CHAPTER 31

2.5K 103 4
                                    

Maco POV

Kakagising ko lang napakadilim pa nga sa labas. Matutulog na sana ako ng mag ring ang cellphone ko. Kinuha ko yung phone ko may tumawag sakin di ko masyado makita kaya sinagot ko nalang .

(Hello)sabi ko.

(Ano Maco? Asan kana?)sabi nya inisip ko muna kung sino . Alam ko na si Leah pala yon may usapan pala kaming lahat.

(Oo! Papunta na ako!)sabi ko.

(Bilisan mo na!)sabi nya kaya inend call ko na. Tinignan ko ang oras. Inis naman 6:00 na pala. Kaagad akong naligo paspasan nga tayaka sipilyo.

Kaagad akong bumaba at buti nakapagluto na si manang kaya nakakain ako. Nang lumabas ako nagulat nalang ako ng makita ko silang nasa labas na. Napakabaliw talaga ni Leah hindi sinabi na nandito na sila. Nailabas narin nila yung van namin.

Nag roadtrip muna kami pumunta kaming Tagaytay,inikot din namin ang Laguna.

Nang magdilim na dumaan muna kami sa KFC at umorder ng 3 bucket. Dumeretso narin kami sa tambayan kaso di pa namin kasama si Bibot.

Ang tagal na naming nagkokwentuhan wala parin si Bibot. Kaya kumain na kami, lahat kami halos busog. Nagkasayahan na naman kami kwentuhan ng kung ano ano nag laro din kami ng bat ibang laro.

---------------------------

John POV

Nabalitaan na namin na may pagdiriwang na ang grupo nila Maco. Kaya hinanda na namin ang plano nangagawin mamaya.

----------------------------

Maco POV

Nasa tambayan parin kaming lahat pero wala pa si Bibot.

"Guys nasan na kaya si Bibot?"sabi ni Leah.

"Ewan namin"sabi ni Monique.

"Baka nasa bahay pa?"sabi ni Ken.

"Jeck sunduin mo na nga!"utos ko.

"Ayoko nga!"sabi nya habang nailing at biglang umakbay kay Jen.

"Kaya naman pala eh!"sabi ni Eggpie.

"Ako na nga lang susundo. Kasi kayo syota kayo ng syota yan tuloy dyan na nauubos oras nyo"sabi ni Niño sabay tumayo at umalis.

"Wait lang fafa Niño sasama ko!"sigaw ni Ken.

----------------------------

Niño POV

Narinig ko nga yung hiyaw ni Ken. Sumunod nga sya sakin habang nagsisisigaw ng makalapit sya inakbaan nya akong yakapin. Kaya hinawakan ko na yung noo nya para di makadikit.

"Kahapon ako nanlalansi sayo di mo pinatos ngayon ikaw naman ang nanlalansi. Ulol Ka!"sabi ko sabay punta na sa motor si Ken naman sa isa.

Nang makababa na kami sa bundok isang van ang humarang samin. Biglang bumaba ang isang lalaki at sumunod pa si John.

"Pano nyo nalaman tong lugar na to?"sabi ni Ken.

"Gawa nila"turo nya sa mga lalaking bumaba don sa isa pang kotse. Laking gulat ko ng makita ko sya uli pati si Ken gulat den.

"Zayn?"sabi namin ni Ken.

"Oo! Ako nga"sabi ni Zayn sabay bunot ng baril at tinutok sakin. Kaya di ako mapakali kung saan saan ako napatingin. Pero ng mapadako ang mata ko sa may puno nakita ko si Bibot. Kaya nakampante na ako.

"Relax ka lang susurpresahin pa natin silang lahat"sabi ni John.

Tinutok nila ang baril samin at pinaglakad kami papunta sa kinaroroonan nila Maco.

---------------------------

Bibot POV

Papunta na ako sa tambayan ng nakaramdam ako ng ihi. Pagbaba ko ay umihi ako sa gilid ng kalsada. 3 sasakyan ang dumaan patungo sa kinaroroonan nila Maco. Kaya dali dali akong sumakay ng motor at pumunta na sa tambayan.

Pag dating ko nga don pinark ko sa malayo yung motor at sumunod sa mga nakakotse. Nagtago ako sa isang puno nakita ko nalang na may nakatutok ng baril kay Niño. Kaya kaagad akong nagtext kay  Rose Marie para humingi ng tulong sya lang kasi ang makakatulong samin.

[Rose kaylangan namin ang tulong mo tumawag ka ng pulis. Pakipatay mo yung sireba kasi susurpresahin natin sila.] text ko.

Ng makalayo na sila isang lalaki ang naiwan na magbantay sa daan. Nakaharap pa sya sa mga kasama nya tila tinatanaw nya pa. Kaya dahandahan akong lumapit sa kanya at pumwesto ako sa likod nya. Nakaamba na ko para sa K.O. Punch ko.

"Kuya"mahina kong sabi tapos ay humarap sya sakin. Pagharap nya ginawa ko na ang K.O. Punch ko kaya sya'y tumumba. Kinuha ko ang pistol tyaka pocket knife na nasa tagiliran nya para nay armas ako. Di ako marunong gumamit neto pero may napapanood naman ako sa mga tv.

Sumunod na ako sa kanila para maabutan ko pa silang buhay.

----------------------------

RoseMarie POV

Nareceive ko ang text ni Bibot pero ayoko gusto ko munang mapag isa ngayon.

____________________________________

Mr.Gangster meets Ms.Sungit 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon