CHAPTER 1

355K 4.8K 236
                                    

CHAPTER 1

MISHY'S POV

"Strike, uulitin ko at sana naman makinig ka kahit papano. Tandaan mo bago ka kumilos o gumawa ng kahit ano, hintayin mo muna ang signal ko." Bilin niya sa akin for the nth time.

Kung nagtataka kayo kung sino iyon, he's my best friend, Paris James Roqas or PJ for short. Sa tagal ng pagkakaibigan namin, kilalang-kilala na niya ako. Alam na alam niyang nang magsaboy ng kakulitan ang Dyos sa mundo ay may dala akong dram at sinalo lahat iyon. Kaya kadalasan din, siya ang napapagalitan ng kuya ko. Sa kaniya kasi ako palaging ibinibilin.

Ako nga pala si Mishiella Greene o Mishy. Ang mga nakakakilala lang sa akin ng lubos ang tumatawag sa akin ng 'Strike', my other persona. I'm eighteen years old at kasalukuyang nasa ikalawang taon sa kolehiyo. Pero maliban sa pagiging estudyante isa rin akong...

Secret agent.

Fourteen years old pa lang ako habang ang kapatid kong si Kuya Ethan ay seventeen nang patayin ang mga magulang namin. Wala kaming ideya kung sino ang pumatay sa kanila, at iyon ang pangunahing rason kung bakit namin ginagawa ang trabahong ito.

Ang pangalawa ay dahil sa gusto din namin ang aming trabaho. Napupunan ng trabaho namin ang mga pangangailangan namin at isa pa, we never get bored.

Kabilang kami ng kapatid ko sa top secret agents sa Black Heart Organization, isang legal na organisasyon kung saan gumagawa kami ng imbestigasyon para sa mga kliyente namin.

Bago tumanggap ang BHO ng kliyente ay gumagawa muna kami ng masusing background check para matiyak na wala silang criminal record. We don't do dirty works, pero minsan sa mga missions, hindi maiiwasan na may masaktan kahit anong ingat ang gawin mo.

Kadalasan mga ebidensya lang ang kinukuha namin at lahat iyon patago. Iniiwasan namin na magkaroon ng engkwentro. But like I said, it's inevitable.

Hindi naman laging mahirap ang mga missions namin. Katulad ngayon, kailangan lang naming kumuha ng ebidensya para sa kliyente namin na si Mrs. Ronquillo na naghihinala na may babae ang asawa niya na si Mayor Cesar Ronquillo.

Kailangan ko lang makunan si Mr. Ronquillo ng litrato sa akto ng kanyang pambababae. Madali lang sana ito kung hindi lang dahil sa mga guards niya na naka-red alert na din marahil ay dahil sa asawa ng boss nila. Mayaman si Mrs. Ronquillo dahilan para ikatakot nito na magkahiwalay sila, idagdag pa na hindi maganda iyon sa paningin ng mga tao lalo na at mukhang may balak syang tumakbong kongresista sa susunod na eleksyon.

"I'm fine, Knowledge. Relax, okay?" napangiti ako. Naiimagine ko na kung gaano kakunot ang noo niya ngayon.

"How can I relax? I know you too well, matigas ang ulo mo." napatawa nalang ako. Wala akong balak i-tama siya dahil sang-ayon naman ako sa sinabi niya.

Binilin kasi ako ni kuya sa kaniya. I'm such a handful person. Bihira akong sumunod sa mga utos sakin dahil may sarili akong diskarte.

"Fine, fine." sabi ko na lang sa kaniya para sa ikatatahimik niya na sinabayan naman nya ng pagbuntong hininga.

Kumurap-kurap ako nang maramdaman kong bahagya nang natutuyo ang contact lense na suot ko. It's a spy contact lense called 'Beautiful Eyes'. Weird name, I know. Si PJ ang nagpangalan niyan since siya ang nakaimbento nito. Isa kasi si PJ o mas kilala sa tawag na Agent Knowledge sa mga agents ng experiment department ng BHO na hindi pinapasabak sa field missions. Nasa headquarters lang sila kung saan gumagawa sila ng mga gamot, devices, gadgets at nagiging 'eyes' namin pagdating sa mga mission.

Bukod sa Beautiful Eyes may suot din akong mic at LD o listening device para magkaroon ako ng komunikasyon kay PJ, and a small gun underneath my black skirt.

BHO: His Secret Agent Pretend Wife (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon