CHAPTER 46

1.7K 57 5
                                    

Raymond POV

Nasa may  malapit na ko kela Leah ng makita ko sya na papasok sa bahay nila.

Ako nga pala si Raymond Nevalga kababata ko si Leah kaso lumipat kami sa America.kaya nagkalayo na kami

"Leah!" sigaw ko sabay takbo papalapit sa kanya tas napalingon sya sakin at niyakap ko sya ng mahigpit.

"I miss you Leah"sabi ko habang nakayakap sa kanya.

"Miss you too, laki mo na ah" sabi nya.

"Hahaha! Dati hanggang leeg mo lang ako eh"sabi ko.

"Kaya nga eh!" sabi nya sabay tawa.

"Tara na pasok na tayo sa loob" sabi pa nya. Kaya pumasok na kami tas nandon din si Mom at Dad.

"Tita!Tito!" sabi ko.

"Oh! Raymond ikaw na ba yan" sabi ni Tito.

"Opo, Tito"sagot ko.

"Dati ang liit mo pa ah" sabi naman ni Tita.

"Oo nga po Mom eh mas malaki na sya sakin" sabi ni Leah tas nagtawanan na kami.

"Raymond kumain ka na ba?" tanong ni Tita.

"Di pa nga po eh" sabi ko.

"Sakto dating mo nakaluta na si Ate Rose" sabi ni Tita. Kaya pumunta na kami sa lamesa at nagumpisa nang kumain.

"Kamusta ba kayo don?" sabi ni Tito.

"Ok naman po" sagot ko.

"Raymond may girlfriend ka na ba?" tanong ni Tita.

"Ahhh ehhh wala pa po" sabi ko.

"Ehhh daig ka papala ni Leah eh" sabi ni Tito. Kaya ibig sabihin may boyfriend na pala sya . Ang sakit non sakin ang tagal ko pa namang hinintay to tas ganon maaabutan ko. Kaya nalungkot ako bigla.

"Dad nmn eh, tignan mo nalungkot tuloy si Raymond"sabi ni Leah kaya bigla akong ngumiti para ipakita na kunware masaya ako. Tas yon natapos na kami kumain dinala na nila ako sa magiging kwarto ko. Kaya inayos ko na yung mga gamit ko.

"Bukas mamamasyal tayo" sabi ni Tito.

"Sige po" sabi ko.

---------------------------

Leah POV

Parang kanina lang eh magkasama kami ni Maco. Pero miss na miss ko na sya agad kaya nagtext ako.

[Maco sama ka bukas?] text ko.

[Geh, san ba?] reply ni Maco.

[Ewan ko pa eh si Dad ang bahala] text ko.

[Bat parang biglaan?] reply ni Maco.

[Kasi umuwi yung kababata kong si Raymond galing America kaya ipapasyal namin sya] text ko.

[Leah wag na kaya ako sumama baka makaistorbo lang ako sa inyo] reply ni Maco.

[Hindi naman siguro, para makilala mo narin yunh kababata ko] text ko.

[Geh na nga, text mo ko bukas kung anong oras ha. Mamaya punta ka sa may tambayan] reply ni Maco.

[Geh, pero magpapaalam muna ako ha] text ko.

[Geh! Text mo ko pag pinayagan ka ha] reply ni Maco.

[Ok] text ko. Kaagad akong  bumaba para magpaalam. Napadaan ako sa kwarto ni Raymond at nakita ko sya na natutulog. Ang cute nya paren. Pagkababa ko nakita ko si Dad sa sofa na nanonood ng T.V.

"Dad!" sabi ko.

"Bakit Leah?" tanong ni Dad.

"Kasi po, magpapaalam sana ako na umalis kasama ko nmn po si Maco." sabi ko.

"Leah pwede bang asikasuhin mo nalang muna si Raymond" sabi ni Dad.

"Sige po Dad ok lang po" sabi ko. Kaya kaagad akong nag text kay Maco.

[Maco baka di ako makapunta sabi kasi ni Dad na asikasuhin ko muna si Raymond] text ko.

[Ok lang, wala rin naman akong magagawa eh. Geh ingat ka nalang. Love you<3] reply ni Maco.

[Ok, salamat sa pag intindi. Love you too<3] text ko. Alam kong malulungkot si Maco pero wala akong magagawa.

____________________________________

A/N: Sorry sa sobrang napakatagal na UD naging busy lang po si Mr. A. Sana patuloy nyo paring suportahan yung story ko. Belated Merry Christmas and Happy New Year.
















Mr.Gangster meets Ms.Sungit 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon