.

"Pwede na ba kitang ligawan?"seryoso kong tanong.

"Oo naman."seryoso nya ring sagot habang nakayuko.

-------------------------

Eunice POV

Ang sweet ni Kiel kinikilig ako kaya yumuko nalang ako para di mahalata.

"Eunice malamok na pasok na tayo sa tent"nagyayayang sabi ni Kiel. Kaya tumango na ako at pumasok na kami sa loob pagdating namin si Leah lang ang nandon.

"Nasan si Maco?"tanong ko kay Kiel.

"Nasa labas lang siguro yon"sagot ni Kiel.

"Masama to!!"sabi ko.

"Bakit?"nagtatakang tanong ni Kiel.

"Binangungot kasi si Leah kaninang umaga nasaksak daw si Maco, pwede bang hanapin mo muna sya"sabi ko at tumango naman sya at lumabas.

Nakatulog ako katabi ni Leah.

------------------------

Daniel POV

Nagising ako na katabi si Leah pinipilit ko pa matulog pero ayaw na akong patulugin. Ang ganda talaga ni Leah kahit tulog bumangon muna ako at lumabas. Nakita ko si Kiel at Eunice naguusap kaya di ko na ginulo. Nagpunta ako sa gubat sa likod ng hotel malayo layo sa tent namin nagiisip ng kung ano ano.

*After 30mins*

Sunod sunod na sigaw ng pangalan ko ang narinig ko. Hinanap ko kung saan nagmumula ito maya maya lang ay nakita ko si Kiel sinenyasan ako na lumapit sa kanya.

"Tara balik na tayo sa tent"pagyayaya nya sa akin tumango naman ako bumalik sa tent. Pagdating namin si Eunice nalang ang natutulog wala si Leah. Hindi na namin ginising si Eunice pero ginising namin ang tropa pero si Ken at Bibot lang ang nagising. Naghiwahiwalay kami para makita si Leah si Kiel sa harap ng hotel ako sa likod sa magkabilang gilid naman yung dalawa. Habang naglalakad ako may narinig akong babae na nagsisisigaw.

"Tulong!!tulong!!"palapit ng palapit sa akin yung boses. Boses ni Leah palingon lingon naman ako para makita. Sa wakas nakita ko sya may humahabol na tatlong lalaki. Kaagad akong lumapit sabay hila sa kanya at takip sa bibig at nagtago sa malalaking puno. Akala namin ay umalis na ang mga lalaki kaya lumabas na kami.

"Huli ka balbon"narinig kong sabi ng isang lalaki nakapalibot sila samin ni Leah.

"Ibigay mo na samin yang babae para di ka na masaktan"sabi ng lalaki pero nasa gitna lang kami at paikot ikot.

Maya maya ay lumapit ang lalaki at sinuntok ako pero bago pa man dumikt sa akin ay nakailag ako sabay suntok sa sikmura at siko sa mukha paulit ulit na ganon hanggang isang lalaki ang naglabas ng pocket knife. Dahil nakatutok ako sa may hawak ng pocket knife ay di ko na malayang mahahawakan na ako ng dalawa nyang kasama. Lumapit ang lalaki at pinagsasaksak ako. Narinig ko nalang na may tumatawag sa pangalan ko at pangalan ni Leah. Si Leah naman ay narinig kong humahagulgol ng iyak. Nakita ko nalang na tumakbo na yung tatlo.

-----------------------

Leah POV

Iyak lang ako ng iyak dahil sa nangyare ng makita ko sila Kiel at madami pa syang kasama binuhat nila si Maco.

"Leah sinong may gawa?"tanong ni Kiel.

"Tatlong lalaki"sabi ko na patuloy parin sa pagiyak.

"San sila pumunta?"tanong ni Jeck at tinuro ko kung saan pumunta yung tatlo.

Ang daming nagdatingan na pulis at ambulansya isinakay sya at naiwan ako. Kasama ko sila bes.

"Tahan na"
"Ok lang yan"narinig kong sabi nila.

"Bes kasalanan ko to!"sabi ko habang naiiyak.

"Leah wag mo sisihin ang sarili mo wala kang kasalanan"sabi ni Eunice then sumunod narin kami sa ospital. Pagdating namin don nakita ko ang mommy at daddy nya at lumapit sa akin.

"Ikaw ba si Leah?"tanong nila kaya tumango nalang ako.

"Alam mo bang lagi ka nyang kinukwento samin ikaw yung nagpapabago sa ugali nya, ikaw din yung kaunaunahang babae nyang minahal"sabi ng mommy nya. Dahil sa mga narinig ko lalo pang bumuhos ang luha ko.

"Kasalanan ko po ang lahat kung di dahil sakin di sana sya nasaksak, sorry po patawaren nyo po sana ako"sabi ko habang naiyak parin.

"Wala kang kasalanan walang may gusto na mangyare yon kaya tumahan kana"sabi niya.

Pagkatapos ng mahabang paghihintay lumabas din ang doctor. Lumapit ang mga magulang nya pati ako.

"Kamusta po ang anak ko?"tanong nung mommy nya.

"Masama ang tama nya kaya di ko masasabi kung anong mangyayare sa kanya pero gagawin po namin ang lahat para sa anak nyo"sabi ng doc.

"Leah pwede ka ng umuwi baka hinahanap ka na ng mommy mo"sabi ng mommy nya.

Sige po ingat po kayo,babalik nalang po ako bukas"sabi ko at umalis na tumutulo parin ang luha. Pagdating sa bahay ay nakatulog ako sa sobrang pagod ko.

Mr.Gangster meets Ms.Sungit 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon