twentiitrii

109 8 2
                                    

Bern Point of View

Ilang araw na akong nililigawan ni Fuego. Syempre ako naman, kinikilig. Pero hindi ko magawang magsaya ng sobra. Feeling ko kasi hindi masaya na tipong parang may kulang.

Si Ice.

Ilang araw na rin siyang hindi namamansin. Nag-aalala na ako. Hindi ako sanay na ganon siya. Na umiiwas at lumalayo.

Hindi ko na talaga maintindihan si Ice.

"Hey, is there any problem?" tanong ni Fuego.

Nandito kami sa mall. Nagpapahinga lang. Kanina pa kasi kami umiikot.

Umiling ako. "Wala." sagot ko.

Napangiti naman siya. "Alam ko na, ice cream na lang tayo." pagkasambit niya non, naalala ko na naman si Ice.

Bago pa ako makapag-react ay hinila na niya ako dito sa ice cream parlor.

"Anong flavor gusto mo?" tanong niya sa akin.

"Strawberry."

"Okay, wait for me here. I'll be the one to buy." aniya saka pumunta na ng counter para um-order.

Iniwan niya akong nakaupo dito ng mag-isa sa gilid ng glass wall. Nakapangalumbaba lang ako na nakatingin sa labas nang makita ko si Ice. Napaupo ako ng diretso. Plano ko na dapat siyang puntahan kaya lang may kasama pala siya.

Kaya pala nag-iba na siya. Kasi may bago na siyang best friend. Haha. Edi sila na! Paki ko? Saksak pa niya 'yong babaeng 'yon sa baga niya eh. Tss. Kainis!

Cold Melts (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon