Ice Point of View
Nandito kami sa bahay nina Sandy para sa gatherings na sinasabi ni Ash. Parang reunion kumbaga.
Kanina ko pa gustong lapitan si Bern pero pakiramdam ko ay umiiwas siya. Ni hindi nga siya makatingin ng diretso sakin. Ano bang nangyari? May problema ba?
Gusto kong tanungin sina Summer at 'yong iba pa niyang kaibigan para malaman kung bakit pero ayaw din nilang magsalita. Weird.
"Taena mo, Ash! Mukha ka paring babae!" sabay suntok ni Wynter sa braso ni Ash.
"Ouch! It hurts 'ya know?" daing ni Ash. Tss. Bakla.
"Pucha pre! Bading ka pa rin!" natatawang sabi ni Cloud. Tss. Akala mo siya di bading.
"Nagsalita ang kupal! Ikaw nga itong nababalitaan kong bading! Hahaha!" sabi naman ni Ash.
"At least ako umaacting lang, eh ikaw? Bakla ka talaga." sabi pa ni Cloud saka tumawa na naman ng tawa. Tss. Kabagan sana.
"Tss. Baka mamaya magulat ka na lang sa sasabihin ko." may halong panghahamon sa boses na sabi ni Ash.
"Woah! Bakit? Nagpatrans-gender ka na ba? Sht ka pare! Akala ko pa naman-aw! Masakit 'yon ah." bigla kasi siyang binatukan ni Ash. Buti nga. Exagge masyado eh.
"Siraulo! Anong akala mo sa akin, ikaw? Hindi 'no! Never!" sabi ni Ash saka humagalpak ng tawa. Tss. What a word humagalpak. Lalim brad! Nakakatakot!
Para hindi nila sabihing wala akong paki sa pinag-uusapan nila kahit totoo naman, nagreact na lang ako. "Tss." tatlong letter na 'yan baka magreklamo pa sila. Pasalamat nga sila nagsalita pa ko eh. Per okay na rin, mapapanis na laway ko dito eh.
Wala naman akong balak mag-comment sa mga pinag-uusapan nila. Makikinig lang ako. Alam ko namang ipagmamayabang niya lang 'yong panliligaw niya kay Bern. Tang*na! Nakakabahala talaga. Nangangati na paa ko dito na lapitan at kausapin siya pero taena lang. Siya itong umiiwas. Nagtataka talaga ako. Hindi kaya umiiwas na siua dahil boyfriend na niya si Ash at ayaw nitong lumapit pa ako kay Bern? Pucha! Di ko kaya 'yon.
"So, how was the Korea, hyung? Is there something changes?" tanong ni Rain mukhang excited na sa isasagot ni Ash.
"Hayy, ang ganda parin don. Mas lalong umunlad. Sa katunayan, masarap tumira don. Malamig, malinis, maaliwalas ang paligid." sabi niya pa na para bang inaalala ang nga araw ng pagtira niya doon. Tss. Edi sana hindi na siya umuwi. Gusto niya pala don, bumalik pa siya. Manggugulo lang siya samin ni Bern eh.
"Kaya lang.." sabi niya saka napatingin sa gawi nila Rain, Sandy at Bern.
Pucha! Sino bang tinitignan niya sa tatlo? Wag niya lang sabihing si Bern. Magtutuos kami. Kahit joke lang. Hindi ko ugaling makipag-away lalo na sa malalapit na tao sa buhay ko, asaran lang.
Ngumiti siya doon. Hindi ko lang talaga mawari kung sino sa tatlo.
Pucha! "Mawari" Bakit ba anlalim ko ngayon? Kaya ayoko ng mga ganito eh. Parang antanda sa pandinig. Buset!
"Marami akong namiss dito." tss. May nagtanong ba?
"Higit sa lahat, nandito ang buhay ko." pustahan, kinikikig pa itong baklang si Ash ng sinabi niya 'yon.
"Taena, dude! Ang mais mo!" komento nila Cloud saka humagalpak ng tawa.
"OMG! The who naman is this you called your buhay here. Kilig much!" tili naman nila Sunshine.
Tss. Mga babae talaga. Sana makita ko din so Bern na kinikilig. Ano kayang itsura niya non. Ang cute niya siguro.
Aish. Tss. Tinatanong pa ba 'yon? Lagi naman eh.
"Curiousity kills. Sabihin mo na, Hyung!" pamimilit pa nila kay Ash.
"Oo nga naman! Sabihin mo na!"
Habang lahat ay nagkakagulo, napansin ko si Bern na wala yata sa sarili niya. Hindi siya nakiki-join. May bumabagabag ba sa isip niya? O baka may alam na siya sa pinagsasabi ni Ash?
Tss. Mamaya nga lalapitan ko na talaga 'yon at kakausapin.
"Okay, okay. Para tigilan niyo na ko." sabi ni Ash.
"What's happening here?" biglang sulpot ni Sandy galing kusina. Bigla naman siyang inakbayan ni Ash.
"Oy! Anong ibig sabihin niya?" react nilang lahat. Maski si Sandy ay nagulat sa ginawa ni Ash. Pero nginitian niya lang ito.
Teka? Break na itong dalawa na 'to ah? Kung sa bagay, pwede parin namang maging magkaibigan ang mag-ex eh. Mabait naman sila pareho. At mukhang hindi sila affected sa break-up nila. Parang tanga lang.
"Bukod sa reunion na ito? Nais kong ipahayag sa inyo, na itong babae sa tabi ko, ay makakasama ko na forever."
"Huh?"
"Wala namang forever eh."
"Tss. Pinagloloko naman tayo ni Ash. Uwi na tayo."
Binatukan ni Ash 'yong mga kupal. Saka may minouth sa kanila. May sikreto ba iting mga ito? Nagkakaintindihan eh.
"Engage na kami." sambit ni Ash saka hinawakan 'yong kamay ni Sandy at inintertwind ito saka itinaas. Makikita mo na doon 'yong engagement ring nila.
"Wow! Is this for real?!" hindi makapaniwalang react nila.
"Yup!" sagot nila Ash.
"Paano nangyari? Di ba nag-break kayo?"
Natawa naman pareho sina Ash at Sandy. "It's not considerable break-up. We never been broke-up. Long distance relationship lang kami dahil nga nasa ibang malayong lugar si Ash. Muntik na kaming mag-break dahil sa mga nagkalagusto kay Ash. Yeah, its muntik. Nasabi ko lang 'yon dahil sobrang selos ko sa babaeng may gusto kay Ash na kasama niya sa picture. Pero ang totoo, kami parin. Naging matatag lang talaga kami kaya sa huli, kami pa rin." nakanguti lang na nakikinig si Ash sa pagkwento ni Sandy.
Takte. Ibig sabihin niloko lang ako ni Ash na nililigawan niya si Bern?!
Aish! Sobra akong nabahala na halos magtapat na ko kay Bern para lang wag niyang sagutin si Ash tapos ganito pala?
WTF!
BINABASA MO ANG
Cold Melts (#Wattys2016)
Short Story[Chat series #1 ] A story of a guy who's cold and snob but when it comes to his best friend, he really do change. And he can do anything just for her. Even though it will cause the most painful heart break to him. It's just like a cold like ice melt...