Ice Point of View
Nandito kami ngayon ni Bern sa Park. Nakahiga lang kami sa damuhan sa ilalim ng puno habang pinanonood paglubog ng araw. Sabi nila kung sino raw ang kasama mo habang palubog ang araw, siya na ang makakasama mo habang buhay. Alam kong its a kind of a gaysht para sa isang lalaki na hopeless romantic at naniniwala sa mga sign pero para kay Bern kahit ano gagawin ko. Kahitbang maniwala pa sa mga yan. Sana totoo yun. Dahil ayoko ng magkahiwalay pa kami ni Bern.
"I love you so damn much, Bern."
"I know that, more than enough, Ice. I love you so much, too."
Bigla namang may mga lalaking lumapit sa amin. "Excuse me, miss. Pwede po ba tayo mag-picture? Ang ganda nyo po kasi. Para kayong koreana."
Tinignan muna ako ni Bern saka nginitian ako. Inilingan ko naman siya. Pero antigas ng ulo at nagpicture parin don sa mga lalaking hindi namin kakilala. Pasaway talaga. Sinusubukan talaga ako.
"Hehe. Ganda ko."
"Tss." kunyari cold na naman ako sa kaniya.
"Kuya!" tili ng mga babaeng nasa 13-16 years old na ang edad na tumatakbo papalapit sa gawi namin. Teka? Ako lang naman lalaki dito ah? Umalis na rin naman yung mga nagpapicture?
Nang makalapit sila ay tama nga ako. Ako nga ang hanap nila. Ano na naman ba ang problema ng mga ito? Tss.
"Kuya, ang gwapo nyo po. Picture po tayo! Hihi."
Teka nga? Hmm.. Pwede 'to! Hahaha!
"Ahhh" napatingin ako kay Bern na nakataas ang kilay na para bang sinasabing: 'sige, subukan mo lang. Yari ka sakin.'
Selos yata. Haha. masubukan nga ito. "Sure.."
Habang picture ng picture yung mga babae ay lihim kong sinusulyapan si Bern. Haha. Inis na siya. Tinignam niya pa ako ng matalas na tingin. Nakakatakot na. Tama na nga.
"Thank you po!" tss. Nagkataon lang talaga to kaya ako pumayag. "Isa na lang po, please.."
"Ano yun?"
"Payakap po!" sabay-sabay nilang sabi saka sabay-sabay din akong dinumong ng yakap.
Uh-oh. Lagot.
"Alright. Enough na guys. Nandyan girlfriend ko. Nagseselos na daw siya."
Nagsialisan naman sila sa yakap. Hay, mabuti naman. "Ay, sayang. May girlfriend ma po pala kayo." sabi nung isa.
"Oo, ayun siya oh." sabi ko saka marahang itinuro si Bern.
"Wow! Ang ganda niya naman po! Bagay po kayo! Hihi." sabi naman nung isa. Natuwa naman ako sa sinabi niya.
"Sige po, Kuya! Salamat po ulit! Mukhang may date kayo ni ateng maganda eh. Enjoy po kayo! Bye!" paalam pa nila saka umalis na. Bumalik na rin sa pwesto namin dito si Bern.
"Gwapo ko 'no? Dami kong fans?" pang-asar ko kay Bern.
"Masaya ka na niyan?" mataray niyang sabi. Hala. Nagselos nga. "May payakap-yakap pa kayong nalalaman! Parang di ka nakikita ng girlfriend mo e, 'no! Gwapo ka di ba? Edi maghanap ka na ng—" hindi ko na siya pinatapos pa sasabihin niya kaya agad ko na siyang hinalikan sa labi niya. Para ano pa ba? Edi para pigilan ang ingay ng bibig niya. Ayokong nakikipagtalo sa kaniya.
Pagdating kasi kay Bern, itong puso ko na kasing lamig at tigas ng yelo, parang bigla na lang natutunaw.
Sobra sobra na ding nagdidiwang ang puso ko sa mga narinig ko. Malaman ko lang na nagseselos pala ang mahal ko, para na itong sasabog sa sobra bilis ng tibok at saya.
BINABASA MO ANG
Cold Melts (#Wattys2016)
Short Story[Chat series #1 ] A story of a guy who's cold and snob but when it comes to his best friend, he really do change. And he can do anything just for her. Even though it will cause the most painful heart break to him. It's just like a cold like ice melt...