sebentiin

167 9 3
                                    

Ice Point of View

Nandito kami ngayon ni Bern sa paborito naming tamabayan dito sa Park.

Bukod kasi sa magandang tanawin diti ay malinis at presko ang hangin. Tuwing umaga rin, masarap humiga at magpahinga dito sa damuhan sa ilalim ng lilim ng puno. Tuwing hapon naman ay kitang-kita mo ang paglubog ng araw. At tuwing gabi naman ay malamig at masarap ding pagmasdan ang mga bituin sa kalangitan.

Masasabi mo talagang romantic ang lugar na ito sa pinakasimpleng paraan. May sentimental value sa akin ang lugar na ito dahil napakaraming good memories namin dito ni Bern. Yan ang nasa isip ko. Sana nga siya rin ganon ang nasa isip eh.

Napansin ko na kanina pa kami tahimik. Lalo na si Bern. Kanina pa kakaiba ang kinikilos niya. Sana kahit ngayon lang pwede ako mag-assume 'no? Na may pag-asa na 'ko. Feeling ko lang naman. Ngayon lang naman ako nag-assume at bihira akong maging feelingero eh. Kaya sana.. Pagbigyan niyo na ako, masaya ako eh. Haha!

"Gusto mo ng ice cream?" tanong ko sa kaniya. Tumango naman siya. "Sige sandali lang." paalam ko saka bumili ng ice cream.

Pumunta ako sa sorbetero na lagi naming bibibilhan ni Bern dito. Nakapwesto kasi ito malapit sa tambayan namin ni Bern na kung saan makikita mo mula dito ang pwesto namin.

"Manong! Kamusta?" bati ko agad sa kaniya ng makalapit ako sa pwesto niya.

"Oh, Ice, hijo, nagawi ka na naman dito?" gulat pero masaya niyang tanong tapos kumuha ng cup atsaka sinalukan na kami ng ice cream. Alam na kasi agad ni manong kung anong bibilhin ko o kahit si Bern. Automatic na na strawberry ang flavor non dahil ito ang lagi naming binibili.

Ayaw ko nga nyan dati dahil pink ang kulay. Masyadong pambabae pa kung iisipin. Pero para kay Bern, sinunod ko. Gusto ko kasi ang mga gusto niya ay alam ko at magustuhan ko rin. Kaya kahit ayaw ko noong una, kinain ko pa rin. At ngayon nasanay na ko. Dahil kay Bern.

Lahat para sa akin ay dahil kay Bern. She's my everything.

Aish! Putek. Tumatagal, lalo akong kumukorni. At DAHIL YAN KAY BERN.

"Kasama mo ba siya?" tanong ni manong saka inabot sa akin ang ice cream.

Nakangiti naman akong tumango. "Kapag ba sinabi kong siya si Bern na ba na nakapagpatunaw ng puso mo ang agad kong ibig sabihin?" sabi niya pa saka natawa. Natawa na lang din ako dahil kay manong.

"Kumikilos ka na ba, Ice hijo? Naku! Alam ko na ang sagot." pabiro niya pang sabi.

Oo, alam na niya na may gusto ako kay Bern, na best friend ko. Pinagkakatiwalaan ko na siya dahil para ko na din siyang tatay. Simula pa ng bata ako, kapag dinadala ako ni Mom dito sa kaibigan nyang si Manong, lagi kaming nag-uusap. Kapag may problema, nalalapitan ko siya. At hanggang ngayon, hindi close pa rin kami.

"Tsk, tsk, tsk." napangiti na naman ako sa reaksyon niya.

"Alam mo, Ice. Ilang taon na ako dito. Ilang taon na rin 'yang pagsinta mo kay apoy." panimula ng walang katapusang advice niya. Kabisado ko na 'yang mga kilos ni manong. Alam ko na nga sasabihin niyan eh.

"At bilang nakatatanda po sayo, tinuturing nyo na akong anak nyo. Kaya.. Ilang beses niyo po ba ako dapat payuhan? Na hindi sa lahat ng oras ay nandyan ang pagkakataon. Kaya habang nandyan pa, wag mong sayangin."

Natawa naman si manong. "Alam na alam mo na pala hijo. Kabisado mo pa. Eh kung ganon ay bakit hindi ka pa rin tagtatapat? Hindi ba, sinabi ko sayo, walang mangyayari kung hindi mo susubukan?"

"Manong, hindi po ba alam niyo na yung dahilan ko?"

Pinutol agad niya ang sasabihin ko. "Takot lang 'yan masaktan, Ice. At sa taong tunay na nagmamahal, natural na 'yan."

"Opo,"

"Aish. Lagi mo naman 'yan sagot pero hindi mo ginagawa."

Naku si manong talaga. Andaldal. Matutunaw na ice cream namin.

"Keirah!" tawag ni Bern na hingal na hingal na parang akala mo ay naghahanap ng taong tinaguan siya.

"Tay, itago mo po ako." sambit ng batang babae na lumapit sa amin saka nagtago sa likod ni manong atsaka bumungisngis ng tawa.

"Kamusta, baby Keirah? Namiss ka ni Kuya pogi.." bati ko sa batang babae. Anak ni manong sorbetero.

"Kuya pogi!" gulat siya ng makita ako pero masaya ang tono. Kaya naman ay agad niya akong niyakap. "Namiss din po kita!" nakangiti niyang sabi saka humiwalay na at bumalik na sa pwesto niya sa likod ng papa niya. "Wag ka po maingay kay ate Bern ah.. Hihihi." napangiti naman ako sa cute ng bata.

"Keirah!" tawag pa ni Bern saka nakita niya na kausap ko si baby Keirah kaya nilapitan niya si manong sa likod upang gulatin si baby Keirah.

"Huli ka!" sigaw ni Bern saka hinawakan si baby Keirah.

"Waaah! Tatay!" gulat na sabi ng bata saka bumungisngis.

"Wala.. Huli na kita eh.." parang bata pang sabi ni Bern saka kiniliti si baby Keirah. Kaya ang bata ayun, halos kabagan na sa kakatawa. "Come on, baby Keirah. Mommy Bern is here.. Hahaha!" natatawa na lang ako sa kulitan nila.

"A-ayoko.. na...haha... po... ate haha.. G-gan..da.. Hahaha.." sabi ng bata.

Tumigil na rin si Bern sa kakakiliti sa bata. Alam niya naman na baka kabagan ito.

"Yehey! Haha!" sabi ng bata ng nakawala siya sa bisig ni Bern saka binelatan ito. "Ate Bern, panget! Hahaha! Bleeh!"

"Ikaw!" pabirong hamon ni Bern sa bata kaya tumakbo agad ang bata papunta sa likod ko.

"Kuya pogi oh.. Si ate Ganda.." sumbong niya pa sa akin. Pero nginitian ko lang sila habang pinagmamasdan magkulitan sa harap ko. Ang saya saya nilang tignan.

Naiimagine ko tuloy kung maging kami ni Bern at si Keirah ang anak namin. Ang saya siguro non.

Haha! Kung anu-ano na naman ang pumapasok sa isip ko.

Matapos 'yon ay bumalik na kami sa tambayan namin sa ilalim ng puno. Inabutan na kami ng hapon dahil sa sobrang enjoy. Kapag kasama talaga namin si Keirah, gumagaan ang pakiramdam ko at sumasaya ang paligid namin.

"Ang saya.." sabi ni Bern na nakahiga lang sa damuhan dito habang pinapanood ang paglubog ng araw. "Thank you sa pagyaya sa akin dito, Ice." nakangiti siya habang sinasabi 'yon.

"Hindi ako magsasawang pasayahin ka, Bern. At hindi rin ako nagsasawa na pakinggan ang pagpapasalamat mo sa akin." napatingin siya sa akin kaya nginitian ko siya.

Magkatitigan lang kaming ngayon at sobrang bilis ng tibok ng puso ko na pakiramdam ko ay sasabog na.

Ngayon na ba?

Ngayon na ba ang tamang panahon para sabihin ko ang nararandaman ko para sa kaniya?

Cold Melts (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon