CHAPTER 47

1.5K 52 8
                                    

Maco POV

Sa wakas bakasyon na namin, ilang araw na lang din pasko na.
Papasok na ako ng tent ng naalala ko sila Kiel baka pwede isama. Kaya kaagad akong nagtext kay Leah.

[Leah pwede ko ba isama ang tropa] text ko.

[Ahhh, sige bala ka! Tulog na ko, Good Night I Love You] mabilis nyang reply.

[Ahhh ok! Good Night I Love You Too]  text ko.

Habang nakahiga ako sa kama iniisip ko na kung anong mangyayare. Sa isip isip ko magiging masaya kami. Sa kakaisip ko nakatulog na ako.

Pagising ko kinabukasan kaagad akong nag ayos . Habang kumakain ako bigla namang nagtext si Leah. Hinahanap na ako kaya dali dali akong lumabas na sakto naman dating nila Kiel.

Dinala namin yung van ako ang driver nasa likod na yungvmga gamit. Dumeretso na kami kila Leah , pagdating namin don ay ayos narin sila dala nila yung toyota.

Bumaba muna kami sinabi na ni tito kung san ang mga pupuntahan namin, at kung gano kami magtatagal sa isang lugar para masulit ang araw.  Sa EK, basta yung mga tourist spot sa Luzon sa CALABARZON muna.

"Maco Raymond nga pala kaibigan ko from America "sabi ni Leah habang naka turo kay Raymond nga.

"Raymond Maco nga pala yung bf ko" pagpapakilala ni Leah sakin.

"Tara na alis na tayo, para madami pa tayong mapuntahan" sabi ni Tito.

Kaya nagsisakayan na kaming lahat dagil taga Laguna kami inuna na namin ang EK. Habang nasa daan kami, nauuna sila Tito samin. Si Tito ang driver kaya sigurado akong nasa back sit si Leah at alam kong kasama nya don si Raymond. Dun palang nagselos na ako. Medyo mabilis lang byahe kaya kaagad kaming nakarating, pero nauna na sila Tito. Pagdating namin don nagsibabaan na kami nasa loob na ata sila Leah. Pagpasok ko nagrides na sila ako naman hinahanap sila Leah. Sa kahahanap ko nakita ko sila Tito at Tita.

"Tito tita! Asan po si Leah?" tanong ko.

"Ahh kasama sya ni Raymond"sabi ni Tito.

"Pero di namin alam kung nasaan sila" dagdag pa ni Tita.

"Ahhh sige po salamat nalang" sabi ko.

Hanggang sa nagikot pa ako ng nagikot. Ang dami kasing tao kaya medyo nahirapan ako. Pero nang makita ko si Leah kasama nya si Raymond magkaholding hands sila habang nakain ng ice cream. Kaya parang bigla akong nagselos pero wala akong magawa. Baka kasi dahil lang yon sa sobrang pagkamiss nila sa isa't isa kaya ganon. Kaya ayon lumayo nalang ako. Sumakay ako ng ibat ibang rides pero diparin mawala sa isip ko yung nakita ko kanina ehh.

Matapos namin sa EK dumeretso kami sa Calamba at kung saan saan pa. Hanggang sa mag gabi na yung kanina parin yung nasa isip ko. Di man lang kami nagkausap ngayong araw na to. Dahil sa hindi ko magawang sumingit sa pag uusap nila ni Raymond kaya yon nakatulog ako ng di ka mawala sa isip ko.

____________________________________

A/N: Salamat po sa patuloy na bumabasa at sumusuporta sa story ko. Sorry sa matagal na UD.
Abangan nyo po sana ang last 3 chapters ng story ko. SALMAT. KAMSAHAMNIDA♥

Mr.Gangster meets Ms.Sungit 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon