Bern Point of View
"Bern!"
Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan kapag tinatawag niya ko. Dati naman kahit ilang beses njya ko tawagin, wala namang kakaiba sa nararamdaman ko.
"Panget na apoy!" Tawag niya pa sa akin at nagulat na lang ako ng maramdaman ko ang kamay niya. Shet! Bakit parang may kuryente na? Dati naman wala.
"Uy!"
Hinila niya ko paharap sa kaniya.
"B-bakit?" aish. isa pa 'yan. Bakit ba ako nauutal? First time 'to! Kainis naman. Ano ba talagang nangyayari?
"Bakit sini-seen mo lang ako sa chat?" parang bata niya pang sabi.
Tsk. Hindi na talaga siya 'yong Ice na cold. Ano bang nangyayari sa mundo sa paligid ko? Naengkanto na ba ko kaya parang ewan na 'yong mga nangyayari sakin?
"Gwapo ko, 'no?" napakurapkurap naman ako ng marinig ang nakapagmanly at sexy niyang boses.
Ay putek!
Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto ko na masyadong malapit ang mukha niya sa mukha ko. Nakangisi pa siya sa harap ko. Napalunok tuloy ako ng sunod-sunod. Feeling ko namumula na ako sa hiya.
Kaya sa hindi ko alam na dahilan ay bigla ko siyang naitulak. Nagulat naman siya sa ginawa ko.
Aish! Itong puso ko kasi eh. Parang sira. Anlakas ng tibok.
Ay takte! Natulak ko si Ice!
Napahawak na lang ako sa bibig ko ng mapagtanto ko ang ginawa kong katangahan. Paano, antagal-tagal na naming mag-best friend, ilang beses na niyang ginawa 'yon pero ngayon ko lang siya naitulak.
"Sorry.." paumanhin ko sakaniya saka nagpeace sign. Doble kahihiyan na 'to.
Natawa lang siya.
Bakit ba ang happy na niya? Parang sira. Nakakapanibago siya. Pati sarili ko, nakakapanibago. Can anyone tell me what's happening to us?
"M-may sasabihin ka ba?" nauutal kong tanong dahil sa hiya.
Tawa pa rin siya.
Baliw. Pero mas baliw yata ako?
"Wala. Wag mo ng isipin 'yon.." natatawa niya pang sabi.
Wala na. Ayaw na niya. Aish! Nakakahiya talaga ako. Para akong baliw.
Pwede ba Bern, umayos ka sa harap ni Ice? Si Ice lang 'yan. Best friend mo.
Tama, tama! Ganyan lang ang isipin mo. Okay?
"Mamaya sunduin kita sa bahay niyo," masaya niyang sabi.
'Inhale, exhale. Whew.. Relax ka lang..' yan ang nasaisip ko pero hindi ko magawa.
Wala na akong magagawa kundi ang magpanggap. Sige, kaya mo 'yan, Bern!
"Bakit? Anong meron?"
"Wala lang.. Gusto ko lang mamasyal." sabi niya saka nakangiting ipinasok sa bulsa ang dalawang kamay niya.
"Hintayin mo 'ko." sabi niya pa saka kumindat muna bago umalis.
Pag-alis niya, doon ko na ibinuga ang lahat hangin na hinugot ko pa ng malalim saka nagpaypay gamit ang kamay.
Mygoodness! Kanina pa ko naiinitan. Masyado na bang mainit ang earth? Kauulan lang kaya nitong mga nakaraang araw? Di ba? May tubig na rin at Naligo na naman ako? Aish.
Kasalanan 'to ng yelo na 'yon eh. Tumawin ko siya!
BINABASA MO ANG
Cold Melts (#Wattys2016)
Short Story[Chat series #1 ] A story of a guy who's cold and snob but when it comes to his best friend, he really do change. And he can do anything just for her. Even though it will cause the most painful heart break to him. It's just like a cold like ice melt...