Bern Point of View
"okay, see you later. Bye!" paalam ni Fuego pagkahatid niya sa akin sa school.
Ako naman ay dumiretso na sa loob. Naglakad lang ako ng normal. Hindi masyadong mabagal o mabilis. Tama lang.
Habang naglalakad ako sa hallway papuntang building namin, naramdaman kong may tumabi sa akin habang naglalakad. Nilingon ko siya sandali. At nang mapagtanto ko kung sino yun, agad kong iniwas ang tingin ko. Kunyari wala akong nakikita.
Gusto kong magalit sa kaniya dahil hanggang sa ngayon nasasaktan parin ako sa tuwing maaalala ko yung huling salitang sinabi niya sa akin. Hindi ko makakalimutan yun. Pero hindi ko talaga magawang magalit sa kaniya. Siguro ganon na kalalim yung nararamdaman ko para sa best friend ko—ay mali. Hindi na pala kami mag best friend.
"Hey," bati niya pero nagkunwari lang akong bulag at bingi at hindi siya pinansin. Diridiretso lang ako ng lakad. Mas binilisan ko pa yung lakad ko para iwasan siya.
"Bern," napalunok ako ng marinig ko ang pangalan ko na tinawag niya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya hinarap ko na siya.
"Sinusundan mo ba 'ko?" pagsusungit ko.
"Bakit? Masama bang sundan ka?" ngingiti-ngiti niya pang sabi.
"Oo, masama! Kaya please, layuan mo na ako." sambit ko saka tumakbo na papasok ng building ko.
Hindi ko intensyon na layuan niya talaga ako. Gusto ko lang lubayan niya ako sa ginagawa niya. Nako-confuse na naman kasi ako.
Sabi niya hindi niya ko mahal tapos ito? Syempre, nasaktan ako at buong kahihiyan ko na ang inilabas ko para lang magtapat at nareject naman ako. Double dead di ba?
Gusto kong magalit sa kaniya pero hindi ko magawa. Siguro dahil nga mahal ko na talaga siya. Hindi mo kayang magalit sa isang taong mahal mo di ba?
Aish. Love itself is complicated.
Break time, dumiretso ako sa main cafeteria ng school. Bumili lang ako ng burger, fries at soda tapos umupo na. Akmang kakagat na ako ng burger ng may umupo sa harapan ko saka inilapag niya ang mga pagkain niya.
Noong una ay hindi ko siya pinapansin. Pero napansin ko kasi na tinititigan niya ako habang kumakain kaya nailang ako.
"Tss. Anong ginagawa mo dito?" kunwari pa ay naiinis ako sa tono ko.
"Kakain din ako." agad niyang sagot.
"Tss. Parang totoo?" mahina kong ani. Hindi naman niya kasi kinakain yung pagkain niya. Nakatitig lang siya sa akin mula pa kanina. "Wag ka dito. Sa iba ka na lang umupo." sambit ko pa.
"Ayoko nga. Gusto ko dito eh." sabi pa niya saka tinitigan pa rin ako.
"You're too beautiful, Bern." sambit niya pa habang nakatitig sa akin. Napalunok tuloy ako. Teka nga? Alam niya ba sinasabi niya? "Hindi ka nakakasawang titigan." dagdag niya pa.
Aish. Ano ba? Bakit niya ba ginagawa 'to? Nakaka-confuse na talaga ah.
Atska, Teka? Oy! Wala akong ginawa dyan ah. Baka sabihin nyo ginamitan ko yan ng gayuma. Aish. Nababaliw na siya. Nakakatakot na nga eh.
Bigla siyang tumayo at nagbend ng kaunti. Nagulat ako ng tumambad sa akin ang sobrang lapit niyang mukha sa mukha ko.
"A-anong g-ginagawa mo?"
Ngumisi lang siya sa akin. Bumilis naman ang tibok ng puso ko. Why he really looks so handsome, huh?
I can't take this anymore.
Inilayo ko ang mukha ko sa kaniya saka tumayo at lumabas na ng cafeteria. Sayang at hindi ko naubos ang pagkain ko o nadala man lang. Kainis kasi yung lalaking yun eh! Buti at hindi na ako sinundan pa.
Pagkauwian ay as usual, naglakad lang ako. Bihira lang naman ako ihatid ni papa gamit ang motor niya eh. Tska, mas masaya kaya maglakad kaya nga lang kung may kasama. Nauna na kasi si Summer at Sunshine. Si Rain may gagawin pa. Si Sandy naman ay hindi na nag-aaral. Gumraduate na siya last year eh.
So ayun, mag-isa lang ako. Sana.. Kung hindi nakikisabay itong yelo.
Binilisan ko yung lakad ko pero sinusundan niya parin ako. Aish. Ano bang gagawin ko para makalayo?
Bibilis ang lakad ako. Bibilis din ang lakad niya. Tatakbo na lang ako.
Takbo ako ng takbo hanggang sa makarunig ako ng motor sa malapit. Lilingunin ko na sana ang likod ko ng higitin ako ni Ice papalayo at igilid sa kalsada. Muntik na kasi akong sagasaan nung lalaking nakamotor.
"Ayos ka lang?" tanong niya sa akin. Napaharap naman ako sa kaniya at saktong anlapit na naman ng mukha namin sa isa't-isa. At itong puso gusto ng kumawala sa sobrang bilis ng tibok. Kinakabahan ako kanina na muntik na ako masagasaan ng motor pero parang mas kinakabahan yata ako ngayon na ganito ang posisyon namin ni Ice.
Nakaikot ang braso niya sa akin. Parang nakayakap habang nakatitig sa akin.
Aish. Ayoko na!
Bigla ko siyang itinulak palayo. "Sorry. S-salamat na lang. Bye!" sabi ko saka nagmadali ng tumakbo.
"Sa susunod, mag-iingat ka na!" sigaw pa niya. "Pero tandaan mo, lagi lang akong nasa kung saan para iligtas ka!"
Aish. Ano nanaman ba ito, Ice? Jusko, Hindi ka ba naaawa sa puso ko? Sobrang fall na fall na sayo.
Pero sana wag niya akong paasahin sa ginagawa niya. Dahil baka kahit sinabi niyang hindi niya ako mahal, mag-assume ako at maniwala parin sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Cold Melts (#Wattys2016)
Short Story[Chat series #1 ] A story of a guy who's cold and snob but when it comes to his best friend, he really do change. And he can do anything just for her. Even though it will cause the most painful heart break to him. It's just like a cold like ice melt...