twentiisiks

105 5 0
                                    

Bern Point of View

"Ayos ka lang?"

"Ha?" biglang lingon ko kay Fuego. "Uhm, oo. A-ayos lang naman." I lied.

Ang totoo, kanina pa siguro ako tulala dito at iniisip 'yong sinabi ni Ice.

Oo nga naman. Mahal niya ako dahil best friend niya ako. What would I expect? Para akong sira.

"Tss. You're not good at lying, huh?" aniya saka napangiti. "Sana ako 'yang iniisip mo kaya hindi mo na namalayan na nadito na tayo sa tapat ng school mo kanina pa."

Napatingin ako sa paligid ko. Tama nga siya. Nandito na kami at hindi ko namalayan 'yon. Siguro kanina niya pa ako pinakikiramdaman.

"I'm sorry." paumanhin ko na lang.

Alam kong ang unfair ko kay Fuego. Siya kasi ang kasama ko ngayon pero si Ice ang nasa isip ko.

"I think, we should go somewhere later?" napatingin naman ako sa kaniya. "Just stress reliver?" nakangiti niya pang sabi. Nginitian ko na lang siya bilang sagot.

Pagkababa ko sa kotse niya ay pumasok na agad ako sa loob ng school. Agad ko namang nakita si Ice. Nagkasalubong pa ang mga mata namin pero napaiwas kami ng tingin sa isa't-isa. Hindi ko alam. Parang ang awkward ng feeling ko. Matapos 'yong paliwanag niya sa chat, parang ayoko ng humarap sa kaniya though hindi niya naman alam 'yong nararamdaman ko.

Siguro kasi nag-assume ako?

Kainis! Sana nga hindi na lang ako inasar ng mga kaibigan ko sa best friend ko. Sana hindi na lang din nagparamdam si Ice. Sana hindi na lang siya nagbitiw ng salita. Sana hindi ko na lang 'yon pinansin at nagpatuloy na lang sa pagkukunwaring manhid. Dahil ang totoo niyan, umasa ako. At syempre masakit. Ang tanga tanga ko naman kasi eh. Isipin ba naman na may gusto ang best friend niya sa kaniya? Ha! Nakakatawa ako.

Bigla na lang pumatak ang luha ko ng hindi ko namamalayan. Siguro ay dahil mabigat parin sa kalooban ko at nasasaktan parin ako.

Gusto kong makausap si Ice. Gusto ko sana siyang lapitan kaya lang may kasama pala siya.

'Yong bago niyang best friend. Or baka nga girlfriend niya, hindi niya lang sinabi sa akin?

Aish. Sa chat ko na nga lang siya kakausapin.

Cold Melts (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon