2:10pm
Bern: Bestfrieeenddd!!!
seen 2:11pm
Bern: Aalis ako.
Ice is typing...
Ice: Saan punta mo?
Bern: sa Park.
Ice: Sino kasama mo?
Bern: wala. kaya nga magpapasama ako sayo eh.
Bern: pleaseee.. *le puppy eyes
Ice: hintayin mo ko sa inyo. susunduin kita.
Bern: yey! thank you, best friend! Labyu! 😘
Ice: tsk!
Ice is now offline
---
Bern Point of View
"Ano bang gagawin mo dito?" kanina niya pa siya ganyan. Napakamainiping tao talaga.
"Ganito lang." sabi ko habang nakahiga sa damuhan dito sa ilalim ng puno. Naiinip kasi ako sa bahay." sabi ko pa.
Bigla naman akong may naisip kaya mapabangon ako at napaupo. "Alam ko na!" masigla kong sabi saka nilabas 'yong phone ko.
"Ano 'yan?" tanong niya.
"Edi cellphone!" aish! minsan talaga ang sarap mambatok ng best friend mong nagtatanong pa eh obvious naman 'yong sagot.
"Tsk. Alam ko." tignan mo 'to. Sya pa galit. Sya na nga mali. Aish! "I mean, anong gagawin dyan?" tanong niya pa.
Itinaas ko 'yong phone ko atsaka initapat 'yon sa harap namin kung saan tama lang ang sukat ng anggulo na makikita kaming dalawa sa buong screen. "Ano na naman 'yan?"
Napatingin ako sa kaniya. "Dami mo namang tanong best friend," sabi ko saka inintroduce muna 'yong gamit ng cellphone. "Itong hawak ko, cellphone ang tawag dito, best friend." sinamaan niya ko ng tingin. Haha! Good. "Tapos ito naman yung camera para makapag-picture tayo." marahang paliwanag ko pero nang-aasar lang talaga ako. Hahaha!
"Tsk." hindi ko alam kung naiinis ba o natatawa si Ice. haha! Natatawa tuloy ako sa kaniya.
"Ready ka na, best friend?" tanong ko nang itapat ko na ulit yung amera ng phone ko para makapag-picture na kami.
Dumikit ako sa kaniya para magkasya kami sa screen. kaya lang napansin kong parang hindi naman halatang nakasmile si Ice kaya tinignan ko siya. "Smile ka naman, best friend." saway ko. Ngumiti naman siya pero hindi pa rin halata. Pilit pa. Aish! "Smile na yan?" tanong ko pa na nang-iinis. Tinignan nya naman ako nang nakakunot ang noo. "Hindi kasi halatang nakasmile ka. Ampangit mo kapag nakasimangot. Baka nabasag screen ng cellphone ko. Sige ka, mahal pa naman ito. Isa pa, Baka sabihin nila pinilit lang kita mag-picture." napangiti naman siya. Sabi ko na eh. Ito ang paraan. Talino ko talaga. Hahaha!
Hinawakan ko pa 'yong magkabilang dulo ng labi niya saka ifinorm na smile ang labi niya. "Tama yan. Smile!" nakangiti kong sabi.
Itinapat ko na ulit 'yong camera sa amin. "Ready? In one, two, three." tapos clinick ko na yun para masave na.
Tinignan ko sa gallery 'yong picture namin. Ang ganda. Nakangiti kami pareho. Ang cute lang tignan. Haha!
Tinignan ko si Ice mukhang wala naman siyang paki sa itsura niya dito. Sa bagay, kahit naman nakaaimangot, gwapo parin ang best friend ko.
Hihi. Maipost nga ito mamaya! Hahaha!
---
A/N: Dedicated to my eommie, Marylou! :) Ito yung sinasabi ko sayo. haha!
BINABASA MO ANG
Cold Melts (#Wattys2016)
القصة القصيرة[Chat series #1 ] A story of a guy who's cold and snob but when it comes to his best friend, he really do change. And he can do anything just for her. Even though it will cause the most painful heart break to him. It's just like a cold like ice melt...