Ice Point of View
Hindi parin kami umaalis sa pwesto namin. Nakatitig lang siya sa akin at ganon din ako sa kaniya.
Ambagal ng takbo ng oras na pakiramdam ko ay kaming dalawa lang ang tao dito. Kahit anong ingay sa paligid, wala akong marinig.
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Para na talaga siyang sasabog kapag hindi ko pa ito na ilabas.
"Bern, I.. I love you."
"Brad!" biglang tawag na sumabay sa pagtatapat ko.
Bwiset! Narinig kaya ni Bern? Aish!
Agad ko namang hinarap 'yong lalaking wrong timing at saka siya tinignan ng masama.
Nanlaki naman ang mata ko nang mapagtanto kung sino ang nakikita ko ngayon sa harapan ko.
"Fuego.."
Natawa naman siya at alam kong dahil 'yon sa reaksyon ko.
"Tsk. Anong itsura 'yan, bro? Pfft. Nakakatawa. Gulat na gulat ka!"
Alam ko.
"Kamusta? Tagal nating di nagkita ah. Hindi mo ba ako namiss?"
Kanina, mabuti ngayon, aish. Ewan ko. Masaya naman akong nakita ulit ang best friend ko dahil namiss ko parin naman siya. Kaya lang, sana hindi ngayon na nandito si Bern.
Wrong timing!
Napatingin siya sa tabi ko. "Oh, hi Bern!" nakangiti niyang bati kay Bern.
Agad kong sinilip 'yong mukha ni Bern para malaman ang reaksyon niya na ngayon ay nakikita na niya ang taong matagal na niyang gusto.
"Ahh H-hi.." nahihiyang bati ni Bern saka napakagat ng labi. Namumula rin ang mga pisngi niya.
Aish.
Ito na nga ba ang kinatatakot ko eh. Ang bumalik na 'yong taong matagal na panahon na niyang gusto.
'Yong taong dahilan kung bakit lagi akong nasasaktan.
Ano nga ba kasi ang laban ko? Siya na ang may gusto kay Fuego. Hindi ko naman pwedeng diktahan ang puso niya dito? Sino lang ba ako sa buhay niya? Ako lang naman ang best friend niya, at hindi 'yong gusto niya.
Noong nagkagusto si Bern kay Fuego, ako ang una niyang sinabihan tungkol don.
Bakit? Dahil best friend niya ako.
Noong snobber pa si Fuego, ako pa ang nilalapitan ni Bern para malaman ang mga bagay na may kinalaman kay Fuego.
Syempre, dahil best friend ako ni Fuego.
Kapag kinikilig si Bern na palaging nagkukwento tungkol sa nakakaurat na na pag-ibig niya sa best friend ko.
'Yong mga pangarap niya daw sana kung maging sila...
Aish. Badtrip. Ang sakit lang.
Samantalang wala namang pakialam si Fuego noon sa kahit ano sa paligid niya.
Kahit na labag sa loob ko ang mga ginagawa kong paraan para saktan lang sarili ko, sinusunod ko parin ang mga request ni Bern para paglapitin sila ng taong gusto niya. Wala rin naman akong magagawa dahil doon masaya si Bern.
At makita ko lang siyang masaya, ayos na ko. Kahit na nasasaktan na talaga ako.
Ganon ko siya kamahal
Sana kasi ako na lang 'yong gusto ni Bern. Sana ako na lang..
BINABASA MO ANG
Cold Melts (#Wattys2016)
القصة القصيرة[Chat series #1 ] A story of a guy who's cold and snob but when it comes to his best friend, he really do change. And he can do anything just for her. Even though it will cause the most painful heart break to him. It's just like a cold like ice melt...